Three

1081 Words
Three Nakarating na siya sa Bar niya’t lahat tulog pa din ang babaeng tinulungan niya sa daan kanina. Naiinis na siya dahil kanina pa niya ito ginigising at hindi man lang gumalaw para magising ito. Mukhang lasing na lasing ito kaya mahirap ng gisingin. “Damn, hindi ko na lang sana siya tinulungan”inis na inis niyang hinampas ang manibela. Dala yata ng napalakas ang paghampas niya sa manibela nagising na ang mahal na prensesa sa tabi niya. “Urgh”unggol nito. Napataas ang kilay niya ng marinig niya ang unggol nito. Parang ang sexy kasi ng dating sa kanya ng unggol nito. Sabagay sexy naman talaga ang babaeng ito wag lang haharap sa kanya. Nilingon niya ito at tumambad sa kanya ang mukha nito ewan. Lalong kumalat ang make-up nito at ngayon may tumutulo pang laway sa pisngi nito. Kaya nga tama siya ng sinabi niya kanina wag ng haharap ito sa kanya. “f**k!”napamura niya. Sobrang nakakaturn-off ito para sa kanya. Wala man lang kapoise-poise sa katawan. “HOY BABAE!” niyog-yog niya pa ito ng malakas ng bumalik na ito sa pagkakaidlip. Mukha naman naalimpungatan ito at nagasing bigla. Mukhang gulat na gulat ito sa namulatan. “Asan ako?”nagtatakang tanong nito. “Nasa sasakyang ko lang naman, babae” sarcastic niyang sagot dito. Napalingon ito sa gawi niya at natulala ito. Mukhang ngayon lang ito nakakita ng lalaki kung makatingin, o parang ngayon lang ito nakakita ng tao. “Pakisara ang bibig mo, baka tumulo na ang laway mo”pang-aalaska niya pa dito. Itinikom naman nito ang bibig nito sabay punas dito. Nagulat pa itong nakita ang kamay na may bahid ng lipstick. “May salamin kaba diyan kuya?”tanong nito. “What the f**k, anong tingin mo sakin bakla na nagdadala ng salamin”galit niyang sagot. Nagpalinga-linga ito at nakita ang kanyang rear mirror at iyon ang ginawang salamin sa mukha. “Ahh!”sigaw nito kalaunan. Lalong nag-init ang ulo niya sa babaeng kasama ngayon. Ikaw ba naman isang oras na niyang hinihintay na magising tapos ngayon sisigaw pa sa loob ng sasakyan niya. “Bakit ka sumisigaw?”sigaw din niya. “Kuya ang pangit ko kasi”parang batang inagawan ng candy ito ngayon.“Asan po ba tayo kuya? May banyo ba dito?”tanong pa nito. Hindi na niya ito sinagot at lumabas na siya ng sasakyan niya. Sinenyasan nalang niya itong sumunod sa kanya. Pumasok lang sila sa Bar niya, noong una parang nag-alinlangan itong pumasok. Pero ng tignan niya ito agad naman ito sumunod sa kanya. Itinuro niya ang way papuntang banyo, at itinuro niya din dito kung saan siya nito pupuntahan. Na bigla niyang naisip kung bakit pa niya itinuro dito kung saan siya pupwesto samantalang okay lang naman sa kanya na hindi na ito makita pa. Nagderetso siya sa counter para umorder ng maiinomin. “Sir, mukhang bad trip ka ngayon?”tanong ng bartender niya. “Masama lang gising”pagdadahilan niya. Agad namang ibinigay nito sa kanya ang alak na inorder. Kabisado naman na siya ng mga tauhan niya dito. Nagpatuloy siya sa pag-inom habang nakatingin sa dance floor. Wala siya sa mood ngayon na makipag flirt o magsayaw man lang. Kaya naman nagstay lang siya sa kinauupuan at nagpatuloy sa pag-inom. Nawalan siya lalo ng gana ng dahil sa babaeng tinulungan niya. “Sir, another glass?” Tinanguan niya lang ito at nagpatuloy sa paanonood sa mga taong nag-eenjoy sa dance floor. Naka-limang baso na siya ng alak na iniinom ng may lumapit sa kanyang isang babae. Hindi niya sana ito papansinin dahil wala naman siya sa mood na makipagflirt sa mga babae. “KUYA!”sigaw na nito ng hindi pa niya pansinin. Naagaw ng atensyon niya ang pagtawag nito sa kanya ng KUYA. Nilingon niya ito at nakita niya ang isang inosenteng babaeng nakatingin sa kanya. Hindi naman ito kagandahan sa paningin niya pero may taglay itong karisma na maaakit kang lingunin ng paulit ulit. Madilim sa loob ng bar  isama pa ang patay sinding ilaw mula sa dance floor at sa stage ng DJ. Pero hindi iyon hadlang para hindi niya kilatisin ang babaeng nasa tabi niya. Matangos na ilong, maliit na hugis ng mukha, mapupungay na mga mata, at wag ka kulay blue ang mata nito. Maliit at mapula ang labi nito na mukhang walang lipstick na naka apply. Hindi mo din makikitaan na nakamake-up ito. Simple but elegant ang tingin niya dito. Shit!. Kung ano-ano na ang pumapasok na ideya sa isip niya na gagawin sa babaeng ito. “Kuya, pwedeng malaman nasaan tayo ngayon?”pahiway na tanong nito. Bigla siyang nakabalik sa reality sa narinig niyang tanong nito. Biglang naisip na ito ‘yong babaeng tinulungan niya kanina at mukhang maayos naman pala ang itsura nito kung tutuusin. “Sa Bar”sagot niya. Tatangu-tango itong inilibot ang tingin sa paligid nila, na akala mo naman ay hindi sanay sa lugar na ito. “Kuya, bakit tayo nandito?”muling tanong nito. Napakunot ang noo niya sa tanong nito. So turn his gaze to other direction. “Kuya, mauuna na akong umuwi ha”paalam nito bigla. Nagulat siya sa pagpapaalam nito maging ang madalas n pagtawag sa kanya nitong kuya. But he find it exciting, for him its new. Lahat ng babae nagkakandarapa na makasama siya. Prro ang isang ito nagpapaalam na uuwi na. Playing innocent. “Wait, tutal andito ka na din naman na, bakit di ka nalang magstay ng konti. Let’s have some drinks”binigyan niya ito ng killer smile niya. Kumurap-kurap ito sa kanya na mukhang affected ito sa ipinakita niyang ngiti. “Wala kasi akong…pera”hindi niya narining ang huling sinabi nito. “What?!”pahiyaw niyang tanong dito. Malakas na kasi ang tugtug sa loob kaya hindi na sila magkaintindihan na dalawa kahit pa magkatabi lang sila ng upuan na dalawa. “Wala akong pera”pahiyaw din na sagot nito sa kanya. Napataas ang kilay niya sa sagot nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Ngayon lang niya napansin na simple lang ang damit nitong suot pero desente naman kahit papaano. Hindi naman ito mukhang nagsisinungaling. Siguro nadukutan ito kanina nung wala sa katinuan niya. “Don’t worry, ako na bahala sayo. Jude one margarita for the lady”baling niya sa bartender. “Right away sir”sagot naman nito.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD