Chapter 2

1288 Words
“Niccolo Madrigal, senior marketing student. Nineteen years old, from Dasma Heights. Heir of Manolo Madrigal. Kababalik lang ng pamilya from US.” Ito ang dire-diretso na report ni Julius sa akin. Ini-re-report niya ang bagong transferee na pinagkakaguluhan ngayon sa unibersidad. Napaisip ako sa apelyido na Madrigal. Pamilyar pero malay ko ba dahil marami naman Madrigal sa mundo. Isa rin ang mga Madrigal sa pinakamayaman dito sa bansa. Konektado kaya siya sa mga kilalang Madrigal ng aming pamilya? “Queen A, he’s so hot!” Kinikilig-kilig naman na singit ni Audrey. “Grabe girl, as in, puwedeng-puwede na maging bagong miyembro ng Elitista.” “Sorry to burst your bubble, Auds, tumanggi na. Sinubukan na namin ni Julius kaso ayaw. Wala raw siya na balak makigrupo dahil pangalan pa lang daw ay parang hindi na maganda.” Dugtong na sumbong naman ni Jake, na ikinataas ng kilay ko. Aba, kabago-bago mayabang at palaban na ang dating! “At isa pa, A, ito ang hindi mo pinaka magugustuhan?” Makahulugan na dagdag pa ni Julius na lalo nang nagpasalubong ng kilay ko. “What is it?” naiinis na sagot ko. “He is friends with your favorite pet, Krishna Lopez.” Nagpanting agad ang tainga ko nang marinig ko ‘yon. "Ano si Krishna? Bakit niya naging kaibigan si Krishna?” “Verified report, A.” Ito naman ang nagmamadali na sagot ni Princess na kadarating lang, “I just saw them together sa cafeteria on my way here.” Kaya pala malakas na ang loob ng Krishna na ‘yan. Talagang sinusubukan niya ako. Ano ang akala niya, porke't may kakampi na siya ay titigilan ko siya? Puwes, nagkakamali siya dahil lalo lamang niya ako na ginagalit. At kung sino man ang kumampi sa kanya ay makakatikim din ng galit ko! “What’s his schedule? Marketing siya, so any same class with us, Jake? Bakit hindi ko pa siya nakikita?” Kailangan ko na alamin kung sino ang lalaki na ito na kumakaibigan kay Krishna. Hindi maaari na masira ang plano ko ng dahil lang sa kanya. “Hindi pa siya actually pumapasok sa mga klase. Nasa induction pa siya with dean para sa mga ilang extra-curricular activities na binigay sa kanya para makahabol siya dahil nga late enrollee.” Hmm, so malaki ang tsansa na maging kaklase namin siya ni Jake. Mas magiging madali kung may parehas kami na klase dahil kailangan ko na masiguro na hindi niya kakaibiganin si Krishna. Dapat mag-isa lang si Krishna, wala siya dapat na maging kaibigan. “Here’s the pic, A. In fairness, ang guwapo at ang hot talaga.” Abot ni Audrey sa akin ng cellphone kung saan may litrato ng tinutukoy nila na Niccolo. Nakangiti siya sa litrato at kitang-kita ang dimple sa magkabilang pisngi. In fairness, guwapo nga talaga. He just caught my attention. “I like him. We have to get him to join us.” “Ouch, babe. You’re hurting me. Harap-harapan talaga?!” Pang-aasar pa ni Jake. Mag best friend kami ni Jake at kahit madalas siya na nagpapalipad-hangin sa akin ay hindi ko pinapansin. Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya kung hindi nasanay na ako sa mga parinig niya na hindi ko alam kung seryoso ba o hindi. “Shut-up, babe. I have set my eyes on a new conquest.” Tinaas-baba ko pa ang kilay ko. “Oh! I know why, A. Siyempre we have to make Krishna’s life miserable kaya dapat natin agawin ang lalaki na ‘yan sa kanya.” “So smart, Auds! And we have to move and act fast. Ayaw ko na masyado na maging masaya ang pet ko.” “Don’t worry, babe. Hinding-hindi siya magiging masaya, as long as nandito tayo.” “Tara na, we'll be late for class.” yaya ko sa kanila. Well yes, we are bullies but we see to it that we are still on top of our classes. In this way, hindi kami masyado na pag-iinitan ng mga professors. Though, as if naman kaya nila kami. Tumayo na kami at naglakad sa hallway papunta sa kabila na building nang mahagip ng mga mata ko ang naglalakad na makakasalubong namin. Niccolo Madrigal at Krishna Lopez. Malayo pa lang ako ay kitang-kita ko na ang ngiti ni Krishna, at hindi ko iyon nagustuhan. Huminto ako sa paglalakad kung kaya’t nagsihintuan din ang mga kagrupo ko. Hinintay ko na magkaharap kami ng babae na kinamumuhian ko. Lalo ako na naiirita dahil masaya siya. Masaya siya dahil may kaibigan siya. Nang makakasalubong na niya kami ay nakita ko ang pagkawala ng ngiti ni Krishna at napalitan ito ng pagkagulat at takot. Napatingin sa amin ang lalaki na kasama niya, si Niccolo. Humarang ako sa harap nila na ikinagulat ng lalaki. “You seem happy this past few days, Krishna!” nakangiti na sabi ko. Agad naman siya na yumuko at hindi nagsalita. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng lalaki na kasama niya. “What did I tell you 'pag kinakausap kita?” Hinawakan ko siya sa baba at itinaas ang mukha upang makita ang mga mata niya. “Hey, what are you doing?” Pagpigil sa akin ng lalaki. Inilipat ko ang tingin ko sa kanya sabay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. “We haven’t been properly introduced, Mr. Niccolo Madrigal.” Bakas ang pagkagulat niya nang banggitin ko ang pangalan niya. “I am Alyana Dominguez, and they are my friends.” Sabay turo ko sa mga miyembro ng Elitista sa aking likuran. “Ah, ang mga elitist?!” sagot naman niya kaagad na nakataas ang kilay sa akin. “Yes. And I believed you have been invited already by my friends to join –" “Sorry, miss. Not interested! Lalo na sa tingin ko para kayong masyado na mapang-mataas.” Nanlaki ang mata ko nang putulin niya ang sinasabi ko para lang sabihin niya na ayaw niya na sumali sa grupo namin. “What did you just say?” Inis na sabi ko habang tinulak siya sa dibdib. Sarkastiko naman siya na ngumiti sa akin na lalo na ikinagalit ko. “And that’s what I’m talking about.” sagot niya sa akin sa pagmamayabang na tono. “Hey, Madrigal, baka hindi mo kilala ang pinagsasalitaan mo.” Galit na sagot ni Jake na lumapit na rin kay Niccolo Madrigal. “Don’t worry, kilalang-kilala ko na kayo. In fact, no need for introductions. Alam na alam ko na kung paano kayo maghari-harian dito.” “Shut-up!” sigaw ko. Dahil sa malakas na boses ko na ‘yon maraming estudyante ang nagsipagtigil sa paglalakad at nagmiron na sa nangyayari na kaguluhan. Kitang-kita ko ang pagkainis sa mga mukha ng kaibigan ko, habang si Krishna naman ay gulat na gulat sa mga nangyayari. “If you even think, Krishna, that you can get away from me, well nagkakamali ka. And if you think na makakaligtas ka because of this boy, mas lalo ka na nagkakamali! You can’t get away, Krishna Lopez!” Kitang-kita ko ang pamumula ng mata ni Krishna na halata ang pinipigilan na pag-iyak. Nagpapaawa na naman ang bruha pero hindi ako madadala sa mga arte niya na ‘yan! “And you, Niccolo Madrigal, go ahead and play the hero role, but you can’t stop us! You can’t stop me! And you’ve just become my number one enemy. At kung ako sa’yo, better be prepared, because I don’t like losing to losers like you two!” Pagkasabi no’n ay lumakad ako sa gitna nilang dalawa at binangga sila sa balikat. Nagsisunuran naman sa akin ang iba pa na miyembro ng Elitista. Niccolo Madrigal, hindi ako makakapayag na ikaw ang magliligtas kay Krishna. You just wait and see!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD