"Just pick.."
"Zynon?!" narinig ko pang saway ni Nurse Charm sa kaniya bago bumaling sa akin, "Xhiena, listen, you need blood to stay alive. You'll choose to live, right?"
Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa mga binti ko na nababalutan ng puting kumot.
Am I really a vampire?
Totoo nga ba talaga ang mga sinasabi nila? Pero, bakit itinago ni mama sa akin? Bakit niya itinago ang totoo kong katauhan? Was she afraid, because I'm a vampire? Masama ba ako?
"Xhiena, Xhiena.." panay ang tawag ni Nurse Charm sa pangalan ko pero hindi ko siya pinapansin.
Nanatili lang akong nakatulala. Walang magawa. Naguguluhan. At natatakot.
Basang-basa na ang pisngi ko ng mga luha, at sobrang sikip ng dibdib ko. Lahat ng mga bagay na nalaman ko ngayon, sobra-sobra na pakiramdam ko mababaliw na ako.
Akala ko, tao ako. Akala ko, normal lang ako. Pero bakit nangyayari ang lahat ng ito.
So that makes sense, kaya kakaiba ang blood type ko gaya ng sabi ng mga doktor. And the vines, ang mga vines na 'yun na lumabas sa palad ko sa gubat, hindi iyon magagawa ng isang normal na tao.
Napahikbi na lang ako.
"Hindi ko kaya.." mahinang usal ko.
"Xhiena.."
"Hindi ko kaya ang sinasabi niyo. Hindi ko kayang maging isang bampira!"
"Pero, Xhiena. Your body isn't getting better! Habang patagal ng patagal namamatay ang katawan mo! You need to accept who you are!" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya na ikinagulat niya.
"Paano ko tatanggapin ang katauhang hindi ko naman kilala?! Who am I supposed to be?!" sabi ko, tapos pinagpapalo ko ang mga binti kong manhid parin. "Bakit ba ayaw mong gumaling?! Bakit ba kailangang humantong sa ganito?! Gumalaw ka! Gumalaw ka!" napahagulgol na lang ako habang patuloy na pinagpapalo ang mga binti ko.
"Xhiena, tama na! Huwag mong saktan ang sarili mo!" pilit na pigil sa akin Nurse Charm pero patuloy lang ako sa pagsuntok at pagpalo sa binti ko.
"Ayoko na! Ayoko na!" sigaw ko at napatigil. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko na kumikirot.
"Xhiena..."
Napapikit na lang ako.
"Nurse Charm, pwede bang iwan mo muna ako?" sabi ko habang nanatiling nakapikit. Narinig ko siyang napabuntong hininga then, kasunod noon ay narinig ko ang pagsarado ng pinto.
Doon ako nakahinga ng maluwag.
"So you're choosing to die." napatingin ako kay Zynon na nakatingin parin sa akin.
"Oo. Matagal ko na rin naman 'yung natanggap. So, be it." sabi ko at pinunasan ang luha ko. Tinanggal ko 'yung dextrose na nakakabit sa pulso ko at umagos ang dugo mula roon.
Nakita ko naman si Zynon na natigilan sa ginawa ko at napatingin sa dugo kong tumutulo.
"You're stupid."
Pagak na lang akong napatawa, "Siguro nga."
"I thought you cared about your friends. But, you're stupid for choosing death over them."
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Choosing death over them?
Bigla kong naalala sila Ulvia at Ulvette.
"Xhiena, babalik kami bukas, ah! Promise."
Napayuko ako. Kaya ko nga ba silang iwan?
"Sige, hihintayin ko kayo."
Napabuntong hininga na lang ako, at tumingin uli kay Zynon.
"Anong dapat kong gawin?" tanong ko sa kaniya.
"Grant their wish and live," sagot niya, "And the only way for that, is to be an immortal."
Napangiti ako ng mapait. Kaya ko nga bang maging katulad nila?
"Nakayanan mong maging isang mortal kahit na isa kang bampira. Don't you think, you can live as an immortal too?"
"I don't think so," mahinang sagot ko sa sinabi niya.
"Pero, tama ka. Maaaring hindi ko makaya ang maging isang immortal. Pero mas hindi ko kakayanin ang saktan sila Ulvia at Ulvette. Even with that short span of time, I became their friend," nakangiting sabi ko at pinunasan ang luhang tumakas sa mata ko. "Maybe I should give it a try?"
Tapos liningon ko siya uli habang nakangiti.
Pero nagulat na lang ako nang sa isang kurap ay napunta na siya sa harapan ko. Agad akong napalunok at bumilis ang t***k ng puso ko. Ito nanaman 'yung epekto niya sa akin.
"Right," sabi niya, "I have an offer that could help you."
"Ano 'yon?"
"Be my blood source, and I will be yours."
Dahan-dahang napalaki ang mata ko at parang umurong ang dila ko.
"A-ano?!"
"Blood source means, I could drink or suck your blood whenever I wanted to. Every vampires have blood source or else they'll die. And you, I could be your blood source in exchange, it means that you can use me to recover by sucking my own blood and be an immortal." dire-diretsong sabi niya kaya naman parang nag-jumble nanaman 'yumg mga salitang pinagsasabi niya sa utak ko.
Blood source? Suck? Immortal? Blood? Use him?
Fudge. Wala akong maintindihan.
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kaniya.
"Kapag sinipsip mo ang dugo ko, hindi ba ako mamamatay?" iyon na lang ang kusang lumabas sa bibig ko na hindi ko man lang namamalayan.
"No." mabilis naman niyang sagot.
"Paano? Bakit?"
"For I have said, you could suck my blood too."
Napaawang naman ang bibig ko. Baliw na ba siya?
"Ano 'yun?! Magsisipsipan tayo ng dugo?!" Crap. Nasabi ko nanaman ng malakas. Xhiena naman!
"Exactly." wala paring emosyong sagot niya na para bang isang normal na bagay lang ang pinag-uusapan namin.
Well, siguro para sa kaniya. Pero para sa akin?!
Napahinga na lang ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong mag-isip.
Si Zynon tapos ako, magsisipsipan? Na parang lamok?! The hell?! Hindi ko talaga maisip.
Tsaka, iinom ako ng dugo? Makakaya ko ba?
"Hmm, hindi pa kasi ako nakakainom ng dugo," sabi ko at napakagat sa labi ko habang siya naman diretsong nakatingin lang sa akin at naghihintay ng sagot ko. "Baka hindi ko magustuhan."
"You'll like it."
Muntik ko na siyang batukan dahil sa sinabi niya. Sa tingin ba niya ganun kadali?! Napahugot uli ako ng hininga. Nai-stress na ako!
"Kapag pumayag ako, anong mangyayari sa akin?"
"I'll help you live." sabi niya, "You'll be an immortal and because you're my blood source, and I'll be yours, whether we like it or not, starting from now, we'll always be together."
Napatango-tango na lang ako saka napatingin uli sa binti ko.
Kapag sumang-ayon ako, gagaling na ako. Hindi na malulungkot sila Ulvia at Ulvette.
Then, doon ko narealize. Kaya ba ako pinadala rito ni mama kasi alam niyang mangyayari sa akin ang ganito? At dito lang din ako gagaling?
Napangiti na lang ako. Siguro nga ito na talaga ang nakatakdang mangyari sa buhay ko. Kailangan ko lang talagang tanggapin.
"Sige, pumapayag na ako." sabi ko kay Zynon.
"Then, let's do the blood contract."
"Blood what?!" sabi ko at napaatras ako nang bigla niyang ilapit 'yung mukha niya sa akin.
Napasinghap na lang ako at napapikit nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa may kanang leeg ko, dahilan para magsitindigan ang mga balahibo ko.
"A-anong gagawin mo?"
"I'll mark you."
"H-huh?" naguguluhang sabi ko habang sobrang bilis na ng t***k ng puso ko. Napakuyom na lang ako ng kamay hanggang sa maramdaman ko ang dalawang matulis na bagay na dumampi sa leeg ko.
Dahan-dahang bumabaon iyon sa balat ko, at hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa sakit. Then when it is dugged, I felt my blood being sucked.
Nanigas ako habang mahigpit na hawak-hawak ni Zynon ang magkabila kong balikat.
He's sucking my blood. At sa 'di malamang dahilan habang patagal ng patagal ay para bang mas nagugustuhan ko ang pag-inom niya sa dugo ko.
And when he's done. Inalis niya 'yung mga pangil niya sa leeg ko at lumayo sa akin.
Para namang nanuyo ang lalamunan ko at hinihingal ko siyang tinignan. Pinanood ko pa siya habang dinidilaan niya ang gilid ng labi niyang may dugo ko. He looks so handsome.
"Your blood really drives me crazy." hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yun dahil nakita kong tumaas ang isang sulok ng labi niya.
Pero mas nagulat ako nang magsimula siyang magtanggal ng butones ng suot niyang long sleeves.
"B-ba-bakit ka naghuhubad?!" natataranta ko ng sabi.
Hindi niya tinapos ang pagtanggal ng butones at kaagad na inilihis ang damit niya sa balikat para ipakita sa akin ang leeg niya.
Napalunok ako kaagad.
"Now, drink my blood."
"H-h-huh?!"
"Do I need to repeat myself?"
Napailing-iling ako, "A-ayoko!"
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hilain ang ulo ko at kaagad na inilapit sa leeg niya. Napasinghap ako dahil sa ginawa niya.
"We're under a blood contract, so drink it." utos niya uli.
Naramdaman ko naman ang panghihina ng katawan ko, kasabay ng tila pag-ilaw ng mata ko.
Anong nangyayari?
Then suddenly, I could smell the scent of his blood. Naikuyom ko ang mga palad ko. How could I suddenly smell his blood?!
And the last thing I knew, a pair of sharp fangs appeared on me, and I'm slowly digging it on Zynon's neck.
Parang wala sa sarili kong binaon ang mga bagay na iyon na hindi ko inaakalang mayroon ako.
Tapos naramdaman ko na lang ang pag-agos ng dugo ni Zynon sa bibig ko pababa sa nanunuyo kong lalamunan.
The nasty taste that I'm expecting to taste was very sweet and intoxicating. Para akong idinuduyan at parang unti-unting binubuhay ang buo kong pagkatao.
Napayakap na lang ako kay Zynon ng mahigpit habang patuloy ang pag-inom ko sa dugo niya.
Now, I'm totally screwed.