Chapter 16: Airies

1364 Words
Habang tumatagal parang mas humihirap ang sitwasyon. Napatingin uli ako kay Zynon. "Ang sabi mo, kailangan nating mahanap ang isang bagay na dapat wala sa librong ito. May naisip ka na ba tungkol doon?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot. Kung titignan din naman kasi ng mabuti 'yung ikinuwento ng lalaki kanina, parang wala namang mali sa story. Sana nga lang nakabasa pa ako ng kahit na anumang maliit pa detalye sa libro bago kami nakapasok dito. Napabuntong hininga na lang ako. "May iba pa kayang paraan para mahanap natin ang glitch sa kuwentong ito?" tanong ko sa sarili ko tapos napatigil sa paglalakad si Zynon kaya napalingon uli ako sa kaniya, "Bakit?" Sinundan ko 'yung direksyon na tinitignan niya at napalaki ang mata ko nang makita ko ang isang batang babae na tumatakbo sa isang eskenita, takot na takot siya at napakarungis. "Kayong dalawa!" Napalingon naman kami ni Zynon at nakita naman namin ang isang babae, napupuno rin ng takot ang mukha niya. "Tulungan ninyo ang bata. Wala siyang magulang at maari siyang madakip gaya ng mga ibang batang pinapatay ng hari!" naiiyak na sabi niya sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Zynon. "Pero, hindi po ba kayo ang nanay niya?" tanong ko at napailing lang siya. "Hindi ko siya anak. Ang anak ko ay matagal ng nadakip at pinatay. Ang batang iyon, nang una ko siyang makita ay mag-isa na. Nang tanungin ko siya kung sino ang mga magulang niya ay wala siyang kilalang magulang niya. Kaya pakiusap, sana iligtas niyo siya!" Agad naman akong napatango, "Maasahan niyo po kami! Zynon, tara na!" sabi ko at bago pa siya makaalma ay agad ko na siyang hinila para sundan 'yung batang babae. Napatigil na lang kami nang makita siyang nagtatago sa likuran ng isang lumang kariton. "Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Zynon sa akin pero hindi ko siya pinansin at agad na sinilip 'yung bata na sinisiksik ang sarili niya sa may kariton. Mukha siyang mga nasa five years old na. "Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan," sabi ko at inihaya ang kamay ko sa kaniya. "Sumama ka sa amin." Tinignan naman niya 'yung kamay ko at tinignan ako. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya at kaagad na niyakap ako sa bewang. Napaatras na lang ako. "M-mama!" "Huh?" iyon na lang ang nasabi ko habang nabibigla parin sa ginawa niya. Napabuntong hininga naman ako at naaawang niyakap pabalik 'yung bata. Tinignan ko si Zynon na hindi sang-ayon sa ginagawa ko. Ang sabi nung babae kanina walang magulang 'yung bata, hindi kaya inabanduna lang siya? Dahil nga sa sobra akong naaawa sa kaniya ay binuhat ko na lang siya at ibinalot sa suot kong coat ng school. Baka kasi ay bumalik 'yung mga lalaking kumukuha ng mga bata at magiging delikado siya kung sakali mang makikita siya. "You're making a mistake." sabi ni Zynon. "Hindi ko naman puwedeng pabayaan na lang 'yung bata. Nakita mo ba kung gaano siya natatakot kanina?" sabi ko na lang sa kaniya. "Magagawa naman natin ang misyon natin habang prino-protektahan siya, eh." "What if, she is the main character?" Natigilan ako, saka napatingin doon sa bata, nakayakap lang siya sa akin ng mahigpit habang nakatingin sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "The king is still searching for the destined child, what if she is the one? And you're being  too involved in the story." "H-hindi naman siguro," sabi ko. "You're being consumed by your emotions, Xhiena." "Pero kasi, kasi.." napatingin ako uli ron sa bata, "Hindi ko siya kayang pabayaan! Kung siya nga ang batang itinakda, hindi ba dapat mas protektahan natin siya?" "What if the destined child was technically written to die in the book? And now, you're preventing it." Naikuyom ko na lang ang palad ko, "Wala akong pakialam, basta kailangan ko siyang mailigtas. Ayokong isang inosenteng bata nanaman ang mapatay ng haring iyon. Maging siya man ang batang itinakda o hindi," giit ko sa kaniya at nagsimula ng maglakad palayo. Hindi ko kayang maging katulad niya na panatiling matigas ang puso sa kabila ng mga nangyayari ngayon. Natigilan naman ako sa paglalakad nang sumilip mula sa coat 'yung bata at may intinuro. "Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya at tinignan 'yung tinuturo niya. Nakita ko ang isang lumang bahay. Naglakad naman ako papunta doon at nang makita kong walang tao ay agad akong pumasok. Ibinaba ko 'yung bata at agad siyang tumakbo papunta sa isang pinto kaya naman sinundan ko siya papasok doon. Sumalubong sa akin ang isang madilim na kwarto. Walang kahit na anong laman ang kwartong iyon. "Mama!" Napalingon naman uli ako doon sa bata at tumakbo siya papunta sa akin na may hawak-hawak. Hindi gaya kanina ay nakangiti na siya, kaya nakita ko ang mga patubo pa lang niyang ngipin. Napangiti na lang din ako at kinuha 'yung binibigay niya sa akin, "Ano 'to?" tanong ko. Tapos nakita ko ang isang bagay na hindi ko inaakalang mayroon ang batang katulad niya. Isang gintong kwintas. May mga letrang nakaukit sa pendant na puso ng kwintas at nang basahin ko 'yun, nalaman ko kaagad ang pangalan niya. Airies. "Airies ang pangalan mo?" tanong ko tapos niyakap niya lang uli ako. "Mama!" Natigilan ako nang ma-realize ko, bakit parang iyon lang ang salita na alam niya? Mama? "Mama?" tawag niya sa akin at pinakatitigan ang mukha ko. "Airies, hindi ako ang mama mo. Ako si Ate Xhiena. Nasaan ba ang mga magulang mo? Ang mama mo nasaan?" tanong ko pero itinuro niya lang ako. "Mama!" Napabuntong hininga naman ako uli at binuhat na lang siya. Baka naman may magulang talaga siya, kasi saan naman niya mahahanap ang gintong kwintas na 'yun kung wala, baka naman, iniwan sa kaniya 'yun ng mga magulang niya. Nagsimula akong lumabas ng bahay na iyon at nakita kong parang pagabi na. Hindi kami sinundan ni Zynon. Talagang hindi siya sang-ayon sa pagpo-protekta ko kay Airies. Pero anong magagawa ko, hindi ko siya kayang pabayaan na lang. "Mama..." naramdaman ko ang panginginig sa takot ni Airies habang nakayakap sa akin. Ang bilis din ng t***k ng puso ko habang naglalakad. Sobrang tahimik kasi at yung mga lamp posts ay nagpapatay-sindi dahilan para mas tumindi 'yung takot na nananalaytay sa ugat ko. Oh, gosh! Nasaan na ba kasi si Zynon?! Tapos nang makarinig ako ng kaluskos ay muntik na akong mapatalon sa gulat. Napahinga na lang ako ng maluwag nang makitang daga lang pala iyon, muntik pa akong atakihin sa puso. "Mama..." tawag uli sa akin ni Airies kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Huwag kang mag-alala, po-protektahan ka ni mama," sabi ko na lang at nginitian siya para mawala ang takot niya. Napapikit naman siya na parang nakahinga ng maluwag. Napahugot na lang akong ng hininga at pilit na tinatapangan ang sarili ko para magpatuloy sa paglalakad. Tapos nanigas na lang ang katawan ko nang makarinig ng mga tawanan ng mga lalaki kasunod ang pamilyar na mabibilis na yapak ng mga kabayo. The fudge! Humigpit ang pagkakahawak ko kay Airies at trumiple ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Malapit na sila sa kinaroroonan namin. Papalapit na ng papalapit ang mga kabayo, at kahit anong pilit ko ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit? Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga brasong bumalot sa akin at hinila ako sa isang madilim at masikip na eskenita. Bumalot sa akin ang pamilyar niyang amoy habang walang tigil sa bilis ng pagtibok ang puso ko. Dahan-dahan ko siyang tinangala habang nakayakap sa akin at tumulo na lang ang luha ko nang makita ang wala paring emosyong mga mata niya. "Zy-Zynon.." Tinitigan niya ako at idinikit ang noo niya sa akin. "We'll be her parents," mahinang sabi niya. "A-ano?" "The glitch. The glitch in the book. Hindi ang isang bagay na dapat wala sa libro ang hinahanap natin." sabi niya, "Kung hindi ang isang bagay na nawawala sa libro. At iyon ang mga magulang ng batang iyan." Tapos napatingin kami pareho kay Airies na nakatingin sa amin ni Zynon at may takot sa mga mata. "M-mama..p-papa.." Napangiti na lang ako. Kaya pala, kaya pala 'yon lang ang tanging salita na alam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD