Nagising ako na ramdam ang bigat ng katawan ko, para bang mas nanghina pa ang katawan ko sa paglipas ng oras.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nasa clinic parin pala ako.
Akala ko namatay na ako.
Napangiti na lang ako ng mapait. Buhay nga naman, ipapatikim sa akin ang bingit ng kamatayan tapos ililigtas din.
Napalingon na lang ako sa pinto nang bumukas 'yun at nakita kong pumasok sila Ulvia at Ulvette.
Nang dumapo 'yung paningin nila sa akin ay halos sabay silang napaluha at patakbong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Napatawa naman ako dahil doon.
"Xhiena, ano bang nangyayari sa'yo?!" sabi ni Ulvia at napahikbi.
"Hindi mo ba alam na sobra kaming nag-alala sa'yo?!" sabi pa ni Ulvette habang umaagos na 'yung luha niya sa pisngi niya.
Natigilan naman ako at parang kumirot 'yung puso ko. Kaunting panahon pa lang kaming magkakakilalang tatlo pero ganito na nila ako kung i-trato, para na nila akong kapatid. Hindi ko tuloy napigilang mapaluha na rin.
"Ano ba kayo, okay pa naman ako, di ba?" sabi ko at agad na pinunasan 'yung luha kong tutulo na.
"Pero, Xhiena! Dalawang araw ka na rito! Ngayon ka nga lang nagising, eh. Tapos sabi pa ni Nurse Charm, medyo malala ang kondisyon mo kaya hindi ka muna makakapasok." walang hinto-hintong sabi ni Ulvia habang lumuluha parin.
Napangiti na lang ako ng tipid.
"Magiging okay din ako, pangako." sabi ko.
"Xhiena.."
Tinignan nila akong pareho tapos niyakap uli ako ng mahigpit. Napangiti ako ulit, saka napatingin kay Nurse Charm na kakapasok lang.
Nang makita niya kaming tatlo ay napangiti rin siya.
"Ulvia, Ulvette, aware ba kayo na hindi na makahinga si Xhiena dahil sa higpit ng hawak niyo sa kaniya?" biro ni Nurse Charm kaya agad na napahiwalay sila sa akin.
"Eh?!"
Napatawa naman kami pareho ni Nurse Charm.
"Okay na si Xhiena. Di ba, Xhiena?" sabi ni Nurse Charm at tumingin sa akin kaya kaagad akong napatango.
"Oo naman. Okay na okay na." sagot ko.
"Sigurado ka, Xhiena, ah?" sabi ni Ulvia kaya kinindatan ko siya saka nag-okay sign sa kamay.
"Oh, kay Xhiena na mismo nanggaling, ah. Kaya huwag na kayong masyadong mag-alala." tapos lumapit sa akin si Nurse Charm.
Pinalitan niya 'yung dextrose na nakakabit sa akin at pinanood lang namin siyang tatlo. Tapos tinulungan niya akong sumandal sa head board ng kama dahil nahihirapan ko pa ring igalaw ang mga binti ko na parang may mabigat na nakadagan doon.
"Komportable ka ba, Xhiena?" tanong ni Nurse Charm sa akin kaya nginitian ko siyang pinasalamatan.
"Xhiena, huwag kang mag-alala, susubukan naming i-update ka sa mga lessons." sabi naman sa akin ni Ulvette.
"Salamat, Ulvette."
"Hindi pa ba kayo babalik sa dormitories? Gumagabi na. Ako na ang bahala kay Xhiena rito." sabi naman ni Nurse Charm sa kambal.
Nakita ko naman sa mukha nila na medyo nag-aalangan sila kung iiwan ba nila ako o hindi kaya nag-thumbs up na lang ako sa kanila.
"Okay lang ako. Bumalik na lang uli kayo, Ulvia, Ulvette." sabi ko.
"Sige na nga! Babalik kami bukas, Xhiena. Promise!"
"Sige, hihintayin ko kayo." sabi ko tapos binigay ko na ang pinakamaganda kong ngiti sa kanila.
Dahil doon, nakangiti rin nila akong iniwan.
Napatingin naman uli ako kay Nurse Charm nang makaalis 'yung kambal. Nawala 'yung ngiti ko. At ganun din siya.
Napayuko na lang ako.
"Nurse Charm, matagal ko ng natanggap na mamamatay na ako. Sa totoo niyan, kaya ako pumasok sa eskwelahang ito ay dahil ito ang huling kailangan kong gawin bago mamatay. Kaya tanggap ko na kung wala na talagang pag-asa ang sakit ko."
Ilang araw din daw kasing pinag-aralan ni Nurse Charm ang sakit ko, baka sakaling may gamot na pwedeng makatulong sa akin. Pero, hindi na ako umaasa pa. Expectation could break your heart. And it's much better to accept the worst.
"Xhiena," napaangat ako ng tingin at binalingan siya, "Paano ka nga uli nakarating dito?"
Natigilan pa ako sandali dahil sobrang seryoso ang mukha niya.
"Sabihin mo, paano ka nakapunta dito sa eskwelahang ito? Sino ka ba talaga, Xhiena Corpuz?"
Naikuyom ko ang mga palad ko ng mahigpit na halos manginig iyon.
"Hindi ko rin alam, Nurse Charm."
"Imposibleng hindi mo alam, Xhiena! Sarili mo 'yan! Sabihin mo, sino ka ba talaga?!" nagulat ako dahil sa pagtaas ng boses niya kaya mabilis akong napailing.
"Hindi ko alam. Simula nang mapadpad ako rito, hindi ko na alam kung sino ako. Nalaman ko na maraming itinago sa akin si mama sa akin bago siya mamatay, kaya...kaya..hindi ko na alam. Hindi ko na kilala ang sarili ko. " sagot ko at napaluha.
Narinig ko na lang siyang napabuntong hininga dahil sa sinabi ko.
"Alam mo ba kung ano ang nalaman ko habang pinag-aaralan ko ang sakit mo?"
Tinignan ko siya uli at nakita ko ang pinaghalong lungkot at awa sa mukha niya.
"Walang gamot ang sakit mo," sabi niya tapos nabigla ako dahil may tumulong luha sa mga mata niya na kaagad niya ring pinunasan, "Xhiena, kahit dalhin ka pa sa pinakamagaling na doktor o painumin ng pinaka-epektibong gamot na naimbento, walang mangyayari."
"A-Anong ibig mong sabihin?" halos pumiyok na ang boses ko.
"Dahil hindi ka isang normal na tao, Xhiena."
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Nurse Charm, hindi kita maintindihan."
"Hindi ka tao, Xhiena." sabi pa niya at malungkot na napangiti. "Katulad ka namin. Isa ka ring bampira."
Halos mapanting ang tainga ko dahil sa narinig ko. Nangatal ang labi ko, mas humigpit ang pagkuyom ng mga kamay ko, halos bumaon na ang mga kuko ko sa balat ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang hapdi na dulot nun.
"Isa lang ang dahilan kung bakit nanghihina ang katawan mo. Vampires live because we drink blood. At ikaw, you've been deprived of blood since I don't know when. That's when your life span drastically shortened, slowly resembling as to what mortals have. Mortals die inevitably. But we, vampires, do not, unless killed."
Lahat ng sinasabi ni Nurse Charm ay hindi na ma-absorb ng utak ko. Ako? Isa ring vampire? Paano? Bakit?
"Makinig ka sa akin, Xhiena. The only thing you need to survive is to drink blood. You need to recover—"
"A vampire? She's a vampire.."
Natigilan na lang kami pareho ni Nurse Charm at napatingin sa nagsalitang si Zynon.
Napatingin ako sa kamay ko at nakitang kong may dugo na pala doon dahil sa pagbaon ng mga kuko ko.
Diretso siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip. Ni walang bakas na pagkabigla sa mukha niya. His face was expressionless as always.
"You don't need to force her," sabi niya kay Nurse Charm habang nakatingin parin sa akin. "It will be her own choice. If she wanted to be a mortal then let her die and if she wants to be a vampire, give her blood."
"I-I'm not a vampire! I don't crave for blood!" giit ko sa kaniya
"You don't? Of course you don't. You've been living with the mortals," natigilan ako sa sinabi niya.
"You only have two choices. Be a mortal and die. Or be an immortal and live."
Nagngitngit ang ngipin ko dahil sa sinabi niya at kasabay ng pagtulo ng luha ko. Bakit ba ang tigas ng puso niya? Akala ba niya, madali lang ang sitwasyon ko?
"Just pick."