I Really Hate Him

2079 Words
“WHAT kind of work is this Miss Sandoval? Do you have any idea how important that deal? I can’t believe that AdTech Corporation is paying for a non efficient employee like you!” mariing napapikit na lamang si Kelly ng marinig niya ang madagundong na tinig ng kasalukuyang Presidente ng AdTech Corporation na si Limuel Anthony Villaroman. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na makapangatwiran sa boss niya dahil sigurado siyang hindi siya mananalo kahit ano pang paliwanag ang kaniyang gawin. Mas pinili na lamang niyang tiisin ang walang humpay na panenermon nito. Bukod doon ay alam niya sa kaniyang sarili na may pagkakamali din siya. Kaya naman sinikap niyang magpakahinahon gaya nang palagi niyang ginagawa sa tuwing bubulyawan siya nito. Hindi niya akalain na mawawala sa loob niyang ipaalala sa kaniyang boss ang pagbabago sa pakikipag-meeting nito sa general manager ng PhilInvest Corporation. Sa dami ng trabaho at paper works na inaasikaso niya, idagdag pa ang pagsasakit ng kaniyang ulo kaya naman natural siguro na maging makakalimutin siya. Pero hindi niya maaaring ikatwiran ang kaniyang nasasa-isip. Malamang na mas lalo pa siya nitong bulyawan kapag nagkataon. Sa halos araw araw na ginawa ng Diyos ay hindi lilipas ang maghapon na magagalit ito sa kanya. Minsan ay wala na sa lugar ang galit nito sa kaniya dahil kahit kaliit liitang bagay na magawa niya na hindi nito nagustuhan ay ikinakukulo ng dugo nito. Tulad na lamang ng minsang ipagtimpla niya ito ng kape. Magdadalawang linggo pa lang niya itong amo noon at bilang assistant c*m secretary ay ipinagtimpla niya ito ng kape. Inisip niya na magiging way iyon para maging maganda ang samahan nila ngunit kabaliktaran ang nangyari. Dahil sa halip na matuwa ito ay nagalit pa ito. Sinermunan siya nito ng bonggang bongga. Ang sabi pa nito ay huwag na huwag siyang gagawa ng hakbang na hindi naman nito ipinag-uutos dahil pag-aaksaya lamang daw iyon ng oras. Kaya naman magmula noon ay hindi niya ito ipinagtimpla ng kape. Kahit pa nakikita niya itong pagod na pagod ay tiniis niya ito. Isa pa pakiramdam niya ay parang may lihim itong galit sa kaniya. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na siya ang pinagbubuntunan nito ng galit buhat ng iwan ito ng kaniyang Ate Andrea. Six years ago, ipinakilala ito ng Ate Andrea niya sa kanilang pamilya bilang kasintahan ng mga ito. Sa pagkakantanda niya ay maayos ang relasyon ng dalawa hanggang sa bigla na lamang nakipagkalas ang Ate Andrea niya dito nang makakuha ito ng oportunidad na maging isang modelo sa ibang bansa. Wala na siyang naging balita pa sa binata dahil bigla na lamang itong naging missing in action. Naging abala rin naman siya sa kaniyang pagtatrabaho sa loob ng halos tatlong taon sa naturang kumpanya. Hanggang sa kumalat ang mga balita na nakabalik na ito mula sa pagmumukmok nito sa kung saan. Nagulat pa siya ng malaman niya na ito ang magiging boss niya kalahating taon na ang nakalilipas. At mula ng araw na ito ang maging boss niya ay palagi na lamang itong nakasigaw sa kaniya. Ni minsan hindi ito naging mahinahon sa tuwing siya ang kaharap. Ngunit pagdating sa iba ay maayos naman itong magsalita. Ang ikinaiinis niya ay kung bakit hindi effective sa damuhong amo niya ang tinatawag na ‘charm’ ni Angelou na taglay niya. Kahit sino kasi ang makausap niya ay nagiging tamed sa kaniya. Maliban na lamang sa amo niyang tila may sapak ang utak. Hindi naman niya in-expect na maging warm ang pakikitungo nito sa kanya. Dahil una sa lahat ay hindi naman sila naging close nito noon. Infact iniiwasan pa nga niya ang presensya nito. Pero kahit papaano ay naisip niyang maging civil ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Ngunit wala yata sa diksyunaryo nito ang mga katagang ‘civil’ at sa tingin niya ay iisa lamang ang salita sa utak nito iyon ay ang salitang ‘galit’. Dahil sa pakiwari niya ay galit ito sa mundo. Nagpatuloy ito sa panenermon sa kaniya. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao upang pigilan ang sarili na sagutin ito. Kung noon ay hinangaan niya ang guwapong pagmumukha nito ngayon ay hindi dahil anhin na lamang niya ay patikimin ito ng sapak mula sa kanyang kamao. “Ano na lang ang sasabihin ni Marco dito? Na ang pinagkatiwalaan niyang sekretarya at assistant ko ay puro kapalpakan lang ang alam na gawin! Na simpleng simpleng trabaho na lamang ang nakaatang sa iyo ay hindi mo pa nagawa ng maayos! Pasalamat ka at pinsan ka ni Jeniah dahil kung ako lamang ang masusunod ay matagal ka ng natanggal dito!” patuloy na litanya nito. Hindi na siya nakapagpigil ng sarili dahil hindi na niya nagustuhan ang sinabi nito. “Sir, naiintindihan ko kung bakit galit na galit kayo sa akin ngayon. Aminado ako na nagkamali ako ng hindi ko nagawang ipaalala sa inyo ang changes sa meeting niyo with PhilInvest Bank. Pero ang sabihing unefficient ako dahil lamang sa pagkakamaling ito ay hindi naman yata katanggap tanggap. Dahil hindi ako tinanggap dito ni Sir Marco nang dahil lang sa pinsan ko. Tinanggap ako ng kumpanya dahil sa credentials ko. At kahit tanungin mo pa silang lahat wala silang naging reklamo sa pagtatrabaho ko.” Sinikap niyang maging mababa ang kanyang boses kahit pa nga nais na niyang bulyawan ito. “Sana man lang ho tinanong ninyo muna ako kung bakit hindi ko nagawang sabihin sa inyo ang bagay na iyon.” “So what do you mean by that? Na ako lang ang nagagalit kahit hindi naman dapat magalit? Na ako pa na boss dito ang pabaya ganoon ba Miss Sandoval?” matigas na tungayaw nito sa kaniya. “That’s not my point Sir! Ang sa akin lang hindi ba karapat-dapat na bigyan ako ng second chance? At isa pa, naisip niyo rin ba na partly, may kasalanan din kayo dahil hindi ko kayo matagpuan ng mga panahon na dapat kong ipaalala ang mga appointment niyo!” dahil nambababae kayo sa kung saan saan! Ngali-ngaling idugtong niya ang mga katagang iyon ngunit nagpigil siya. Mahirap na baka tuluyan siyang mawalan ng trabaho. Mukhang lalo itong nagalit sa kaniya. “Pinalalabas mo ba na ako ang may kasalanan?” naniningkit ang mga mata nitong may kasingkitan na. Ang pisngi nito ay namumula na dahil sa galit. Ngunit wala pa rin itong karapatang bungangaan siya ng ganoon. “Hindi ako ang may sabi niyan Sir kundi kayo.” Hindi na niya napigilan na parungitan ito. “Aba’t…!” nag-igtingan ang mga litid nito sa leeg. “Get out of my office now!” ma-awtoridad na utos nito. Sinalubong niya ang galit na galit na mga mata nito. Tila ba anumang oras ay maglalabas ng apoy ang mga mata nito sa tindi ng galit. Ngunit hindi siya dapat magpatalo dito. May ilang sandali rin siyang nakipagsukatan ng tingin ngunit siya rin ang hindi nakatagal. Nagngingitngit ang kaloobang lumabas na siya ng opisina nito. Kailan ba matatapos ang delubyong dinaranas niya sa piling nito? Kung hindi lamang niya kailangan ng trabaho ay malamang na matagal na siyang nag-resign. Ngunit hindi siya susuko dahil lamang sa gaspang ng pag-uugali nito. Sa loob ng ilang taong pagtatrabaho niya sa kumpanya ay hindi pa siya pumalpak dahil maayos ang lahat ng gawa niya. Ngayon lang! Almost three years ago, her friend Angelou suggested her to send an application form in the company. Medyo hesitant siya ng mga panahong iyon dahil alam niya ang storya sa pagitan ng may-ari niyon at nang kaniyang pinakamamahal na pinsan. Natatakot siya na i-reject siya kung saka-sakaling mag-apply siya. Ngunit sadyang mapilit ang kaniyang kaibigan. Kailangan di-umano ng kumpanya ang taglay niyang talino. She was an info-tech graduate with flying colors. Masasayang lamang daw ang talino niya kung sa iba siya mag-a-apply. So she followed her suggestion. And to her surprise, pinsan pala nito ang nagmamay-ari ng naturang kumpanya. Sa umpisa ay naging hesitant siya dahil ayaw niyang isipin ng iba na naroon siya dahil sa impluwensya ng kaniyang kaibigan. Ngunit hindi na siya pinakawalan pa ng kumpanya. Mabilis na tinanggap siya ni Marco dahil sa takot daw nito na maunahan ito ng iba. AdTech company was all about high quality technology that they could possibly offer. Mula sa mga dekalidad na hi-tech gadgets hanggang sa mga pinagkakatiwalaang software na tanging ang kumpanya lamang ang makakagawa. Kaya naman mas lalo siyang na-motivate na magtrabaho ng maigi. In fact she was the best employee for two consecutive years. Pero nakatakda yata iyong masira dahil lamang sa damuhong boss niya. Panay ang paglilitanya niya habang naglalakad siya pabalik sa table niya. “Buwisit ka talaga Limuel Anthony! Akala mo kung sino ka!” gigil na gigil na wika niya. “Akala mong ke galing galing palpak din naman! Kung talagang magaling siyang presidente hindi sana magkakaganito ang lahat! Kasalanan ko bang mas inuna pa niya ang pakikipaglandian sa ibang babae bago ang responsibilidad niya! Hindi ko rin naman kasalanan na magkasakit ako dahil bawal ang salitang ‘pahinga’ sa kumpanyang ito.” pagpapatuloy niya. Pinipigilan niya ang maluha dahil alam niyang tanda iyon ng kaniyang pagkatalo. Muling napasulyap siya sa pinto ng private office ni Limuel, para bang nais niyang pagsisipain iyon sa sobrang galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ngunit pingilan niya ang kaniyang sarili. Siya lamang ang magmumukhang katawa-tawa kapag pinairal niya ang pagiging amasona niya. Isa isang dinampot niya ang kanyang mga gamit. Kailangan niyang lumabas muna upang makasagap ng preskong hangin. Dahil kung mananatili pa siya doon ng kahit isang minuto ay malamang na atakihin na siya sa puso dahil sa kunsumisyon niya sa amo niyang ubod ng sama ng ugali. Papalabas na siya ng opisina ng makasalubong niya ang CEO at siyang may-ari ng kumpanya. Si Marco Aristotle Advincula. Mabilis na yumukod siya upang magbigay galang dito. Sinaway siya nito sa kaniyang pagyukod. “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo Kelly na hindi mo na kailangan yumukod?” natatawang sita nito. Napakamot siya sa kaniyang ilong. “Pasensya na ho Sir Marco, nakasanayan ko na ho kasi. Alam niyo naman na frustrated koreana ako.” Nahihiya ngunit pabirong paliwanag niya. Ngumiti lamang ito. “Okay next time huwag mo na lang ulit gagawin iyon at baka kastiguhin ako ng Ate Jeniah mo. Alam mo naman yung pinsan mo na iyon.” Nagniningning ang mga matang wika nito. Natawa siya sa sinabi nito. “Yes Sir tatandaan ko po.” Natatawang wika niya. Mababakas ang labis na kaligayahan sa mga mata nito sa pagkakabanggit sa pangalan ng Ate Jeniah niya. Hindi maipagkakaila na mahal na mahal nito ang kaniyang pinsan. Ako kaya kailan ko matatagpuan ang lalaking pinapangarap ko? Tanong ng isang bahagi ng kaniyang isip. Biglang lumipad ang isip niya sa pagde-daydream sa isa sa mga boss ng AdTech na si Brenan Soriaga. Unang kita pa lamang niya sa lalaki ay talagang literal na nalaglag ang panga niya. Isang katerbang charm ang taglay nito sa katawan. Isang ngiti pa lamang nito ay hindi na makatatanggi ang babaeng liligawan nito. May hawig kasi ang binata sa isa sa mga papasikat ng guwapong artista. “Anyway nasaan nga pala si Limuel?” ang tanong na iyon ang nagpabalik sa kaniya sa realidad. Umasim ang mukha niya sa pagkakarinig sa pangalan ng beast niyang amo. “Naroon po sa kuweba niya este private office niya.” hindi niya napagilan ang iritasyon sa kaniyang boses. “Mukhang inaway ka na naman ng isang iyon. Sinumpong na naman ba siya ng sakit niya?” may kapilyuhang tanong nito. Hindi niya maiwasan ang matawa sa sinabi nito. “Napapadalas nga po ang sumpong ng sakit niya. Hindi niyo yata natuturukan ng regular.” Pagsakay niya sa biro nito. He chuckled. “Natakasan niya kasi ako. Kaya naman ako na ang nagpunta dito para turukan siya.” napasulyap ito sa dala dala niyang gamit. “O siya sige naabala ko pa yata ang pag-alis mo. Tama iyan, magpahangin ka muna sa labas. Para kasing anumang oras ay magpapass out ka na. Ako na ang bahala sa boss mo.” Kumindat pa ito bago naglakad patungo sa opisina ng boss niya. Naiiling na simundan na lamang niya ito ng tingin habang naglalakad ito sa opisina ng pinsan nitong may baltik. Mabilis na naglakad na siya papalabas ng office. Mahirap na baka maabutan pa siya ng boss niya magkaroon pa ng giyera patani sa kumpanyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD