two

942 Words
Two Pakshet ka! Mura niya sa hawak niyang litrato. Nakainom siya pero hindi siya lasing. Ito sana ang araw na pinakahihintay niya sa lahat. Ang first year anniversart nila ng boyfriend niya. Pero walang nangyari sa araw na ito kundi pahirap at sakit. Nahuli kasi niyang nakikipag chukchakan ang boyfriend  niya sa ibang babae sa apartment nito. Ang sakit kaya, pakshet ka. Naiyak tuloy siya. “Issay, kalma” pagpapatahan sa kanya ni Carla. “Paano ako kakalma, muntik ko ng maibigay ang bataan ko sa kanya. Hayop na un, manyak”palahaw niya sa mga kaibigan. “Oh buti nga muntik lang, ang isipin mo nalang ngayon blessing na nakita mo ang ginagawa niya kapag hindi kayo magkasama”sermon sa kanya ni Kyla. Sila ang mga kaibigan niya na palaging nandyan para damayan siya kahit pa nga hindi na siya nagpatuloy pa ng pag-aaral simula ng makatapos sila ng high school. Mga collage student kasi ang mga ito di tulad niya na panay raket nalang ang kanyang inaatupag. “Lahat ng ipon ko ginastos ko para lang sa anniversary namin ng hayop na ‘yun. Tapos nauwi lang sa wala”maktol niya sa mga kaibigan. “Anong nauwi sa wala, anong tawag mo dito sa kinakain at iniinom natin”sagot naman ni Carla. Nagpalahaw siyang muli ng iyak sa mga kaibigan niya. Gaya ng reklamo niya kanina lahat ng effort niya pakiramdam niya nauwi lang sa wala. Na sana ang mga ginastos niya dito itinulong nalang niya sa magulang niya at mga kapatid. Hindi naman kasi sila mayaman o kahit nakakaangat ng kaunti sa buhay. Kung hindi siya magtrabaho wala silang kakainin. Nagsimula iyon ng mamatay ang kinikilala niyang tatay. Ampon lang kasi siya, nakita lang siya ng kanyang nanay sa labas ng simbahan noong dalaga pa ito. Dahil wala naman daw kasing kumuha sa kanya noon kaya inampon nalang siya nito. Nang nakapag-asawa ang kanyang nanay, nagkaroon siya ng tatlong kapatid. Mabait ang napangasawa ng kanyang nanay kaso saglit lang niya itong nakasama. Namatay kasi sa isang aksidente. “Alam mo, Issay wag mo ng iyakan ang walanghiyang ‘yun”pag-aalo sa kanya muli ni Kyla. “Paano naman ako hindi iiyak, halos limang buwan kong inipon ang mga ginastos ko ngayon para lang sa walanghiyang hayop na ‘yun. Nagtiis akong maglabandera at taga-hugas sa mga karinderya para lang makaipon”kwento niya. “Oo alam naman namin ‘yun, kaya lang Issay okay na din yong nangyari. Mas mahirap naman na kung natapos ang araw na ito at naibigay mo na ang bataan, doon mo pa nalaman na may kalokohan pala ang boyfriend mo”pag-aalong muli ni Kyla sa kanya. “Correction Kyla, EX-BOYFRIEND”pagtatama naman ni Carla. “Huwag na natin pag-usapan ang hayop na ‘yon. Mag-inuman na lang tayo”aya niya sa mga itong uminom. Inaya niyang uminom ang mga ito pero siya lang naman talaga ang uminom. Bawal kasi sa mga ito at may pasok pa sila bukas. “Hala! Pass eight na pala Issay, baka hinahanap na ako sa amin”nag-aalalang turan ni Kyla. “Uuwi na kami Issay, may pasok pa kami bukas”paalam din ni Carla.  “Umuwi ka na din”segunda naman ni Kyla. “Oo, uuwi na din ako”nakasimangot na sagot niya. Naiintindihan naman kasi niya ang mga ito. “Girl, wag mo ng ubusin yang Gin mo. Baka di ka pa makauwi niyan”bilin pa ni Kyla bago sila tuluyan na umalis na dalawa. Natawa nalang siya sa sinabi ng kaibigan. Kilala na kasi nila ang isa’t isa, alam ng mga ito na manghihinayang na naman siya sa kung anong meron sa harap niya. Na ginawa naman niya. Inubos niya lahat ng kung anong meron sa harapan niya. “Shayhang namahan”tukoy niya sa alak na hawak. Pinilit niyang ubusin ang isang bote ng alak, cake na binili niya sa bakery sa kanto at ang spaghetti na niluto niya kanina para icelebrate ang anniversary nila ng boyfriend niyang si Tomas. Mula sa bote nilalagok na niya ang lamang alak na hawak niya hanggang sa maubos na ito. “Whala nahhh”exaggerated na tinaktak pa niya ang bote. Tumayo siya at nagsimula ng maglakad pauwi sa kanila. Wala na siyang pera para magtricycle sana pauwi, kaya nagpasya na siyang maglakad. Pagewang gewang siyang naglakad pauwi. “Bahakit  parang luhumihindol nagshashaway ang mga bahay”aniya habang naglalakad. Hindi niya namalayan na sa maling daan na siya napadpad, sobrang tinamaan na kasi siya ng alak kaya nawala na siya sa katinuan. Habang naglalakad may nadaanan siyang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman din pero hindi niya iyon pinansin at deretso lang ng lakad. Nagpatuloy lang siya sa pag lalakad hanggang sa makarating siya sa highway. Nagulat nalang siya ng may biglang humintong sasakyan sa tabi niya. “Hey Babe”tawag nito. Nang lingunin niya ito hindi niya masyadong makita ang mukha nito kasi madilim sa pwesto niya. Naisip niya baka ‘yong kapitbahay nila ito na may sasakyan, libreng sakay na rin ito. Tutal kanina pa siya lakad ng lakad, at least ngayon makakauwi na siya ng libre. “Kuya, flee rhides bha?”tanong pa niya. Tingin niya parang nag-alinlangan muna ito sa una pero maya-maya bumukas ang pinto ng sasakyan nito “Yeah, sakay na”anito. Agad naman siyang sumakay sa sasakyan nito. Sa sobrang antok niya nakatulog siya agad sa sakyan. Dala marahil ng pagod, kalasingan, sama ng loob at ang pag-iyak niya sa maghapon. Hindi na niya naisip na baka kung mapaano siya sa sinamahan niyang lalaki.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD