Walang tigil ako sa pagtakbo ng mabilis kahit na maraming paharang-harang na malalaking ugat ng puno sa daan. Pinagsawalang-bahala ko 'yun.
Hanggang sa marinig ko ang paghikbi ni Airies. Tinignan ko siya at malungkot na nginitian.
"Airies, huwag ka ng matakot. Po-protektahan ka ni mama, okay?" sabi ko kaya naman tumigil siya sa paghikbi at napaluha na lang.
"P-papa?"
"Si papa, si papa pino-protektahan niya rin tayo. Nilalabanan niya 'yung mga bad guys na gustong manakit sa'yo. Kaya kailangan nating lumayo. Susunod si papa. Naniniwala akong makakasunod siya." sabi ko at mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa makita ko na ang kalsada at ang dulo ng gubat. Lumingon ako para tignan kung may nakasunod sa amin at nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala.
Mabilis akong lumabas sa gubat at natulos na lang ako sa kinatatayuan ko sa nakita.
Maraming mga tauhan ng hari ang nakaabang sa amin sa dulo ng gubat.
Ang dami nila. Halos hindi ko mabilang. Ang mga pana at espada nila ay nakatutok sa aming dalawa ni Airies, at sa isang maling galaw lang namin ay maaari kaming mamatay.
Nagsimulang bumaha ang takot sa dibdib ko at mas humigpit ang pagkakayakap ko kay Airies.
"Ibigay mo sa amin ang bata." sabi nung isang lalaki at nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi niya.
"Hindi ko ibibigay sa inyo ang anak ko!" giit ko at kaagad na napaatras. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Anak mo siya? Hindi ba't parang napakabata mo pa para magkaanak?"
Napangisi na lang ako, "Oo, anak ko s'ya at hinding-hindi ako makakapayag na makuha niyo siya sa akin!"
"Isang kalokohan! Wala ka ng magagawa ngayon. Kunin niyo na ang bata, at patayin ang kaniyang ina!" utos niya sa mga kasamahan niya kaya mabilis akong napatakbo pabalik sa gubat.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang ramdam ko na ang mga arrow na tatama sa likuran ko. Pero bago pa iyon ay parang may sariling mga isip ang mga paa ko at mabilis akong napaliko at nang makakita ako ng isang malaking puno ay doon kaagad ako nagtago.
Nagtataas-baba na ang dibdib ko at napasandal sa trunk nung puno. Pero natigilan din ako nang marinig ko na ang sunod-sunod na pagtama ng mga arrow sa likuran ng puno na sinasandalan ko.
Napahigit na lang ako ng hininga at napapikit ng mariin.
"Mama.." narinig ko pa ang natatakot na boses ni Airies kaya mas lalo akong napakuyom ng kamay.
"Ibigay mo na ang bata sa amin, kung gusto mo pang mabuhay!"
Napangiti naman ako ng mapait. Mga walang puso. Sa tingin nila, kung ang anak nila ang nakataya ang buhay, sino bang magulang ang mas pipiliin ang kaligtasan niya kaysa sa kamatayan ng kaniyang anak?
Nagngitngit na lang ang ngipin ko dahil sa galit. Mga wala silang puso, mga demonyo. Maraming mga inosenteng bata ang namaty, mga magulang na walang nagawa. Napakapit ako ng mahigpit sa trunk ng punong sinasandalan ko dahil sa labis na poot at galit saka ko naramdaman ang malakas na enerhiyang unti-unting bumalot sa katawan ko, kasabay ng pagliwanag ng mga mata ko.
Lumabas ang mga vines sa palad ko na parang mga latigo, at humigpit ang pagkahawak ko doon.
Walang sinuman ang puwedeng manakit kay Airies at walang ano-ano'y kaagad kong inihampas ang vine na latigo sa puno at walang kahirap-hirap 'yung nahati at natumba.
Nakita ko na lang ang mga tauhan ng hari na nagulat sa ginawa ko, kaagad ding rumehistro ang takot sa mga mukha nila pero nanatili silang hindi natitinag.
"Sinong gustong kumuha sa anak ko? Lumapit kayo sa akin.." malamig na sabi ko, "at sasalubong sa inyo si kamatayan."
"Hu-huwag kayong matakot sa kaniya!" nauutal na sabi nung lalaki kanina at tumingin sa akin saka itinutok ang espada sa amin ni Airies. "K-kailangan nating makuha ang b-bata!"
"Pero nakita mo naman kung paano niya napatumba 'yung puno, gamit lang yung latigong hawak niya!" sabi naman nung isa pa niyang kasamahan kaya muli kong inihampas ang vines na latigo sa lupa at kaagad iyong nawasak.
Napaatras silang lahat dahil sa takot. Dahil doon napangisi ako.
"Lubayan niyo na kami, kung ayaw niyong mamatay!" sigaw ko at inihamapas ko uli sa hangin ang latigo at halos magsitumabahan ang mga punong nakapalibot sa amin.
"Umalis na tayo rito, baliw na ang babaeng iya—"
"Hindi tayo pwedeng umalis, tayo ang papatayin ng hari! Kailangan parin natin ang bata!"
Mas nag-igting ang panga ko at nang magsimula na nga silang lumapit ay walang pag-aalinlangan kong ipinulupot ang vines na latigo sa mga katawan nila saka mabilis silang ibinalibag sa lupa dahilan para mawalan sila ng ulirat at hindi makatayo.
Napabuga na lang ako ng hangin nang bumagsak silang lahat. Napatingin naman ako kay Airies na nakapikit lang ng mariin dahil sa takot.
"Airies, okay na, okay na. Wala na ang mga bad guys. Sabi ko naman sa'yo, di ba, po-protektahan ka ni mama. Kaya 'wag ka ng matakot." nakangitng sabi ko sa kaniya at naramdaman ko na ang pagbalik ng mga vines sa palad ko.
"M-mama!" naluluhang sabi niya at niyakap ako. Hinalikan ko na lang siyang sa noo at magsisimula na sana akong maglakad uli nang may bagay na tumama sa likuran ko.
Napalaki ang mata ko habang nakatingin kay Airies.
"Mama?"
Tapos may isa pang tumama sa binti ko.
Nagsimulang manginig ang tuhod ko hanggang sa unti-unti na lang akong napaluhod. Nabitawan ko si Airies at nanghihinang bumagsak sa lupa.
"Mama! Mama!"
"A-Airies.." tawag ko sa kaniya at sinubukan ko siyang abutin pero narinig ko na lang ang pagdating ng isang lalaki. Nakasuot siya ng uniporme, katulad ng mga tauhan ng hari.
Naikuyom ko na lang ang mga palad ko.
Naramdaman ko ang pagbunot niya sa dagger na bumaon sa likuran ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit at napasuka ng dugo.
"Pansamantala kang hindi makakagalaw dahil sa lason." narinig kong sabi ng lalaki at binunot din ang dagger niya na tumama sa binti ko. Nagngitngit ang ngipin ko sa sakit at mahigpit na napakuyom.
"M-mama!" mabilis na lumapit sa akin si Airies pero nakita ko na lang na sinakal siya ng lalaki sa leeg at iniangat sa lupa.
"H-huwag.." pilit na pagmamakaawa ko hanggang sa makita ko na lang na mawalan na ng malay si Airies sa mga kamay niya, saka niya ito ipinatong sa malapad niyang balikat.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang pinapanood ko ang lalaking papalayo kasama si Airies.
"A-A-Aries.." tawag ko sa kaniya at sinubukan kong gumapang. "A-ries.."
Hindi puwede! Hindi siya puwedeng makuha! Hindi siya puwedeng mapatay ng hari! Kailangan ko siyang iligtas. Parang nadudurog ang puso ko habang papalayo na sila ng papalayo. Wala akong magawa, hindi ako makagalaw.
Nagtuloy-tuloy ang mga luha ko habang nanghihina ang katawan ko at pilit na gumagapang para sumunod sa kanila.
"P-pleasee...nakikiusap ako, huwag niyong papatayin ang anak ko..." mahinang sambit ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang unti-unting paglabo ng mga mata ko at ang pagmanhid ng buo kong katawan.
Airies..
Airies...
Sorry, nabigo si mama..
Nabigo akong protektahan ka...