"So, ang ibig mong sabihin, si Airies nga 'yong batang itinakda?" tanong ko kay Zynon, nang makalampas na 'yung mga lalaki na nagpapatrolya sa buong bayan para makakuha ng mga bata.
"No doubt about it."
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Because there are no main characters that would die before they could even do their main purpose in the story. Besides, it's strange that a child could go on in this world alone without being killed, when no one is protecting her." paliwanag niya kaya doon ko naintindihan ang lahat. Na-amaze naman ako sa kaniya dahil nahanap niya 'yong glitch kahit na hindi niya pa nababasa 'yung librong kinaroroonan namin.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ko uli sa kaniya.
"We just need to act like her parents to fill the hole in the story," sagot naman niya.
"Paano natin 'yon gagawin?" tapos tinignan niya ako na parang isa akong malaking bobo, kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Ano ba ang ginagawa ng mga magulang? Of course, they'll do everything to protect their child."
"Sorry naman!" sabi ko at inirapan siya, "Teka, paano mo nga pala kami nahanap kanina?"
"I've been following you since you walked out dramatically like an idiot." sabi niya kaya nalaglag ang panga ko at parang namintig ang ugat ko sa ulo.
"A-anong sabi mo?!"
Tinignan niya uli ako.
"I said, you're stupid for not noticing that I've been following you all along."
Mas nagngitngit ang ngipin ko kaya handa ko na sana siyang batukan nang maaala kong buhat ko pa pala si Airies.
Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong magawa. Kainis talaga siya!
In the end, bumalik kami doon sa lumang bahay na pinuntahan namin kanina para magpalipas ng gabi.
Kumuha lang kami ng mga plywood ni Zynon na nakakalat sa paligid ng bahay at iyon ang inilatag namin para maging tulungan.
"Mama?" napatingin naman ako kay Airies na katabi ko at nakayakap sa akin. Medyo namumungay na rin 'yung mata niya.
"Ano 'yon, Airies?" tanong ko naman. Nginitian niya ako saka itinuro 'yung bibig ko. Agad namang nangunot ang noo ko. Napahikab siya at parang doon ko na nga na-gets kung anong gusto niya at napangiti na rin saka ako nagsimulang kumanta ng isang lullaby hanggang sa makatulog siya.
Nang makita kong mahimbing na siyang natutulog, ikinumot ko sa kaniya 'yung school coat ko at pinanood siya. Doon ko nakita na ang ganda ganda niyang bata dahil sa tulong ng liwanag ng buwan na sumisilip sa bintana ng bahay. Mahaba ang pilik-mata ni Airies, at may maliit siyang labi, may kapayatan nga lang at mayroon ding kulot na itim na buhok.
Hinawi ko 'yung buhok niya na tumatabing sa mukha niya at hinalikan siya sa noo.
Sana pagkatapos ng misyong ito, magkita parin kami, at sa panahong iyon, hindi ko na makikita pa kailanman ang takot sa mga mata niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin din kay Zynon na nakaupo at nakasandal sa pader. Nakapatong 'yung isang braso niya sa tuhod niyang nakatupi habang ang isa naman ay malayang naka-unat. Nang tamaan din ng sinag ng buwan ang mukha niya ay nakita kong nakapikit na siya.
"Zynon, tulog ka na ba?" tanong ko.
"Oo." sagot naman niya kaya napangiti na lang ako habang nakatitig sa perpektong mukha niya, hanggang sa unti-unti na nga rin akong hilahin ng antok at nakatulog.
Nagising na lang ako nang may makarinig ako na parang may papunta sa kinaroroonan namin. Mabilis kong idinilat ang mata ko.
Madilim parin ang paligid. Napatingin ako kay Airies at maski siya ay natutulog parin ng mahimbing kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Zynon at nagsimula akong kabahan dahil wala na siya sa pwesto niya kanina.
Tapos nakita ko na lang siyang nagmamadaling pumasok sa may pinto ng bahay at kaagad na napatingin sa akin.
"Kailangan na nating umalis dito, may mga paparating." sabi niya tapos lumapit sa akin at dahan-dahang binuhat si Airies. Binalot niya ng mabuti si Airies gamit 'yung school coat ko.
Napatingin naman siya sa akin at hinawakan niya 'yung kamay ko habang buhat niya si Airies sa isa pa niyang braso saka ako hinila palabas ng bahay. Natigilan naman ako dahil sa ginawa niya.
Nang makalabas kami sa bahay ay kaagad naming tinignan 'yung paligid at nang makitang hindi pa sila nakakarating ay mabilis na kaming umalis papalayo, hanggang sa makarating kami sa gubat.
"Zynon, hindi kaya mahanap parin nila tayo rito?" kinakabahan kong tanong at napahigpit sa pagkakahawak sa kamay niya.
"No, they won't. But if they would, we'll ran no matter what happens." sabi niya.
Nang makakita kami ng malaking puno ay doon na kami tumigil at nagpahinga. Medyo madilim parin pero makikitang malapit ng lumiwanag.
"When the dawn breaks, we'll go." narinig ko pang sabi ni Zynon kaya tinanguan ko siya saka napatingin kay Airies habang nakahiga ang ulo niya sa kandungan ko.
Napasandal ako sa malaking trunk ng puno at napatingin uli kay Zynon na katabi ko at nakasandal din katulad ko. Nakapikit nanaman ang mga mata niya at hindi ko maiwasang mapangiti. Mas malinaw ko na siyang natititigan ngayon. Magulo ang itim na itim na buhok niya na bumabagay naman sa kaniya at dahil nakaside-view siya ay kitang-kita ko ang katangusan ng ilong niya tapos 'yung labi niya na sobrang pula at mukha ring sobrang lambot, dahil ilang beses ko ng naramdamang dumampi 'yun sa leeg ko. Bumaba pa ang tingin ko hanggang sa leeg niya tapos sa adam's apple niya na umaalon.
"Stop staring."
Nagitla naman ako at napaiwas ng tingin. Crap.
Ang bilis ng t***k ng puso ko na parang sasabog na 'yun. Nag-iinit din ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan.
Nilingon ko siya uli at nakatingin na siya sa akin, habang blangko parin sa mga emosyon ang mga mata niyang kulay itim.
Biglang nanuyo ang lalamunan ko tapos nakita ko siyang inilihis 'yung damit niya sa balikat niya kaya nanlaki nanaman ang mga mata ko.
"A-ano—"
"Drink. I know you're thirsty." malamig na sabi niya kaya napatitig ako sa makinis na leeg niya.
Tapos bigla ko namang naalala ko 'yung nangyari doon sa likod ng building. Mas nag-init tuloy ang pisngi ko dahil doon.
"What are you waiting for? Drink now or you'll starve," sabi niya uli.
Ilang beses akong napalunok at nasasamyo ko nanaman ang amoy ng dugo n'ya na siyang nagpapa-uhaw sa akin. Naramdaman ko ang pagliwanag ng mga mata ko.
"Drink," at pagkasabi niya nun ay dahan-dahan ko ng inilapit ang mukha ko sa leeg niya at nagsilabasan ang mga pangil ko. Saka ko ibinaon ang mga iyon sa balat niya kasabay ng pag-inom sa dugo niya.
Naramdaman kong parang unti-unting nabubuhay ang mga ugat ko at parang mas naghihintay pa ang katawan ko sa higit pa doon kaya mas ibinaon ko pa ang pangil ko at pinagpatuloy ang pag-inom sa dugo ni Zynon.
Nagsisimula nanaman akong mawala sa sarili, hanggang sa maramdaman ko na rin ang kamay ni Zynon na humahawi sa suot na damit ko sa balikat, exposing my bare neck. Hanggang sa unti-unti na ring bumabaon ang matatalim niyang pangil kasabay ng pag-inom niya sa dugo ko.
We're drinking our blood at the same time again, but this time, it's different, I felt his soft tongue gently circling on my skin as he continue on drinking my blood. Tumayo ang balahibo ko dahil doon at lumabas ang mahinang ungol sa bibig ko habang patuloy sa pag-inom ng dugo niya.
Napayakap ako sa kaniya ng mahigpit at nakahawak naman ang isang kamay niya sa batok ko habang ang isa ay hinahagod ang likuran ko.
Muli akong mahinang napaungol at parang sinisilaban ang katawan ko ng apoy. I could drink his blood forver and never stop. Para akong mababaliw na pakiramdam ko kapag tumigil kami pareho ay ikamamatay namin. Crap. The sensual drinking of blood at the same time is driving me crazy. At habang patagal ng patagal ay mas nag-iinit ang pakiramdam ko, mas naghahanap ang mga katawan namin sa isang bagay, isang bagay na delikado.
Gusto ko ng tumigil pero hindi ko kaya. Wala akong magawa kundi mapasabunot na lang sa buhok ni Zynon habang nararamdaman ko na ang mga kamay niya na unti-unti ng pumapasok sa loob ng suot kong damit. I could felt myself moaning.
Tapos parang may nagpasabog ng bomba nang marinig namin ang isang boses.
"Mama? Papa?"
Agad kaming natauhan ni Zynon at napahiwalay sa isa't isa tapos napatingin kay Airies na kagigising lang at nakahiga parin sa kandungan ko.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa amin pareho.
What the heck?!
Parang gusto kong masuka dahil sa pinaghalong kaba at kahihiyan habang nakatingin sa nagtatanong na mga mata ni Airies.
Oh my gosh, nakalimutan ko na nandito nga pala si Airies. Ano bang nasa isip ko at hinayaan ko ang sarili kong sumipsip ng dugo ni Zynon. The fudge! Hindi na talaga kami nagtanda pareho.
Tinignan ko si Zynon at parang wala nanaman siyang pakialam sa nangyari at sa halip ay pinupunasan ang labi niyang may dugo ko pa.
Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa kahihiyan.
Tapos pareho kaming natigilan nang may marinig kaming kaluskos. Mabilis kong binuhat si Airies at niyakap siya ng mahigpit.
Narinig ko 'yung pamilyar na mga yapak ng mga kabayo. Oh, crap. Paano nila nalaman ang kinaroroonan namin?
Hindi namin 'yun napansin kaagad dahil sa ginawa namin ni Zynon. Oh, fudge!
"When I say, run. Run away with Airies." narinig kong sabi ni Zynon kaya tinignan ko siya na hindi sang-ayon sa kung anumang balak niya. "We're surrounded and that's the only way. There's too many of them, but I can handle it." sabi pa niya.
"Pero, Zynon.."
Tinitigan niya lang ako sa mata at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Protect our child, Xhiena."
Bumilis ang t***k ng puso ko.
"Run.."
At wala na nga akong ibang nagawa kundi ang tumakbo papalayo hanggang sa marinig ko na lang ang tunog ng mga suntok at tadyak.
Hindi ko alam, pero napaluha ako habang tumatakbo at yakap-yakap si Airies.
Please be safe, Zynon and I would definitely protect Airies no matter what.
I will protect our child..
---
Revamped and Revised.