Chapter 13: His Blood Source

1566 Words
Hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yun. Basta namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasubsob na sa malapad na dibdib ni Zynon habang mariing nakapikit ang mga mata ko at hinihingal. What have I done?! "Sorry..sorry..." paulit-ulit kong usal sa kay Zynon. Nasaktan ko siya, hindi ba? Ang sama-sama ko, isa akong halimaw! "Don't bother." narinig kong muli 'yung malamig na boses niya saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat at inilayo mula sa kaniya. Tinignan ko siya at mukha namang okay siya, tapos napatingin uli ako doon sa leeg niya. Mayroong dalawang bakas doon dahil sa ginawa ko. "S-sorry.." sabi kong muli. "From now on, expect a lot of changes from you." pagkasabi niya nun ay inayos niya 'yung damit niya habang ako ay nanatiling nakayuko. Hindi ko parin alam kung paano dapat ako magre-react dahil sa ginawa ko kanina. "I'll tell Nurse Charm." sabi niya at nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan. "Zynon.." tawag ko sa kaniya, kaya naman napahinto siya pero hindi siya nag-aksayang lingunin ako. "Sa-salamat.." Tapos umalis na siya ng tuluyan. Naiwan akong mag-isa doon at napatingin ako sa mga binti ko, nararamdaman ko na uli sila at para akong nabigyan ng lakas. Pero alam ko, simula ngayon. Magbabago na ang buhay ko. Kinaumagahan ay pinayagan na ako ni Nurse Charm para lumabas sa school clinic at bumalik sa dormitories. Noong una ay hindi ko pa alam kung paano siya haharapin. Pero nginitian na lang niya ako at binigyan ng assurance na magiging okay na ako. Pagkabalik na pagkabalik ko sa kwarto ko ay kaagad akong nahiga sa kama, na-miss ko iyon. Mas komportable kasi ako rito kaysa sa clinic. At isa pa, makakapasok na rin ako ulit. Makakasama ko na uli 'yung kambal. Iyon naman ang mahalaga. Nang araw din iyon ay nag-ayos na ako para pumasok. Lumabas na ako ng dormitories at papunta na sana sa South Wing nang makita ko ang isang lalaki sa may gubat na nakahandusay. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Pa-patay na ba siya?! Pinilit ko ang sarili kong humakbang papalapit sa kaniya habang sobra ang kabang nararamdaman ko. Ghad, nakakita lang naman ako ng patay! Nang makalapit ako ay nakita ko ang isang guwapong lalaking may kulay abong buhok, nakasuot din siya ng uniform na panlalaki ng school, ibig sabihin, estudyante rin siya. Napalunok naman ako at nag-squat sa tabi niya, tsaka dahan-dahang inilapit ko 'yung hintuturo ko at pinindot siya sa pisngi. Napasigaw na lang ako sa gulat nang bigla siyang magmulat ng mata. "Oh my gosh, nabuhay 'yung patay!!" sigaw ko at napalayo sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya at kaagad na napaupo mula sa pagkakatayo bago ako tinignan. "Bakit ba ang ingay mo?" tanong niya. "Ngayon ka lang ba nakakita ng natutulog?" Napaawang na lang 'yung bibig ko. "Na-natutulog? Natutulog ka lang? Sa lagay na 'yan?!" Halos hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. Pinanood ko naman siyang tumayo at pinagpag 'yung suot niyang damit. "Oo, bakit? Anong akala mo?" tanong naman niya. "Akala ko patay ka na. Sino ba naman kasing matino ang matutulog na lang sa lupa?! Hello, meron pong dorm baka hindi mo alam!" sabi ko sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin, "Anong magagawa ko, nakatulog ako habang naglalakad." Mas lalong nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. What the eff?! Ano raw, nakatulog siya habang naglalakad? "Parang kilala kita." sabi pa niya kaya this time ako naman ang napakunot ng noo. "Well, hindi kita kilala." Napangiti na lang siya. "Ah, alam ko na! You're the famous novice! Ako nga pala si Luigi. Luigi Greyson. I'm the School Vice President." School Vice President?! Talaga?! "Oh, bakit kung tignan mo ako, parang hindi ka makapaniwala?" natatawa niyang tanong. "Wala, hindi lang talaga ako makapaniwala." sabi ko na lang. "Ah, sige, kailangan ko ng pumasok. Nice meeting you, Luigi. Sana hindi ka na makatulog uli kung saan-saan." Ngintian ko lang siya tapos tinuloy ko na ang pagpunta sa South Wing. Bago pa ako makarating sa room ay kaagad na akong sinalubong nila Ulvia at Ulvette. "Xhiena, OMG! Magaling ka na nga! We're very glad!" sabi ni Ulvia at niyakap ako ng mahigpit. "Nalaman na rin namin 'yung nangyari. Naikuwento kanina ni Nurse Charm nung dapat bibisitahin ka namin. Masaya kami kasi pinili mong mabuhay." sabi naman ni Ulvette at nginitian ako. "Syempre naman, ayoko kayong iwan." "Buti naman! Kasi ayaw ka rin naming mawala!" sabi pa ni Ulvia bago lumayo sa akin. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Malakas ka na ba?" "Hmm, hindi man kapani-paniwala, pero oo." sabi ko kaya mas lumapad 'yung mga ngiti nila, saka nila ako hinila papasok sa class room. Sabi nila, wala raw klase dahil sa mayroong urgent meeting ang lahat ng mga professors. Medyo nalungkot naman ako dahil balak ko sanang humabol para sa points ko. Natigilan na lang kaming lahat nang bumukas 'yung pinto ng classroom at pumasok ang lalaking hindi ko inaasahang papasok. Si Zynon. Agad na nagtama 'yung mata namin at parang nagkakakarera nanaman ang puso ko dahil sa bilis ng pagkabog nito. Ang lakas talaga ng epekto niya. Maski ang lahat ay natahimik sa pagdating ni Zynon. Pero siya parang wala lang pakialam at nagdire-diretso lang papunta sa direksyon ko. Doon ko napagtanto na katabi ko nga pala siya, the fudge! Nang makaupo siya sa tabi ko ay nagkatinginan din 'yung magkakambal at nagpaalam na sa akin para bumalik sa upuan nila. Ilang minuto pa ang dumaan ay tahimik parin ang lahat. Ipinatong ni Zynon 'yung paa niya sa lamesa at humalukipkip kaya napatingin ako sa kaniya. Nakapikit lang siya. Hindi niya nanaman suot ang school coat. Bahagya pang nakabukas 'yung unang tatlong butones ng long sleeves niya kaya sumisilip 'yung malapad niyang dibdib. Bigla na lang akong napatikhim at umiwas ng tingin nang magmulat siya ng mata. Shocks, nakita niya yata akong tinititigan siya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Katabi ko lang siya pero para akong nasu-suffocate, lalo na nang maalala ko 'yung nangyari kahapon. Oh gosh, kelangan ko na talaga munang kalimutan 'yun. Natapos ang oras na parang naka-freeze ang lahat at walang nag-iingay dahil kay Zynon. Puro bulungan lang ang lahat at hindi makaimik tapos titingin lang kay Zynon at sa akin. Para tuloy akong nasa tabi ng isang celebrity o kaya naman ay killer na kaunting galaw ko lang ay paniguradong sabog ang bungo ko. Ghad. Sobra talaga akong nagpasalamat nang dumating na ang Lunch time. Lumapit kaagad ako doon sa kambal at ako na mismo ang humila sa kanila papuntang Dining Hall bago pa sila makaalma. Nang makabili na kami ng pagkain at makaupo ay tinitigan na nga nila ako ng malalim. "Oo na, oo na. " sabi ko. "Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ni Zynon kung bakit siya pumasok sa klase ngayon, kahit na mukhang alam naman niyang walang klase. Pero, mayroon kasi kaming kasunduan." Sabay namang napalaki 'yung mata nila. "You mean, blood contract?!" Halos mag-echo 'yung boses nila sa buong Dining Hall. Napatigil ang lahat at napatingin sa amin. Napapikit na lang ako at gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. "Sorry, Xhiena. Nagulat lang talaga kami." sabi ni Ulvia. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa paligid na iniwas na ang tingin sa aming tatlo. Haaay, buti naman. "Huwag kasi kayo masyadong nago-overreact." sabi ko sabay tungga sa baso ko ng tubig. "Hindi kasi kami makapaniwala na ikaw ang bago niyang blood source. Like hell, si Zynon Carter 'yun?" sabi rin ni Ulvette kaya napangiwi ako. "Ano bang big deal doon? Oo na guwapo siya, matalino, magaling. Pero suplado naman." sabi ko sa kanila. "Being his blood source is the best, Xhiena. Kapag blood source ka niya tutulungan ka niya sa lahat ng bagay. Lagi mo siyang nasa tabi. Po-protektahan ka niya, foreveeerr." "Forever agad?!" sabi ko. "Joke lang 'yun, syempre!" sabi ni Ulvia at nag-peace sign sa akin kaya napailing na lang ako. "Being his blood source, means you're his queen." Natigilan naman ako. Queen talaga?! "Tigilan niyo nga ako." sabi ko sa kanila at akmang iinom ng tubig pero naubos ko na pala kanina. Haist. "Totoo 'yun." sabi pa ni Ulvette. "You could be a prime, dahil blood source ka niya." Napabuntong hininga na lang ako. "Pero, kung mayroong advantages meron ding disadvantages." napalunok naman ako dahil doon. Parang kinakabahan ako diyan, ah. "Ano 'yun?" "Lahat kaiinggitan ka, lalo na ng mga babae. Kaya mag-iingat ka. May chance na pag-tripan ka nila. Pero no worries, nandiyan naman si Zynon." "S-seryoso?!" sabi ko. Malaking problema 'to. Napatango-tango naman sila. Napabuga na lang ako ng hangin. "Kukuha lang ako ng tubig." sabi ko sa kanila at tumayo mula pagkakaupo. Pero, pupunta pa lang sana ako sa counter nang tisurin ako nung isang babae kaya napasubsob ako sa sahig. "Ooops, sorry." tapos nagtawanan sila. Naikuyom ko na lang yung kamay ko at dahan-dahang tumayo. So, ito pala 'yung sinasabi nung kambal. Hindi ko na lang sila papansinin. Naglakad na lang ako na parang walang nangyari palabas ng Dining Hall. Narinig ko pang tinatawag ako nung kambal pero hindi ko na sila nilingon. Napabuntong hininga ako habang naglalakad nang mabangga ako sa pader, este sa dibdib pala. Ang tigas kasi, eh. Tumingala ako at nakita ko si Zynon. Bigla naman akong kinabahan at napalunok. "B-bakit?" "I want your blood, now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD