Chapter 3

1160 Words
“This is so nice of you, Ms. Dominguez. Thank you for volunteering.” Ito ang nakangiti na bati sa akin ng dean namin sa kolehiyo. "Of course, Dean Santos, you know you can always depend on us. We’re always willing to help, lalo na that this will be our last year and we wanted to leave a legacy here in Elite High.” Nakita ko ang sarkastiko na pagngiti sabay taas ng kilay ni Niccolo sa mga sinabi ko. Kung kaya’t pinipigilan ko ang sarili ko na magmaldita ngayon lalo na at kaharap namin si dean. “Very well said, Alyana.” Ngiting-ngiti pa rin siya sa akin saka humarap kay Niccolo, “Mr. Madrigal, I’m sure you’ve met Alyana. Isa siya sa pinakakilala rito sa unibersidad at siya ang magiging guide mo rito sa Elite High habang nasa transition ka pa. It’s a good thing na pareho kayo ng kurso kaya lalong magiging madali ang lahat." “Uhm, dean, I’m okay. Nakausap ko na rin po si Ms. Krishna Lopez, and willing naman siya na maging guide ko.” sagot naman ni Niccolo na halatang ayaw talaga na ako ang maging kasama niya. Krishna? Si Krishna na naman! Lalo lamang umiinit ang ulo ko at napapasok pa sa eksena ang Krishna na ‘yan. “Dean, it’s a bit disappointing, but I truly understand na ayaw ako makasama ni Mr. Madrigal. I thought I can help since mukhang busy si Krishna sa departamento nila. But it’s okay, dean. I understand.” Kunyari na pag-arte ko pa. Hindi ako makakapayag na tatanggihan ako ng Niccolo na ito. Wala pa na tumatanggi sa akin. I-pinout ko pa ang labi ko para kunyari na palabasin na nagtatampo ako sa pagtanggi na ’yon ni Niccolo. “Ah no, Alyana. You can proceed with being the guide of Niccolo. I know your parents will be very proud that you are helping your schoolmates.” Pagtango-tango pa ni dean saka tumingin kay Niccolo. “Are you sure, dean? Let’s not force Niccolo kung ayaw niya. Sir, I totally understand. He might be intimidated by me because of my popularity kaya ayaw niya. So, okay lang talaga, sir.” Titig na titig ako kay Niccolo habang sinasabi ‘yon. Bumuntong-hiniga si dean saka muli na nagsalita, “Niccolo, Alyana will be your guide. I’m deciding on this. Although I appreciate Krishna’s offer, pero it is better na si Alyana na lamang tutal magkapareho ang mga klase ninyo. Mas magiging madali para sa inyong dalawa. Okay?” Pagpipilit pa niya, kung kaya’t wala nang nagawa si Niccolo kung hindi ang tumango na lamang bilang pagsangayon. “Ok thanks, dean. I'll go ahead now. Kunin ko na lang kay ate secretary ang schedules.” Nagmamadali ako na nagpaalam at lumabas papunta sa sekretarya ni dean para hingin ang guide schedules na kailangan para kay Niccolo. “Ms. Trinity, I need the schedules.” nakangising bungad ko rito. “Oh, ito na. Nanalo ka na naman. Nakuha mo na naman ang gusto mo. Ikaw talaga na bata ka, oh.” Kunyaring panenermon pa niya. “Ms. T, you know naman, I like helping others, diba?” “Yeah right! Duh!” Napalingon ako sa boses na ‘yon ni Niccolo na nakalabas na pala ng opisina ni dean. Tinaasan ko siya ng kilay at sarkastiko na ngumiti sa kanya. “Thanks, Ms. T! Una na ko, tata!” Masayang pagpapaalam ko pa saka tuluyan na lumabas ng opisina. Nagmamadali ako na maglakad papunta sa tambayan namin ng Elitista ng may bigla na humatak sa braso ko. Nagulat ako at nang lingunin ko ay nakita ko ang salubong na kilay ni Niccolo. “What’s your plan, huh?” nanggigigil na tanong niya sa akin. “Oh, galit ka na agad? Wala pa nga akong ginagawa sa inyo?” Pang-iinis ko pa sa kanya. Halata ang pigil na galit niya sa akin. Pilit ako na kumawala sa pagkakahawak niya sabay itinulak ko siya sa dibdib niya. “Stay away from Krishna!” “At sino ka para utusan ako?! Ikaw ang lumayo kay Krishna!” sagot ko sa kanya. “Spoiled brat! Ano ba ang nakukuha ninyo sa pambu-bully, ha? Inaano ka ba ni Krishna at galit na galit ka sa kanya?” “None of your business. ‘Wag ka nga makialam sa bagay na hindi ka kasali.” “Malamang naiinggit ka kay Krishna kaya ka galit na galit sa kanya. Kaya mo siya pinag-iinitan dahil hindi mo matanggap na marami ang sumusuporta sa kanya rito. Hindi mo matanggap na oo, sikat nga kayo ng mga kagrupo mo, pero sikat lang kayo dahil sa mga walang kuwenta na pinaggagagawa ninyo at pambu-bully ninyo sa kapwa ninyo estudyante rito.” Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Talaga ba na kinukumpara niya ako sa Krishna na ‘yon? Sino siya para pagsalitaan ako ng ganyan? Wala siyang karapatan dahil hindi niya ako kilala. Itinulak ko siya sa dibdib niya, nagpupuyos ako sa galit. “You listen here Niccolo, you don’t know anything, kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan.” “Oo, maaring hindi kita kilala at wala akong alam tungkol sa’yo pero sapat na ang nalalaman ko para malaman ko ang kasamaan ng ugali mo at nang tinatawag mo na mga kaibigan. Lahat kayo riyan sa grupo ninyo na Elitista ay mga bully. Kaya tamang-tama ang pangalan na naisip niyo.” Tinitigan niya pa ako sa mata na parang binabasa ang mga emosyon ko. Pero sa oras na ito, isang emosyon lang ang nararamdaman ko, galit. Galit na galit ako sa kanya at lalong-lalo na kay Krishna. “Wala kang alam kaya manahimik ka! This is between me and Krishna, so stay away.” “No, the moment you hurt my friend, I became involved.” matapang na sagot pa niya sa akin. “I am not afraid of you, Alyana! Kahit magsama-sama pa kayo ng mga kagrupo mo wala akong pakialam.” Nagkibit-balikat naman ako at sarkastiko na tumawa, “Friend, she’s your friend, huh? Fine! Don’t say I didn’t warn you. Ayaw na sana kita na idamay pa but you’re provoking me.” “I am provoking you? Ikaw, kayo ng grupo mo ang nag-uumpisa ng gulo rito. And let me tell you, while I’m here, I will see to it that you don’t bully anyone. Sisiguraduhin ko na wala na kayo na mabibiktima pa. Lalo na si Krishna.” “Then do your best, Niccolo! Galingan mo ang pagiging bantay mo dahil you’re definitely on my hit list now, Madrigal.” Itinulak ko pa siya sa dibdib ng malakas kaya napaatras siya saka ko siya tinalikuran at nagmamadali na maglakad papunta sa tambayan namin. Krishna Lopez, nakahanap ka ng kakampi. Pero sisiguraduhin ko sa’yo na walang magiging silbi ang kakampi mo. Hindi ka magiging masaya habang nandito ka sa teritoryo ko. Habang nandito tayong dalawa sa Elite High, ako pa rin ang mananalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD