Chapter 14: The Book of Destined

1507 Words
"Teka Zynon, saan tayo pupunta?" tanong ko habang hila-hila niya ako at dumadaan kami sa hallway. Halos magtinginan ang lahat sa amin, at gustong-gusto ko na talagang lumubog sa lupa ngayon dahil sa hiya. Naririnig ko pa ang bulung-bulungan nila tungkol sa amin ni Zynon kaya pinilit ko na lang ang sarili kong magbingi-bingihan at napayuko. Napaangat na lang 'yung ulo ko nang maramdaman ko na tumigil na sa paghila sa akin si Zynon. Tinignan ko 'yung paligid at mukhang nasa likod kami ng building. Walang tao. Kaming dalawa lang. Napalunok na lang ako at napaatras pero agad kong naramdaman yung magaspang na pader. Wrong move, Xhiena. "Why are you acting so scared? Have you already forgotten about the blood contract?" tanong niya kaya agad naman akong napailing. "Hi-hindi no! Bakit ko naman 'yon makakalimutan?" sabi ko at pilit na ngumiti. "Then, we're good." pagkasabi niya nun ay naglakad siya papalapit sa akin kaya pilit kong sinisiksik 'yung sarili ko sa pader. Fudge! Nang ilang inch na lang ang layo niya sa akin at nararamdaman ko na ang mainit na hininga niya sa pisngi ko ay agad na akong napapikit. Naikuyom ko 'yung mga kamay ko at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Tapos naramdaman kong lumayo siya sa akin kaya kaagad akong napadilat ng mata. Tinignan ko siya habang nakatitig lang sa akin. "Are you a stone?" "H-huh?!" "You're so tense." sabi niya kaya bigla namang nag-init ang pisngi ko. Duh, paano naman ako hindi mate-tense, ang gwapo mo tapos sobrang lapit mo pa sa akin?! Gusto ko sanang sabihin 'yun sa harap ng mukha niya pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Tapos nakita ko na lang na inilihis niya 'yung damit niya sa balikat gaya ng dati. "Now, go first." sabi niya. "Wait, di ba dapat ikaw muna—" "We're in the same contract, so anyone could go first." sabi pa niya, "Now, go on." Napalunok naman ako at napahinga ng malalim, habang nakatingin sa leeg niya. His neck looks really sexy. Sobrang puti at 'yung adam's apple niya, bahagya pa 'yung umaalon. Nanuyo tuloy ng tuluyan ang lalamunan ko. Napabuga na lang ako ng hangin at lumapit na sa kaniya. Bahala na. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at bahagyang tumingkayad. Kaagad kong nasamyo ang amoy ng dugo niya, dahilan para magsilabasan ang mga pangil ko. Hindi parin ako makapaniwala na mayroon akong pangil pero, siya lang ang nakakapagpalabas nun. Hanggang sa namalayan ko na lang uli ang sarili kong iniinom nanaman ang dugo niya. Para akong mababaliw habang iniinom ang dugo niya, sobrang nakakaadik. Tapos naramdaman kong hinawi ni Zynon ang ilang hibla ng buhok ko at bahagyang itinagilid ang leeg ko. Then I felt his heated fangs slowly dugging on my neck. Bumilis ang t***k ng puso ko. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya at naramdaman ko ang pagsandal ni Zynon sa katawan ko sa pader. He wrapped my legs on his waist and deepen his fangs on my neck. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong nanabik sa dugo niya at mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kaniya. We're both sucking each other's blood at the same time. And I can feel like there's a fire that slowly building between us. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, habang tumatagal ay para na akong nawawala sa sarili. And I can't stop sucking his blood. "The two of you!!" Para akong nanigas nang marinig ang malaking boses na 'yun. Napahiwalay ako sa leeg ni Zynon at parang umatras 'yung pangil ko. Dahan-dahan akong tumingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang lalaki na hindi pamilyar pero nakasuot siya ng isang robe at may hawak na libro. Oh my gosh! Isa siyang professor! Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa aming dalawa. Then, doon ko nakita ang itsura naming dalawa ni Zynon. Nakahawak ang mga kamay ko sa ulo niya habang naka-angkla ang mga binti ko sa bewang niya. Tapos si Zynon naman ay nakasuporta ang isang braso niya sa bewang ko at ang isa pa niyang kamay ay nakahawak naman sa likod ng ulo ko. The eff!! Para kaming gumagawa ng milagro! Mabilis pa sa isang kisap-mata akong humiwalay kay Zynon na parang walang pakialam at agad na napayuko dahil sa sobra-sobrang kahihiyan. Oh my gosh! Parang gusto ko ng mahimatay. "The two of you, follow me!" rinig ko ang labis na galit sa boses ng professor. Nga naman, ikaw ba naman kasi makakita