Chapter 19: King Exodus

1534 Words
Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko ay kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Napangiwi na lang ako dahil sa sakit mula sa mga natamo kong sugat. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong nasa gubat parin ako.  Masakit parin ang mga sugat na natamo ko, pero mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa kanina. Tapos nakita ko si Zynon na nakatalikod mula sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Napayuko na lang ako at napaluha. "Sorry, hindi ko na-protektahan si Airies. Sorry.." sabi ko at napatakip sa mukha ko. Nagsimula akong humikbi at sobrang naninikip ang dibdib ko. Napakahina ko. Pero natigilan na lang ako nang marinig siyang magsalita. "There's nothing we can do about it. " sabi niya, saka siya lumingon sa akin. Doon ko nakita ang itsura ni Zynon. Hindi naman siya sugatan pero may mga gasgas siyang natamo. Halatang nahirapan siya sa mga nakalaban niya. "Anong gagawin natin? Nasa kanila na si Airies. Paano kung patayin na siya?" "She's the protagonist, she's not gonna die that easily." sabi pa niya. Tapos napatingin siya sa binti ko na may sugat, nabalutan na 'yun ng tela at mukhang ganun din. Mukhang 'yung damit niya ang ginamit niya para doon dahil wala na rin siyang suot na pang-itaas. "Zynon.." "While you were unconscious, I've sucked the poison on your blood, so you can move now." sabi niya at nabigla naman ako dahil doon. Sinipsip niya 'yung lason? "I-ikaw? Ayos ka lang ba?" "I'm alright," sagot niya at napatingala sa langit, "We've only got until dark. Malapit ng maubos ang mga bungahin sa hour glass and before that, dapat makalabas na tayo rito." "Pero paano si Airies? Kailangan natin siyang tulungan, Zynon." sabi ko. Tinignan niya ako. "She's already on the hands of the king. What more we can do? And we need to get out of here now." Dahan-dahan akong napatayo at tinignan ko siya na parang hindi makapaniwala. "Ganun na lang ba 'yun, Zynon? Pababayaan na lang natin si Airies? Aren't we supposed to be her parents? Aren't we supposed to protect her?!" Tinignan niya lang ako kaya iniwas ko na lang ang mata ko sa kaniya. Sobrang lamig ng mga mata niya. Hindi ko alam, pero nasasaktan ako sa mga matang 'yun. Akala ko, nag-aalala rin siya kay Airies? Akala ko, may pakialam din siya kay Airies? Pero anong sinasabi niya?! Napahinga na lang ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. "Kung gusto mo ng bumalik. Bumalik ka na. Yes, we already finished our mission. Pero ililigtas ko at tutulungan ko si Airies, kahit anong mangyari." matigas na sabi ko at paika-ikang nagsimulang maglakad. Napakapit na lang ako sa trunk ng puno. Kailangan ko ang vines na latigong 'yun para mailigtas si Airies. Hanggang sa unti-unti ko na ngang naramdaman uli ang pagliwanag ng mga mata ko kasabay ng paglabas ng mga vines na 'yun sa palad ko. Sinubukan ko uling maglakad hanggang sa makalabas na ako sa gubat. Kailangan kong makarating sa palasyo kung nasaan ang hari bago pa mahuli ang lahat. Nang makarinig ako ng mga yapak ng kabayo ay kaagad akong naging alerto at ihihanda ang latigo ko. Nagngitngit ang ngipin ko at naikuyom ko ang mga kamay ko, hindi ko sila mapapatawad sa pagkuha nila kay Airies. Pero natigilan na lang ako nang huminto sa harapan ko ang isang kabayo at lulan nun si Zynon. "Sa lagay mong iyan, sa tingin mo maabutan mo pang buhay si Airies?" malamig na sabi niya. "Kahit anong mangyari makakarating ako." giit ko, "Ikaw, bakit ka pa nandito? Di ba gusto mo ng bumalik?" magkasalubong ang kilay na sabi ko. "You're my blood source, remember? As if, I would let you be killed here. Hop in!" tapos hinigit niya ang braso ko at isinakay sa kabayo. "We're going to the castle." Napakapit na lang ako sa kaniya nang simulan niyang patakbuhin ang kabayo at gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ko. I knew it. He also cared about Airies, that's why he didn't left. Ilang sandali pa ay nakita na nga namin ang palasyo. Sobrang laki nun, at maraming tao ang nasa labas. Anong meron? Kumpol-kumpol ang taong nasa labas ng palasyo at may mga nakita pa akong tauhan ng hari ang pumipigil sa kanilang makapasok. Ano ba talagang nangyayari? Bumaba kami pareho ni Zynon sa kabayo at lumapit sa mga tao. "Ano po bang nangyayari?" tanong ko sa isang ale na nakikigulo rin. "Nahanap na ni Haring Exodus ang batang itinakda at ngayon ay balak niya itong patayin sa harap ng karamihan." Napalaki na lang ang mga mata ko at napatingin kay Zynon, "Kailangan may gawin tayo." Lumingon siya sa paligid at hinawakan ang kamay ko. "May naisip ako." Lumayo kami sa mga tao at lumapit doon sa mangilan-ngilang tauhan ng hari. "Can we get inside?" diretsahang tanong ni Zynon at nakita ko ang pagkunot ng mga noo nila. "Bawal ang pumasok sa loob. Sino ba kayo?" tanong ng isa. "We are death." pagkasabi ni Zynon ay mabilis niyang sinipa sa sikmura 'yung lalaki at sinuntok sa mukha 'yung isa. Napanganga na lang ako, sa isang kurap ay bumagsak 'yung anim na mga lalaki na nagbabantay sa labas ng palasyo. Sobrang bilis. Nilingon ako ni Zynon na ganoon parin ang ekspresyon, na parang hindi siya gumawa ng kamangha-mangha. "Let's go." Pumasok kami doon sa maliit na bahagi ng nagsisilbing gate ng palasyo at may mga lalaki nanamang bumungad sa amin na nagbabantay doon. Sinimulan silang patumbahin ni Zynon at inihampas ko rin ang latigo sa kamay ko dahilan para lahat sila ay matumba. Napahinga ako ng malalim dahil doon at nagsimula uli kaming umusad ni Zynon. "Saan balak patayin ng hari si Airies?" tanong ko habang naglalakad kami papasok sa palasyo. "Kung saan makikita ng lahat." sagot ni Zynon at itinuro ang malaking balkonahe ng palasyo. Nanlaki na lang ang mata ko. "Kailangan nating makapunta doon kaagad." narinig kong sabi niya kaya napatango ako. Mabilis kaming napatakbo ni Zynon papunta sa balkonahe ng palasyo. Halos wala ng tauhan ng mga hari na humaharang sa amin at ipinagtataka namin. "Something's strange." narinig kong sabi ni Zynon at napahinto kami sa harap ng pintuan ng balkonahe. Humigpit ang hawak ko sa latigo na nasa kamay ko at napahinga ng malalim. Dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa pinto at walang ano-ano'y binuksan ito dahilan para tumambad sa amin si Airies na nasa gitna ng napakalaking balkonahe. Halos manghina ang tuhod ko nang makita siya. May mga kadena sa paa niya at sugat-sugat ang katawan. "A-Airies.." nagsimulang tumulo ang mga luha ko at akmang lalapit na ako sa kaniya nang maramdaman ko ang kamay ni Zynon sa braso ko. Napatingin ako sa kaniya. "He's here." Lumingon uli ako sa kinaroroonan ni Airies at nakita ko na nga ang isang lalaking nakasuot ng isang marangyang damit, mayroong gintong koronang nakapatong sa kaniyang ulo at isang mala-demonyong ngising naglalaro sa kaniyang mga labi habang nagniningas ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ko kung gaano kasama ang budhi niya. "Kanina ko pa kayo hinihintay.." mapang-uyam na sabi niya. Siya ang Haring Exodus. Siya ang nagpapatay ng hindi mabilang na bata sa bayang ito dahil sa kasakiman niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Mas humigpit ang pagkakakuyom ko ang mga palad ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Pumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Zynon at mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya. "Pakawalan mo si Airies!!" nagngingitngit kong sigaw at inihanda ang latigo sa palad ko. "Xhiena!!" narinig ko pang sigaw ni Zynon, pero hindi ko siya pinakinggan. Bago pa ako makapasok ng tuluyan sa balkonahe ay naramdaman ko ang pagbalot ng kuryente sa buo kong katawan. Napaawang na lang ang bibig ko hanggang sa mabilis kong naramdaman ang pagtalsik ko sa malamig sahig. Narinig ko ang malakas na paghalakhak niya habang naghihina ang katawan ko. "A-Airies.." "Hindi kayo makakapasok dito, at hinding-hindi ninyo ako mapipigilan sa pagpatay sa batang ito." sabi niya tapos nakita ko kung paano niya ilapit ang talim ng hawak niyang espada sa leeg ng walang malay na si Airies. "Dahil ang batang ito, ay nararapat lang na mamatay!" Nagpupuyos sa galit kong ikinuyom ang mga kamay ko at pinilit ang sarili kong tumayo. "H-Hindi mo pwe-pwedeng saktan si Airies!!" sigaw ko at muling tumakbo papasok sa balkonahe hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagharang ni Zynon sa harapan ko. "Tumabi ka, Zynon!" sigaw ko sa kaniya. Nararamdaman ko na rin ang paghaba ng mga kuko ko at ang tila pagbabago sa mga mata ko. "Tumabi ka sabi—" "Let me.." Natigilan ako nang makita ang mukha niya. Hindi ko alam, pero naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko. Parang nag-iba siya. Natigilan ako. Nakita ko kung paano nagbago ang mga mata niya mula sa pagiging itim hanggang sa pagiging pula. Nakakuyom ang mga kamay niya at may lumalabas na tila itim na usok mula roon. "Z-Zynon.." "Let me handle this." pagkasabi niya nun ay mabilis siyang tumakbo papasok sa balkonahe at malakas na sinuntok ang nagmimistulang kuryenteng barrier na humaharang doon. Napaatras na lang ako at nakita ko kung paano iyon nabasag, kasabay ng pagkawala ng itim na usok mula sa mga palad niya.. Zynon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD