CHAPTER 19
( Woke up late )
Pagkatapos ay natulog na din siya sa kanyang kama.
It's already 8 o' clock in the morning peru hindi padin ma kontak ni Carl ang kanilang boss na si Derrick. "This is the first time na hindi nag sabi ng advance si sir kung may nangyari ba at hindi ba siya makakapasok sa office." wika ni carl sa kanyang isipan at napapa iling kung ano ba ang nangyari.
Madami nadin siyang messages at patuloy pang nag iiwan ng panibago at baka sakaling mabasa na ito ni Derrick.
"Sir carl, hindi ho ba papasok si sir Villorente today? may ipipresent na sana ko sa kanya ngayon e!" tanong ni Mina habang hawak hawak ang papers na ipapakita nito sa boss nila.
"Kailangan ba na siya? kasi wala pa akong makuhang sagot sa CEO natin e." problemadong tugon ni Carl. "Ahm how about si Ms Krish, hindi rin po ba siya papasok sir? pwedi sana yun sa kanya e!" dugtong pa ni Mina. Nag kibit balikat na lamang itong si Carl bilang tugon kay Ramina.
"Ganun po ba, sige sir hingi nalang po ako ng update sa inyo kung kelan andito si sir okay lang po ba sa inyo?" tanong ni Mina.
"Yeah sure!" carl answered.
Tumingin na lamang si carl sa buong office at pasalamat na nga lang siya at mga disiplinado itong mga empleyado nila kaya kahit wala ang boss nila ay maayos na nag tatrabaho ang bawat isa.
"Ramina!" tinawag niya naman ito kahit kakaupo pala lamang. "Yes po sir carl?" agad tumayo si mina.
"Ikaw na muna ang bahala dito please, aalis lang muna ako saglit lang okay?" bilin ni Carl at tumango naman itong si mina.
"What the h*ck, sino ba yan? ang aga aga naman!" naka pikit at naiiritang sambit ni Krisha. Nagising lang kasi siya dahil sa ingay ng door bell. Mahapdi man ang mga mata niya ay pinilit niya itong idilat at bumangon nadin.
"Ay pusang gala!!" bulalas ni Krisha ng makita ang nakahiga sa tabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" gulat na muka ni Krisha sabay mabilis na bumaba sa kama.
"Teka, san moko gustong matulog.. sa sahig?" ani Derrick kahit naka pikit pa ang mga mata nito.
"Hindi ba nasa ano ka--- " hindi natapos na salita niya habang naka turo sa kanyang cabinet.
"Sandali, may nangyari ba ka--- " tanong niya dahil yun bigla ang naramdaman niya.
"Ms. krish anjan ka ba sa loob?" hindi na napigilan ni carl na tawagin si Krisha. "Wala bang tao sa loob? kanina pa ko nagdo doorbell dito e." tanong ni Carl sa kanyang sarili. Hindi ito napapansin ng dalawa sa loob.
"Hindi mo na naman ba naalala?" salita ni derrick at sumandal na pader ng higaan. "What do you mean NA NAMAN? ano-- ano nga kasi ang nangyari?" kunot noong tanong ni Krisha.
------ -------- ------- ------- --------- ------- --------
( "Why, why are you doing this? you already have family! we're here dad!" unti unting nagigising si Derrick dahil sa ingay na ito ni Krisha. Napapahawak pa siya sa kanyang batok dahil na ngalay sa pagkaka sandal niya sa pader sa malawak na cabinet ni Krisha. Pagkatapos ay nilapitan niya ang natutulog na si Krisha dahil patuloy itong nag sasalita at umiiyak.
Totoo ang kanyang mga luha na dahan dahan namang pinupunas ni Derrick. "Bakit kaya lagi niyang binabanggit ang kanyang daddy? this was different from what she kept saying before!" mga tanong ni Derrick sa kanyang sarili habang marahang hinahaplos sa ulo si Krisha.
"Shhhh, tahan na.. " paulit ulit na bigkas niya habang binabantayan niya ito. "Hey, okay ka lang ba?" agad na tanong ni Derrick nang makita ang pag dilat ng mga mata ni Krisha. Wala itong kibo, walang expresyon ang mukha, hindi rin nag sasalita kahit kinakausap siya ni Derrick.
Makalipas ang ilang segundo ay bumakas ang takot sa mukha ni Krisha - Please, don't leave me!" biglang lumabas sa bibig nito sabay yakap kay Derrick habang umiiyak.
"Ano ba tung nangyayari sa kanya? I don't understand!" Derrick was so confused, hindi niya din alam ano ang gagawin kay Krisha maliban sa samahan at banatayan ito. Padami ng padami ang pumapasok sa utak niya at hindi na niya namalayang nakatulog ng muli itong si Krisha habang mahigpit na naka yakap sa kanya.
"Maliban sa pag papainom ng gamot, pwedi rin pala siyang kumalma sa ganitong paraan." his voice within. Paulit ulit niya lang hina haplos ang buhok ni Krisha hanggang sa siya ay naka tulog na rin. ) ito ang laman sa alaala ni Derrick tungkol sa nangyari ngunit mas pinili niyang hindi sabihin kay Krisha.
"Ano tameme?" naiinip na boses ni Krisha.
"Wala pareho lang tayong nakatulog! Kaya ako nandito sa kama mo kasi, hindi ako komportable dun nu, ang sakit kaya ng likod ko!" pag sisinungaling ni Derrick.
Napa irap nalang itong si Krisha at hindi sinasadyang mahagip ng kanyang paningin ang kanyang orasan. "O my sh*t! it's 10 am?" nag lalakihang mga mata ni Krisha, laking gulat niya ng makita ang oras. "Hays ano ba yan, pinuyat mo kasi ako e kasalanan mo tu e!" pang aasar pa ni Derrick.
"Pano na yan sa office?" di mapakaling boses ni krisha. "Teka, yung nag doorbell----- " saka lang napag tanto ni Krisha na kanina pa, ay may nag doorbell. Dali dali siyang nag tungo sa may pintuan at sinilip kung may tao padin sa labas. "Sino kaya yun?" aniya sabay binuksan ang pinto nang makitang wala ng tao sa labas ng pintuan niya. Bumalik din agad siya sa loob at chineck ang CCTV. "Shocksss, sir Carl!" napa takip siya sa bibig niya, Carl is in the garage.
"Huwag ka na mag alala jan, ako na bahala." Derrick said. Agad binuksan ni Derrick ang kanyang phone at ganon din Krisha. "Hays ano ba naman yan!!" reklamo ni Krisha dahil lowbat na pala itong phone niya kaya pala tahimik lang ito, kahit ang alarm niya ay di tumunog.
"Himala, walang nakaka iritang Irish ngayon!" nasa isip ni Derrick nang mabuksan ang phone niyang tanging "Good morning" lang ang message nito sa kanya. Tadtad naman ng messages at missed calls galing kay Carl kaya't tinawagan niya na mismo ito.
He explains everything at ibinilin na lamang ang mga dapat gawin. Malaki itong problema at madami pang magiging problema pag nagkataon.
"Kuya, andito kanina sa bahay sina ate Irish at yung parents niya inantay ka. Punta ka daw sa Bahay nila bukas after mo sa work" Derrick's younger brother's message na hindi niya na nireplyan.
"Don't worry, okay na sa office." he said to krisha sabay isinuksok ang cellphone sa kanyang bulsa. "Maligo ka nalang muna!" utos ni Derrick na parang nobyo siya ni Krisha. Hindi na naiwasang mapa tingin ng masama ni Krisha at nag salubong pa ang mga kilay nito.
"Oww, I mean ahm okay naman na lahat, pwedi kanang mag pahinga. You know.. take a bath ganun!" paliwanag pa niya para depensahan ang sinabi niya. Hindi padin tumigil ang matalim na titig ni Krisha kay Derrick na punong puno ng pag hihinala.
"I know what you're thinking, don't worry I won't bother you!" pangungumbinsi niya pa. "Make sure I won't see your face bago ko lumabas ng banyo!" mapaklang paalala ni Krisha saka pumasok ng cr para maligo na.
( Krisha )
"Hayst, ano ba naman yan krisha! Ano ba tung pinag gagagawa mo!
"Patuloy kalang bang mag papadala at magpapa uto sa lalaking yun?
"Alam mo naman na mali yang ginagawa niyo, may girlfriend na yung tao!" mga tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko maatim ang kalokohang ginagawa ko, I don't know why hindi ko talaga siya ma hindi-an. Para kong nahi hypnotized sa mga sinasabi at ginagawa niya sa akin. "Peru gustong gusto ko din naman, hay nako self please gumising ka nga!" saway ko sa aking sarili at paulit ulit binabagok yung ulo ko.