ng ganung eksena?! Nakagat ko na lang ang labi ko habang sinusundan namin siya ni Zynon. Si Zynon naman ay parang wala talagang pakialam at nakapamulsa lang siya tapos hindi pa siya nag-aksayang ayusin ang sarili niya. Ibang klase talaga siya. Natigilan na lang kami nang huminto kami sa harapan ng pintuan ng class room. Nilingon kami nung lalaking professor habang may galit parin sa mukha. Akala ko, may urgent meeting sila? "I'm very disappointed in both of you! Nagagawa ninyong mag-mating sa isa't isa sa eskwelahan na ito, lalo na sa oras ng klase?!" Napalaki 'yung mata ko sa sinabi niya. Mating? The heck? "Professor, what do you mean of mating? Wala po kaming—" "Ano sa tingin ninyo ang ginawa niyo kanina? Normal na nagsisipsipan lang? Kung hindi ko pa kayo napigilan baka may mas malala na kayong ginawa." mas tumindi ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Nilingon ko si Zynon para sana tanungin siya pero wala paring nababakas na emosyon sa mukha niya. Kainis siya! Siya ang may kasalanan nito, eh! Kung hindi niya ako hinila, o di sana hindi kami mahuhuli. Crap. This is the worst thing that ever happened to me. Hindi ko ine-expect na mangyayari 'to. "Dahil sa ginawa ninyo, paparusahan ko kayong dalawa." agad akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. "Pero professor—" "Stop it! I don't want to hear a thing from you! Mating is prohibited in this school, nasa handbook 'yan!" sabi pa niya kaya wala na nga akong nagawa. Pumasok na kami sa room at pinagtinginan nga kami ng lahat. Pilit na lang akong nagdadasal na sana hindi sabihin ng professor ang ginawa namin ni Zynon sa lahat. The hell, ni hindi ko nga alam na mating ang tawag sa ginawa namin ni Zynon. Ni hindi ko nga alam kung ano 'yung mating, eh. Napabuntong hininga na lang uli ako at napatingin kila Ulvia at Ulvette na nakatingin sa akin. Nagtataka din sila. Kaya naman, iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila. "Okay, everyone. Today's subject portal travelling, I will assign each of you to enter different portals to solve problems and challenges inside of it. Bibigyan ko lang kayo ng kaunting oras para matapos ang misyon ninyo sa loob ng mga portals." sabi niya saka ipinakita ang medyo may kalakihang hour glass. Natigilan naman ako. "Bago maubos ang buhangin, kailangan ninyong makabalik dito. Kung hindi, hindi na kayo makakabalik pa." tapos napatingin uli siya sa amin ni Zynon, "At para sa inyo namang dalawa, bilang kaparusahan ay ibibigay ko ang portal na may pinakamahirap na pagsubok." Napaawang na lang ang bibig ko. Ano?! "Professor—" "No more words." putol niya uli sa akin kaya natahimik na lang ako ulit. Crap. Paano kapag hindi kami makabalik? May ibinigay siya sa bawat pair na mga bagay. May litrato, mayroong recording tape, at marami pang ibang bagay na siya raw magsisilbing portal. Papasok kami doon, at doon din daw kami makakalabas. Ang ibinigay naman sa amin ng professor ay isang makapal na libro. "Iyan ang magsisilbi ninyong portal. Kailangan niyo lang buksan ang libro at basahin ang unang pahina para makapasok. Kapag nakapasok na kayo kusang magbubuklat ang libro sa sarili niya kung nasaang chapter na kayo ng libro. Hanggang sa makarating kayo sa ending ng kuwento. Sana lang, maabot niyo ang oras. At sana magtanda na kayo sa ginawa ninyo." Lihim na lang akong napangiwi habang nakatingin sa libro. Destined. Iyon ang title ng libro at isang plain hard gold ang front cover. Tinignan ko si Zynon. "Kelangan na nating pumasok sa loob." sabi ko. Nakita ko naman siyang napahikab. "This is pure nonsense." sabi niya kaya napairap ako. "Kasalanan mo rin naman ito, eh." sabi ko habang naiinis at sinimulang buklatin ang libro. "Stop talking as if you didn't liked it too." Napaawang na lang ang bibig ko at hindi na siya binigyan pa ng pansin dahil nakita kong mabilis ng nahuhulog 'yung buhangin sa hour glass. Napatingin na lang ako sa unang page at nagsimulang basahin iyon. Chapter One. The whole town was so quiet. It was as if a huge storm was about to happen. Pagkabasa ko pa lang sa dalawang linyang iyon ay dahan-dahang umikot ang paningin ko at para akong hinihigop papasok sa libro. Muntik na ring bumaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang pagkahilo. Then the last thing I knew, natagpuan namin ni Zynon ang sarili namin na nasa isang bayan. Iyong bayan na nasa libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD