Chapter 10: Her Sickness

1287 Words
"Xhiena! OMG! Hindi talaga ako makapaniwala. You're a novice, but you're so super amazing! Ngayon meron ka ng 100,000 points! Makakahabol ka kaagad kapag ipinagpatuloy mo 'yan!" sabi ni Ulvia sa akin kaya napangiti ako. "Tama, Xhiena! Kapag sunod-sunod ang matataas na success rate mo, may posibilidad ka na maging isang prime!" sabi pa ni Ulvette. Maging isang prime? Kagaya ni Zynon? "Masyado naman yata kayong nago-overreact! Paano naman ako magiging prime, hindi nga ako marunong makipaglaban, lalo na sa inyo. Tao lang ako, no?" sabi ko. "Matututunan mo rin 'yan, Xhiena. Don't lose hope, okay?" Napangiti ako at napatango. Kasalukuyan kami ngayong nasa Dining Hall nila Ulvia at Ulvette at kumakain. Katatapos lang kasi ng klase at medyo naging usap-usapan din ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman kasi inaakala na magiging instant celebrity nanaman ako dahil sa ginawa ko. Napatigil naman kami sa pagkaing tatlo nang may lumapit sa aming dalawang lalaki. Napatulala ako dahil ang gagwapo nila. Para silang mga anime na lumabas sa T. V. dahil sa mga buhok nila. 'Yung isa kulay blue 'yung buhok na bumagay naman sa kaniya, may pagkasingkit siya at maputi. Tapos 'yung isa naman ay may dye na kulay green 'yung buhok at ang astig naman ng aura niya. Meron din siyang hikaw sa kaliwang tenga. "Hi, ladies! Can we join you?" sabi nung may kulay green ang buhok tapos lumapit kay Ulvia saka siya hinalikan sa pisngi. Napasinghap ako. O-kay? Anong nangyayari? Umupo naman sa tabi ko 'yung blue ang buhok tapos nginitian ako. "Ikaw ba 'yung sinasabi ng kambal na bagong kaibigan nila?" tanong niya sa akin. "Ah, a-ako nga." "Kung ganun, nice to meet you. I'm Funter." pakilala niya. "And you are?" "Xhiena." sagot ko kaya napatango-tango siya. "So, Xhiena pala ang pangalan mo. I'm Perk by the way. I'm Ulvia's boyfriend." pakilala naman nung lalaking may green ang buhok na nakaakbay na kay Ulvia. Doon ako naliwanagan. Kaya pala. "So, ikaw, Funter. Boyfriend ka rin ni Ulvette?" tanong ko naman sa katabi ko. "Ah, no. We're bestfriends." sabi niya kaya napatingin naman ako kay Ulvette tapos nakita ko siyang parang namumula. Hmm, I smell something fishy here. Palihim na lang akong napangiti at hindi umimik. Nagkakuwentuhan naman kaming lima. Matagal na pala silang magkakaibigan, simula bata pa. Nakakatuwa lang silang kausap at sobrang gaan ng loob ko sa kanila. Nang mag-dismissal na nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Papunta na ako sa dormitories nang maalala ko si Dober. Hindi naman siguro masama kung bibisita uli ako sa tree house. Agad na akong napatakbo sa gubat sa direksyon ng tree house nang parang maramdaman ko na nanghina bigla 'yung mga paa ko. Namanhid 'yun. Dahan-dahan akong bumagsak sa lupa. Napahawak kaagad ako sa mga binti ko, habang nagsisimulang kabahan. Oh, God! Oh, God, please, huwag ngayon! Napapikit ako ng mariin. Hindi ko na maramdaman 'yung binti ko. Napahawak na lang ako doon ng mahigpit habang nagsisimulang tumulo ang mga luha ko. "Xhiena, hindi puwede! Hindi pa puwede! Ayoko pang mamatay! Tumayo ka!! Tumayo ka, please!" sigaw ko sa sarili ko at pilit na pinapalo 'yung mga binti ko habang panay ang pagtulo ng luha ko. Kumuha ako ng bato at pilit na pinupukpok iyon sa binti ko pero kahit na 'yung sakit na dapat maramdaman ko ay hindi ko maramdaman. Hanggang sa makita ko na lang na may sugat na 'yung binti ko at dumudugo na 'yun. Napaluha ako lalo. Bakit ngayon pa? Bakit kailangang ngayon pa? Hindi pa ako puwedeng mamatay. Ang sabi ng doktor, unti-unting manghihina ang katawan ko, mula sa mga binti, sa braso hanggang sa maparalyzed ang buo kong katawan. At ngayon, nagsisimula na nga. Walang gamot ang sakit ko. Ni hindi alam ng mga doktor kung ano ang tawag dito. Basta ang alam nila ay unti-unting humihina ang katawan ko. Naalala ko pa kung gaano ako magmakaawa na halos lumuhod ako sa mga doktor para lang gamutin nila ako. Pero tanging pag-iling lang ang lagi nilang isinasagot sa akin. Naikuyom ko na lang ang mga palad ko at hinayaan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Tapos natigilan na lang ako nang makitang may isang pares ng paa ang nakahinto sa harapan ko. Dahan-dahan akong tumingala at hindi ko siya maaninag dahil sa luha sa mga mata ko. Mabilis ko 'yung pinunasan at nakita ko na nga ng malinaw ang mukha niya. Wala paring emosyon ang mukha niya at para nanaman siyang naistorbo mula sa pagtulog. "Why did you call me again?" tanong niya kaya napakunot ako ng noo. "Hindi kita tinawag." "You did." "Hindi!" giit ko. "I smelled your blood." Napatingin ako sa binti kong may sugat at napabuntong hininga. "Sorry, hindi ko sinasadya. Nakalimutan kong naaamoy mo nga pala ang dugo ko. Sorry..." sabi ko at napayuko. "You should always be careful not to get wounded. Palagi mo akong iniistorbo." "Sorry." Tapos nabigla na lang ako nang bigla siyang mag-squat sa harapan ko at binalot niya ng panyo 'yung sugat ko. Napatulala na lang ako sa ginawa niya. "A-ano..." "You can't stand, right?" tanong niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko, at heto nanaman ang mabilis na pagtambol ng puso ko. Tumango na lang ako bilang sagot. Tapos naramdaman ko ang dahan-dahang pagbuhat niya sa akin mula sa lupa. Napakapit ako kaagad sa batok niya sa takot na baka mahulog pero nang magsimula siyang maglakad na para bang isang unan lang ang buhat niya ay nakahinga ako ng maluwag. Ganun ba siya kalakas? O ganun ako kagaan? Tinignan ko uli siya, pero seryoso lang siyang nakatingin ng diretso sa daan. "Hin-hindi mo naman ako kailangang buhatin." sabi ko. "You're not a good liar." "Huh?" Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Napalunok naman ako, nang dahil sa ginawa niya ay sobrang lapit na ng mukha namin. "Stop talking.." he said in his monotone voice, saka nagsimula uling maglakad. Natahimik na lang ako at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Crap. Gusto ko na lang makarating kung saan man kami pupunta. Parang sasabog 'yung dibdib ko sa kaba dahil sa sobrang lapit namin. Tapos doon ko namalayan na sa school clinic niya pala ako balak dalhin. Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming sinalubong ni Nurse Charm na ang ganda-ganda parin. Napalingon naman ako kay Zynon nang maibaba niya ako sa isa sa mga kamang nandoon. Hindi ba siya nagagandahan kay Nurse Charm? Pero hindi parin nagbabago 'yung blangkong ekspresyon ng mukha niya. Paano kaya niya 'yun nagagawa? "Zynon, ano bang nangyari kay Xhiena?" tanong naman sa kaniya ni Nurse Charm tapos napatingin sa akin, " Okay ka lang ba?" "She can't stand, and her wound is bleeding." Lumapit sa akin si Nurse Charm at hinawakan ang binti ko. Hindi ko parin 'yun maramdaman. Kung hindi ko nga pinapanood si Nurse Charm na hinahawakan 'yun, hindi ko malalaman na hinahawakan niya ang binti ko. "You're legs are numb," sabi niya at napakunot ng noo, "Ano ba talagang nangyari, Xhiena?" Hindi naman ako umimik kaya bumaling siya kay Zynon na nakasandal lang sa pader ng clinic at pinapanood kami. "Can you tell me, what happened, Zynon?" "She just collapsed," maikli namang sagot ng isa at napahikab. Laging tinatamad. Nakita kong napabuntong hininga si Nurse Charm. "Zynon, can you please leave us for a while?" "That's what I've been waiting to hear," napalingon naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon, bago siya tuluyang lumabas. Suplado talaga. "Ngayon, tayong dalawa na lang ang nandito, Xhiena. Tell me, what happened? Alam mong hindi lang ang tungkol sa sugat mo ang pinag-uusapan natin dito." seryosong sabi niya. "Tell me." Napapikit ako dahil doon. "Nurse Charm, I'm dying.." And a tear escape from my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD