Chapter 20: The Destined

1442 Words
Zynon.. Napatulala na lang ako dahil sa nangyari. Nabasag niya 'yung barrier. Tinignan ko si Haring Exodus at nakita ko kung paano lumawak ang ngisi sa labi niya. "Hindi ko inaakalang mayroong mga katulad ninyo ang naririto sa bayan na ito." nakangising sabi niya at napatingin sa kaniyang espada, "Pero, hindi niyo ako matatalo sa ganiyan lamang." Humigpit ang pagkakahawak ko sa latigo ko at mabilis na umatake sa kaniya pero bago pa man iyon lumapat sa katawan niya ay mabilis niyang iwinasiwas ang espada niya dahilan para magkapira-piraso ang mga vines na latigo ko. Umatras iyon sa palad ko at matalim na napatingin sa kaniya. Mahina naman siyang napatawa dahil sa nangyari pero natigilan din siya nang makita si Zynon na pasugod sa kaniya. Nakita ko kung paano niya nailagan ang dapat na malakas na suntok ni Zynon. Muli niyang iwinasiwas ang kaniyang espada, pero mabilis din iyong nailagan ni Zynon at napaatras. Ni hindi sila masundan ng mga mata ko dahil sa mabibilis na paggalaw nila. Hanggang sa napasinghap na lang ako nang pareho silang napaatras sa isa't isa. "Iyon lang ba ang kaya mo?" narinig kong pang-aasar niya kay Zynon, pero hindi siya nito pinansin at kaagad na muling sinugod. Napapatawa na lang siya habang iniilagan ang mga atake ni Zynon. Napakuyom ako ng kamay dahil doon. Kailangan ko ring tulungan si Zynon. Napatingin ako sa palad ko, wala na ang mga vines doon. Natigilan na lang akong muli nang makita na tumalsik si Zynon. "Zynon!!" tawag ko sa pangalan niya at mabilis siyang nilapitan. Nagtataas-baba ang dibdib niya dahil sa pagod, "Zynon.." Pero malamig niya lang akong tinignan bago muling tumayo at sumugod kay Haring Exodus na parang hindi man lang napapagod. Doon ako natauhan. Hindi kaya.. Balak niyang pagurin si Zynon! Napatingin ako sa paligid. Kailangang may gawin ako. Dumapo ang tingin ko sa espada na gamit niya. May kakaiba doon. Tapos nakita kong tinamaan siya ng suntok ni Zynon sa mukha pero parang wala lang iyon sa kaniya, ni parang hindi siya nasaktan. May kakaiba. Alam kong may kakaiba. Kailangan kong mahanap kung ano iyon? Napatingin ako sa kinaroroonan ni Airies at ganoon na lang ang pagkabigla ko nang hindi ko siya makita doon. Nasaan siya?! Napatingin ako kila Zynon at napalaki ang mata ko nang magsimulang lumalabas ang napakaraming itim na usok doon. "Die." Saka niya iyon pinatamaan kay Haring Exodus, pero nakangisi lang niyang iniharang ang espada niya sa makapanindig balahibong itim na usok. Mabilis iyong naglaho at nakita ko ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamay ni Zynon. Anong nangyayari? Bakit hindi siya tinatablan ng kung anong atake ni Zynon? Nakita kong mas lumapad ang ngisi niya sa labi at hindi ko mapigilang magngitngit muli sa galit. Pero natigilan na lang ako nang sa isang kurap ay isinaksak niya sa tiyan ni Zynon ang espada niya. Dumaloy ang napakaraming dugo doon. Nanlaki ang mga mata ko. Zynon.. Hindi pwede. "A-anong ginawa mo?!!" sigaw ko, nang tuluyan ng mapaluhod si Zynon sa sahig. Mabilis niyang hinugot ang espada niya sa katawan ni Zynon at napatingin sa akin. "Anong ginagawa ko?" pag-uulit niya at itinutok ang espada niya sa direksyon ko, "Hindi mo ba nakikita? Pinapatay ko kayong dalawa!" Bumagsak si Zynon sa sahig at mabilis akong tumakbo pasugod sa kaniya, lumabas ang mga pangil ko pero bago pa man ako makalapit ay nakarinig ako ng boses. "M-mama.." Airies.. Napatigil ako at ganun din si Haring Exodus. "Anong ginagawa mo?" tanong niya at nabura ang ngisi sa labi niya. Napayuko at napaismid. "Alam ko na.." banggit ko, "Alam ko na kung ano ang kakaiba." "Anong sinasabi mo?!" narinig ko ang galit sa boses niya kaya mas napangisi ako. "Illusion lang ang lahat ng ito, hindi ba? Ang biglang pagkawala ni Airies. Ang katawan mong hindi tinatablan ng kahit na anong atake." sabi ko at matalim siyang tinignan. "Lahat ng iyon ay hindi totoo!!" Tapos nakita kung paano umikot ang paligid. Napahawak ako sa ulo ko. Anong nangyayari? Narinig ko ang paghalakhak niya ng malakas sa tainga ko pero wala naman siya sa tabi ko. Anong nangyayari?! "Tama ka! Tama ka nga! Ito nga ay isang illusion! Pero, kaya mo bang tumakas?" at muli siyang humalakhak sa tainga ko. Napaluhod na lang ako at napatakip sa magkabila kong tainga. "Tumigil ka na! Tumigil ka na!" "Hindi niyo ako mapipigilan! Mamamatay ang batang itinakda sa mga kamay ko!!" Napatigil ako dahil doon. Si Airies, kailangan kong iligtas si Airies. Mahigpit akong napahawak sa palda ko. Hindi siya puwedeng mamatay. Kailan pa kami nakapasok sa illusion na ito? Kailangan kong malaman kung kailan? Iyon lang ang tanging paraan para makatakas. Saka ko naalala. Ang barrier. Mula nang mabasag ang barrier. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang malamig na sahig na nakalapat sa likuran ko. Mabilis akong napabangon at napatingin kay Haring Exodus. Nakita ko na rin uli si Airies na nakakadena parin. Agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha ko. "Airies!" "Isang hangal!" narinig kong sigaw ni Haring Exodus at kaagad na iwinasiwas sa akin ang espada niya. Napalayo ako kaagad at kaagad na nagsalubong ang kilay ko. "Hindi mo mapapatay si Airies, hangga't buhay pa ako!" sigaw ko sa kaniya at nagulat ako nang kusang lumabas ang mga vines na latigo sa palad ko. Kaagad ko iyong inihampas sa kaniya pero mabilis niya iyong nailagan, kaya naman nanggagalaiti ko siya muling pinatamaan hanggang sa naramdaman ko ang napakalakas na hangin. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zynon. Buhay siya. Nakayuko lang siya at may malakas at itim na hangin ang nanggagaling sa parehong mga kamay niya, naramdaman ko ang unti-unting pagyanig ng kinaroroonan namin dahil sa lakas ng hangin. Pero mas napansin ko ang mga dugong tumutulo sa braso niya. Nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha ng hari, "Kapag ipinagpatuloy mo iyan, tuluyan ko ng papatayin ang batang ito!" Napalaki ang mata ko at nakita ko kung paano niya hinila ang buhok ni Airies para iaangat ito at idinikit ang matalim niyang espada sa leeg ng bata. "Huwag!!" sigaw ko tapos napatingin kay Zynon. "Zynon, please.." Napatingin siya sa akin at nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamay niya. Kaagad na nawala ang itim na hangin sa mga palad niya at nanghihinang napaluhod sa sahig. "Zynon!" Narinig ko ang muling paghalakhak ng hari kaya masama ang tingin na ibinaling ko sa kaniya. "Napakasama mo!" nanggagalaiti kong sabi at napatingin kay Zynon. "Anong nangyari sa'yo, bakit dumudugo ang mga kamay mo?" tanong ko. "Dahil ginamit ko ang kapangyarihan ko." "A-ano?!" "Whenever I use it, my body will bleed. It's a curse." natigilan ako sa sinabi niya, "Iyon na lang ang paraan para matalo siya." "Pero.." "I need to do it." mariin na sabi niya, kaya tinignan ko siya sa mata. "Zynon.." Muling lumabas ang itim na hangin sa mga palad niya. "You need to get Airies, kapag nailigtas mo na siya. Bumalik ka na." "A-ano bang sinasabi mo?! Hindi kita iiwan dito!" "Just do it!" "Hindi puwede! Gagawin natin ang lahat para matalo siya, hindi mo kailangang gamitin ang kapangyarihan mo!" sabi ko sa kaniya tapos natigilan na lang kami nang may biglang bumalot sa aming usok. Mahinang napamura si Zynon at napatingin uli sa akin, "Don't breathe it, it's a poison." nanghihinang sabi niya. "Zynon!" Tumingin ako sa direksyon ng hari pero hindi ko na siya maaninag, kahit si Airies ay hindi ko na makita dahil sa kapal ng usok. Napatingin ako kay Zynon at inalalayan siyang makatayo,patuloy ang pagtulo ng dugo sa mga braso niya at mas pumuputla na siya. Crap. Napaubo na lang din ako nang malanghap ko ng kaunti ang usok hanggang sa naramdaman ko na lang ang bagay na pabulusok sa direksyon namin. Iniharang ko ang katawan ko para protektahan si Zynon at naramdaman ko na lang ang sakit ng pagtarak ng dagger. "Xhiena.." tawag ni Zynon sa akin kaya nginitian ko na lang siya. "A-ayos lang ako." sabi ko tapos muling tumarak ang isa pang dagger sa likuran ko kaya tuluyan ng nanghina ang tuhod ko at pareho kaming muling bumagsak sa sahig. Tuluyan ko ng nalanghap ang usok at nagsimula ng manghina ang katawan ko. Tapos muli kong naramdaman ang pagbulusok ng isa pang dagger pero iniharang na rin ni Zynon ang sarili niya sa akin dahilan para siya ang matamaan. Napalaki na lang ang mata ko. "Zynon..." sambit ko tapos natigilan kami pareho nang biglang mawala ang usok. Napabaling kami sa direksyon ng hari at nagulat na lang kami sa nakita. Dahan-dahang bumagsak ang hari sa sahig habang nakatarak ang isang gintong espada sa kaniyang dibdib. At ang tanging may gawa.. Ay si Airies..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD