Chapter 15: The Curse of Abductions

1602 Words
Napatingin ako sa paligid at hindi ko mapigilang mamangha. Wow. Nasa loob nga talaga kami ng libro. Makulimlim ang langit, mamasa-masa rin ang kalsada at mayroong mga nagmistulang mga tindahan, pati mga stalls na parang inabanduna na. Sira-sira rin ang mga iyon. Sobrang tahimik kaya naman nanindig ang balahibo ko. Napalingon ako kay Zynon na nagsimula ng maglakad, kaagad ko naman siyang sinundan. Nakapamulsa lang siya habang diretsong nakatingin sa kawalan at parang naglalakad pa sa buwan sa sobrang relax niya. "Zynon, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" basag ko sa katahimikan pero hindi niya man lang ako nilingon sa halip ay apat na salita lang ang isinagot niya sa akin. "Don't have an idea." Napatigil ako at halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Ano?! Eh, anong gagawin natin?! Kailangan nating matapos 'yung kung anumang misyon natin dito para makabalik tayo agad." sabi ko at nagsisimula ng mag-panic. Oh my god, may chance pa ba talaga kaming makabalik? Tumigil naman siya sa paglalakad at binalingan na ako. "I'm not that stupid. Stop freaking out." tapos naglakad na siya uli. Napabuntong hininga na lang ako at no choice kundi sundan siya. Like may magagawa pa ba ako, eh siya rin naman ang dahilan kung bakit dito kami napunta? Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Medyo kinakabahan din ako dahil sobrang tahimik talaga, tanging mga tunog ng sapatos lang namin habang naglalakad ang maririnig. Marami rin kaming nadaanang mga shops na sarado at mga paninda na nagkalat na sa kalsada. Tapos naramdaman ko na lang na hinawakan ni Zynon 'yung kamay ko at hinila ako sa pader sa isa sa mga shop para magtago. "Anong meron?" bulong ko sa kaniya kaya tinakpan niya kaagad 'yung bibig ko. Crap. Hindi ako makahinga. Nasakop ng kamay niya pati ilong ko. Tapos natigilan na lang kami pareho nang makarinig ng mga mabibilis na yapak. Napasilip kami pareho sa pader para tignan 'yung paparating. Nakita namin ang isang babae na mabilis na tumatakbo habang may yakap siya na nakabalot sa isang lumang damit. Pinaliit ko pa 'yung mata ko para matitigan ng mabuti kung ano 'yung yakap-yakap niya pero balot na  kasi 'yun at medyo may kalakihan. Wala na siyang suot na anumang sapin sa paa at gulo-gulo na ang buhok niya habang panay ang pagtulo ng luha niya. Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw niya, pero nag-echo lang ang boses niya sa buong downtown. At hindi namin inaasahan ni Zynon ang sumunod na nangyari. May isang bagay na mabilis na bumulusok papunta sa babae. Isang arrow. Sa isang kurap ay tinamaan nito ang babae sa likod, habang nanlalaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat. Pinanood namin ni Zynon kung paano lumabas ang napakaraming dugo sa bibig ng babae at mabilis siyang nabuwal sa kinatatayuan niya. Dahil doon, ay nabitawan niya ang bagay na yakap niya, saka nawala ang pagkakabalot ng damit doon. Mas napalaki ang mata ko nang makita ang halos mag-iisang taong gulang na bata na siya palang nababalot ng damit kanina. Agad itong napaiyak. Kasunod nun ay narinig uli namin ni Zynon ang tila mga yapak ng mga kabayo na mabilis na papunta sa kinaroroonan ng sanggol. Ilang segundo pa ay nakita na nga namin ang limang kabayo na may lulan ng lima ring mga kalalakihan na nakasuot ng mga armor, may mga dala silang espada, latigo at pana. So, sila nga 'yung pumana doon sa babae. Nakita kong bumaba mula sa kabayo 'yung isang lalaki na parang nagsisilbi nilang lider. Nilapitan niya 'yung babae at malakas na sinipa ang ulo nito, kaya mas maraming dugo ang lumabas sa bunganga niya. Kaagad kong naikuyom ang mga palad ko dahil sa galit. Paano niya 'yun nagawa?! Pagkatapos ay nakita kong nagsimula siyang lumapit doon sa bata. Bigla akong kinabahan at parang alam ko na ang mangyayari kaya lalabas na sana ako mula sa pagkakatago nang pigilan ako ni Zynon. Tinignan ko siya, pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya. The eff?! Pagkatapos nang mapanood namin, wala parin siyang emosyon?! "Zynon.." tawag ko sa pangalan niya.. "Don't move." utos niya at ipinagpatuloy ang panonood, kaya wala akong ibang nagawa nang makita kong kuhanin nung lalaki 'yung bata at ibinigay sa isa niyang kasamahang lalaki na may hawak na espada. "Patayin na 'yan." pagkasabi niya nun ay inihanda na ng kasamahan niya ang espada niya para pugutan ang bata. Napapikit na lang ako at napakapit kay Zynon ng mahigpit. Tumulo ang luha ko nang marinig ang huling iyak ng sanggol pati na rin ang malakas na sigaw ng babae habang nagmamakaawang huwag patayin ang anak niya. Parang pinipiga ang puso ko. How cruel. Hindi ko inaakalang may kayang gumawa ng ganun kasama sa isang batang walang kamuwang-muwang. Nang makaalis na ang mga lalaki ay iniwan nila ang babaeng nakahandusay sa kalsada. Parang nanghina ang tuhod ko at bumagsak din mula sa pinagtataguan namin ni Zynon. Tinignan ko 'yung babae kung paano pilit na gumagapang at humahagulgol dahil sa sinapit ng anak. Wala siyang nagawa. At wala rin kaming nagawa. Patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa bawian na rin siya ng buhay. Ang madugo at napakalungkot na tagpong iyon, makulimlim ang langit, isang ina ang nawalan ng anak na walang nagawa para mailigtas ito. Nilapitan namin pareho 'yung babae nang makitang wala ng ibang makakakita sa amin. Hindi ko mapigilang magngitngit dahil sa galit. Nilingon ko si Zynon at tinignan ko siya ng masama. "Kung bakit mo kasi ako pinigilan kanina?! Oh di sana buhay pa siya at ang anak niya! Ganun na ba talaga katigas ang puso mo, huh, Zynon?!" hindi ko na napigilang sabi sa kaniya. Itinitig naman niya sa akin 'yung blangkong mga mata niya, na nagsisimula ko ng kainisan. Iyong mga mata niya na parang walang pakialam kahit na may namatay sa harapan niya. Tinignan ko na lang siya habang hindi makapaniwala. "If I didn't stopped you earlier, do you think we could finish our mission?" natigilan naman ako sa sinabi niya, "Before you forget, we're inside a book and what's supposed to happen should happen and we're not in the place to interfere. We're just here to fix the glitch." "A-ano? Anong glitch ang sinasabi mo?" "We're not suppose to interact with the lead or main characters of this book or it'll mess up the whole story. We're here to find the problem, isang bagay na dapat wala sa story na 'to." Dahil sa sinabi niya ay natahimik ako. Oo nga pala, nasa loob kami ng libro at mayroong misyong kailangang tapusin. "Sorry..." iyon na lang ang nasabi ko, masyado akong naging sensitive sa mga nangyari at nakalimutan ko ang totoong goal namin kung bakit kami nandito ngayon, "Ano ng dapat nating gawin?" "We need to know the story first. We'll ask anyone around. Maybe to some extra characters," sabi niya kaya agad akong napatango. "Si-sige! Tara na!" sabi ko, at nilingon 'yong babae tapos unti-unti na siyang parang naglaho. So, kung ang isang character ay namatay sa isang libro ay naglalaho na nga talaga sila na parang abo. Naglakad uli kami ni Zynon, hanggang sa makita namin ang isang lalaki na halos punit-punit na ang damit. Magulo ang buhok niya at may mga stubbles na rin sa mukha. "Pwede siguro natin siyang tanungin," sabi ko, at sumang-ayon naman si Zynon. Nilapitan namin siya at agad na rumehistro ang takot sa mukha niya. "Huwag niyo akong sasaktan!" kaagad na bulyaw niya sa amin kaya napaatras ako pero si Zynon ay nanatili lang na nakatitig sa lalaki at hindi man lang natinag. "Gusto ka naming makausap para sa ilang mga tanong." sabi niya, kaya naman napatingin uli 'yung lalaki sa amin. "Si-sino kayo?" "Mga dayuhan po kami, at gusto sana naming malaman kung ano ba ang nangyayari sa bayang ito. Dahil napansin naming parang may kakaibang nangyayari dito." mahinanong sabi ko. "M-mga dayuhan? Mga dayuhan kayo?" "Opo." sagot ko. Nakita naman naming medyo nakahinga siya ng maluwag at kaagad na naging malungkot ang mukha niya. "Sige, sasabihin ko sa inyo ang nangyayari sa bayang ito, at sana matulungan niyo kami." napangiti naman ako. "Ang bayang ito ay napasailalim sa isang sumpa." pag-uumpisa niya kaya agad na nangunot ang noo ko. Sumpa? "Simula nang masakop ang bayang ito ng bagong hari ay nagbago na ang dating mapayapang bayan. Si Haring Exodus, siya ang sumakop sa bayang ito tatlong taon na ang nakakalipas. Makapangyarihan siya at isang mayabang na bampira. Hanggang sa malaman niyang may isang sanggol na isisilang sa bayang ito, at 'yun ang tanging makakapatay sa kaniya. Kaya naman sinimulan niyang ipadakip ang lahat ng mga bata at sanggol para patayin." Nagkatinginan kami ni Zynon dahil sa nalaman. "Kaya ang bayang ito ay napuno na ng takot, simula noon. Maraming bata ang nasawi ang buhay, at nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyan." Napayuko na lang ako. So iyon pala ang kuwento ng librong iyon. "May pinaghihinalaan po ba kayo kung sino ang sinasabing itinakdang makakapatay sa hari?" tanong ko uli doon sa lalaki pero napailing lang siya. "Wala akong ideya." Pinilit ko na lang ngumiti para magpasalamat sa lalaki dahil sa pagbabahagi niya ng impormasyon at napatingin kay Zynon na parang malalim na ang iniisip. Bumalik kami sa paglilibot sa paligid at nanatili lang siyang tahimik. "Zynon, ano sa tingin mo? Nabasa mo na ba ang librong kinaroroonan natin ngayon?" tanong ko. "Hindi pa." maikli naman niyang sagot sa akin. Mas maganda sana kung nabasa ng kahit na isa sa amin ang nasa libro. Napaisip din naman ako. Kung matagal ng hinuhuli at pinapatay ang lahat ng mga bata.. Posible bang buhay pa ang batang itinakda?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD