Masakit ang aking ulo at hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang hilong aking nararamdaman. Natigilan akong saglit ng maramdaman ko ang sakit ng aking katawan. Sanay akong uminom pero kagabi ang unang beses na nagpakalunod ako sa mamahaling alak. Iyon na rin nga yata ang una at huli. Hindi ko alam kung may susunod pa bang pagkakataon na makatikim ako ng ganoong klaseng alak. Gayong makakatikim lang naman ako kung bibili ako. Bagay na hindi ko gagawin, ang mag-aksaya ng pera para lang sa alak.
Napaungol ako ng maramdaman ang init ng araw na tumatama sa aking balat. Pilit kung iminulat ang aking mga mata para masilayan kung anong oras na ba? Kahit nahihilo at halos nasusuka ako ay nakaya ko namang imulat ang aking mga mata. Alas otso ng umaga, ayon sa orasang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kinahihigaan kong kama. Mahaba pa ang oras. Alas onse ng umaga ang kasal nina Matteo at Eloira. Mahaba pa ang oras ko para makapagpahinga.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata. At niyakap ang unan na nasa aking tabi. Ngunit kaagad rin akong natigilan ng matigas iyon. Inilakbay ko ang aking kamay sa kanyang kabuoan. Hanggang sa mapagtanto kong hindi unan ang aking niyayakap kundi katawan. Magandang katawan ng isang lalaki.
Napalunok ako sa takot. Hindi ako ang tipo ng babaeng nakikipag-one night stand. Pero sa lagay na iyon, parang nagawa ko na nga ang bagay na hindi ko akalaing magagawa ko. Dahil nararamdaman ko ang pananakit ng aking katawan. Lalo na ang pananakit ng aking gitna.
Mabilis kung binawi ang kamay kong nakayakap sa lalaking estranghero, at naitampal ko na lang sa aking noo. Ang akala kong panaginip ay totoo pala. Kaya pala ramdam ko ang pagkapunit ng balat sa loob ng aking gitnang bahagi ay dahil sa totoo ang lahat. Hindi panaginip tulad ng aking iniisip dahil sa labis na kalasingan.
Pilit kong nililinaw ang aking isipan. Hindi maaaring ngayong araw na ito pa ako magkalat. Ayaw kong may masabing masama si Matteo. Hanggang sa nagawa kong imulat ang aking mga mata para malaman kung ano ang itsura ng lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili.
Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng mapagtanto ang lalaking nasa aking tabi.
"M-Matteo!" Sigaw ko na dahilan kung bakit siya nagising.
Kita ko ang gulat at pagkabalisa sa kanyang mukha. Ngunit ang pinakamasakit ay ang mga titig na mapang-uyam. Bakit parang kasalanan ko ang lahat? Alam kong wala akong mali. Dahil silid ko ang kinalalagyan namin. Tahimik lang akong natutulog kagabi. Pero bakit siya narito sa silid ko? Kasama ko, walang saplot at alam kong may nangyari sa aming dalawa na hindi dapat mangyari.
"What are you doing in my room?" Halos dumagundong ang kanyang boses. May diin at pasigaw. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha sa gulat sa kanya. Nakita ko ang pagpasada niya sa aming kabuoan. Nakita ko ang pandidiri sa kanyang mga mata.
"Ganyan ka na bang kadespirado para agawin ako sa kaibigan mo? At talagang sa dinami-rami ng mga araw ay sa gabi pa bago ang aming kasal mo itinuloy ang masama mong plano!" Pasinghal niyang saad. Wala akong alam sa ibinibintang niya. Ngunit wala akong maibulalas na salita. Ako man ay naguguluhan kung paano nangyari ang lahat.
"Pagsisisihan mo ang pangyayaring ito Raselle, oras na malaman ito ni Eloira. Lalo na kung itong maitim mong balak ang magiging dahilan para hindi matuloy ang kasal ko sa kanya. Alam mong mahal ko si Eloira. Mali ako na hinayaan kong maging mabait sa iyo. Nagkamali ako. Pinagsisisihan ko ang pagkakataong, akala ko ay may pag-asa pa kayong magkaayos na magkaibigan." Galit na galit niyang sigaw sa akin. Pero hindi pa yata kayang alisin ni Matteo ang galit niya sa pamamagitan ng pagsigaw. Bigla niya akong itinulak dahilan para mahulog ako sa kama.
Ganoon na lang ang aking gulat ng sa aking pagkahulog ay tumama ang ulo sa bedside table. Tapos nakarinig ako ng malakas na sigaw.
"Matteo!"
Sa nanlalabo kong paningin dahil sa mga luha ay doon ko lang napansin ang apat na tao na nasa loob ng silid na iyon. Maliban sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok. At hindi ko rin alam kung gaano na sila katagal doon habang tulog ako.
Ang isang lalaki ay mabilis na sinugod si Matteo at inundayan ng suntok. Dahilan para mapasalampak ito sa sahig.
May babaeng lumapit sa akin para maalalayan ako. Binalot niya ng kumot ang hubad kong katawan. Nakita ko naman si Matteo na inabot ang unang nakapatong sa kama para itakip sa kanyang kahubaran. Hanggang sa may naghagis ng boxer shorts kay Matteo at iyon ang kanyang isinuot sa harap naming lahat ng hindi ko man lang nakitaan na nahihiya ito. Bagkus ay galit na galit na mata na nakatingin sa akin ang aking nasilayan.
Naagaw ng babaeng lumapit sa akin ang aking atensyon ng magsalita ito. "Ayos ka lang ba hija? May masakit ba sa iyo?" Puno iyon ng pag-aalala. Kaya naman mas lalo lang akong naiyak. Niyakap niya ako.
"Matteo anong kaguluhan ito!" May diing sambit ng lalaking sumuntok kay Matteo.
"Dad, Mom! Anong ginagawa ninyo dito? Gavin?"
Hanggang magulat na lang ako sa babaeng sumugod sa akin at bigla na lang akong sinabunutan. Napaatras naman ang babaeng kanina ay nakayakap sa akin.
"Malandi ka! Hayop ka! Mang-aagaw. Hindi ko alam na ganyan ka pala kalandi. Ginamit mo ang katawan mo para akitin at agawin sa akin si Matteo. Hindi kita mapapatawad. Papatayin kita!" Sigaw nito ng mapagtanto kong si Eloira ito. Patuloy lang siya sa pagsabunot at pagkalmot sa akin. Kasabay ng kanyang mga sigaw.
Hindi ko magawang ipagtanggol ang aking sarili. Gulong-gulo ako sa nangyayari. Wala ni isang salita na lumabas sa aking bibig. Kahit nasasaktan na ako ay ipinaubaya ko na lang kay Eloira ang pananakit sa akin.
Ang babae naman sa aking tabi ay pilit akong inilayo kay Eloira. Ngunit wala akong lakas. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang aking ulo sa lakas ng pagkakasabunot niya sa akin. Kahit ang aking braso ay nararamdaman ko na ang panghahapdi, gawa ng kanyang mga kalmot.
"H-hon," nauutal na tawag ni Matteo. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Wala akong alam. I'm sorry Hon. Huwag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita, Eloira," ani Matteo ng matigilan si Eloira sa pananakit sa akin. Kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni Matteo. Pagmamakaawang huwag siyang iwan ni Eloira. "Kasalanan iyon ni Raselle."
Para naman akong binuhusan ng mainit na tubig. At parang balahibo ng manok ay bigla na lang nagtanggalan ang aking balat. Kahit ako man ay wala pang alam kung sino ang may sala o mali sa aming dalawa. Pero parang ang bigat tanggapin ng biglang ipaako ni Matteo sa akin ang lahat ng kasalanan.
"Bro, hindi naman yata tamang isisi mo ang lahat sa babaeng iyon." Turo sa akin ng lalaking hindi ko kilala. Matangkad din itong katulad ni Matteo. Gwapo at masasabi kong halos kapareho ni Matteo. Iyon nga lamang ay kahit halos pareho lang sila. Para sa akin ay walang makakatalo kay Matteo sa puso ko. Kahit sa mga oras na ito ay dinudurog niya ang puso ko.
Lumakad palayo ang babaeng nasa aking tabi. Doon ko lang napagtanto kung sino ito. Ito ang mommy ni Matteo dahil ito ang babae kagabi, at ang lalaking nasa gilid ni Matteo ay ang daddy nito.
Nagulat ako ng biglang sinampal ng ginang ang kanyang anak. Wala ni isang bumasag sa katahimikan ng lahat ng tao sa silid na kinalalagyan namin.
"Watch your mouth moron. Hindi dahil kasal mo dapat ngayon ay pagbibigyan kitang may lumabas na masasakit na salita para sa dalagang ito." Turo sa akin ng ginang. "Hindi kayo hahantong sa sitwasyong ito kung nag-iingat ka."
"Pero pinasok niya ako dito sa silid ko. Hindi ko nga masamahan si Eloira sa kanyang silid dahil ayaw ninyo. Tapos ngayong lumipat ako ng ibang silid ay narito naman ang babaeng iyan! Mommy may gusto sa aking ang babaeng iyan kaya pilit niya akong inaagaw kay Eloira! At ngayong nagawa na niya ang masama niyang balak ay hindi ako makakapayag na manipulahin niya ang sitwasyon. Kung may mabuo sa nangyari sa aming dalawa ay pananagutan ko ang bata. Ngunit hindi si Raselle. Si Eloira lang ang pakakasalan ko. Si Eloira lang ang mahal ko!" Sigaw ni Matteo.
Akmang sasampalin ulit ng ginang ang anak ng unang tumama sa mukha ni Matteo ang kamao ng ama.
"Don't be stupid Matteo! Hindi kita pinalaking hindi marunong magpahalaga sa puri ng isang babae. Nakikita mo ba iyan?" Turo ng ginoo sa pulang marka na natuyo sa kobre kama. "Huwag mong sabihin na hindi mo alam na birhen siya kagabi."
"I know dad. Pero hindi ko kasalanan. Akala ko ay si Eloira siya. Lasing ako. Walang ibang may access ng hotel room ko kundi ang mapapangasawa ko at ako. Kaya paanong siya ang narito at hindi ang dapat sana ay mapapangasawa ko?" Yamot na saad ni Matteo. Habang hindi pa rin nawawala ang panlilisik ng masamang tingin sa akin.
Si Eloira naman ay nagawa ng makalapit kay Matteo. Inalalayan nito ang lalaking makatayo at mahigpit na niyakap. Dinig ko ang iyak ni Eloira. Ngunit sa halip na makaramdam ako ng awa dahil na nangyari lalo lang akong nagkaroon ng galit sa kanya ng pasimple niya akong nginisian. Ngising nagpapahiwatig na kahit na anong gawin ko, hindi mapapasaakin si Matteo.
Paano ba mapupunta sa akin ang isang taong puro galit at pagkamuhi lang ang nararamdaman sa akin kahit wala akong ginagawang masama.
Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking kasama namin sa silid ng damputin nito ang isang key card na nakakalat sa sahig. "What's your room number bro?"
"Sweet suites 969!" May inis na sagot ni Matteo.
"This card is yours. And you Miss?" Baling nito sa akin.
Napalunok naman ako. Kung kay Matteo ang key card na hawak nito. Malamang ako nga ang mali ng pinasok na kwarto. Pero paano nangyari iyon? Ibinigay ko naman doon sa babaeng naghatid sa akin ang key card ko. Kaya alam kong sa hotel room ko ako nakatulog. Napalunok na lang ako. Hihingi na lang ako ng tawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa kanilang lahat.
"O-ordinary suites 696." Nauutal kung saad. Naroon na naman ang mga luhang nagbabadya. Ang labis na kahihiyan ang mas lalong nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo.
"And this room is belong to the lady, Matteo. Where're at Ordinary suites 696."
"Impossible! I am in my room. I used my key card to open my..." Napakunot noo ako ng hindi maituloy ni Matteo ang kanyang sinasabi. Bigla na lang itong napasabunot sa sarili nitong buhok.
"Kasalanan mo itong lahat!" Sigaw ni Matteo ng mabilis itong humakbang sa aking harapan. Kung gaano ito kabilis ay ganoon din kabilis ang paglapat ng kamay nito sa aking pisngi.
"Matteo!" Sigaw ng mga kasama namin sa silid. Maliban kay Eloira na hindi ko narinig ang boses.
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakasalampak sa sahig. Namamanhid ang mukha kong nalapatan ng mabigat niyang palad. Lalo lang akong naiyak.
"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito," banta niya sa akin.
Pero hindi pa ako nakakasagot ng may humaklit kay Matteo at inundayan ulit ito ng suntok.
"You're my best friend and my best buddy. Para na kitang kapatid lalo na at halos ituring na rin ako nina tito at tita na anak. Kaya hindi ko matanggap na nagagawa mong manakit ng isang babae. Isang babaeng walang laban. Kahit saan daanin, inosente siyang nakuha mo, dito pa sa sarili niyang silid. Huwag mong isisi ang isang bagay sa isang babaeng biktima ng pangyayari. Ikaw ang lalaki kaya dapat ikaw ang mas may alam."
"Hindi ako nananakit ng walang dahilan. Deserve niyang lahat ang mga natatanggap niya! Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari ang lahat ng ito."
"Deserve? Kasalanan niya?" Mapang-uyam na saad ng lalaki bago muling sinuktok si Matteo. "You're the intruder in her room. Base sa waiter na siyang nagbigay ng alak sa babaeng sinisisi mo ay lasing siya kagabi. Babaeng lasing at walang kalaban-laban. Babaeng nagpapahinga sa malamig na gabi at mahimbing na natutulog sa silid at kama na laan sa kanya. Tapos ay papasukin mo dito, sa loob ng kanyang silid at pagsasamantalahan mo ang kainosentehan niya. Kahit pa sabihin mong inakala mong siya ang mapapangasawa mo. Huwag mong ibunton sa kanya ang sisi sa bagay na ikaw ang lalaki at ikaw ang may gawa ng gulong kinasasangkutan mo ngayon."
Galit na galit si Matteo. Nakaramdam ako ng takot ng muli na naman sana niya akong lalapitan ng pigilan ito ni Eloira. Hinawakan din ito ng mommy at daddy nito. Ang lalaking hindi ko kilala ay lumapit sa akin. Inalalayan akong makatayo. Hinawakan din nito ang kumot na bumabalot sa aking kahubaran. Kahit papaano ay kumalma ang damdamin ko ng maramdaman ang pag-alalay ng lalaki. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kakampi.
"Don't be scared. Magiging maayos rin ang lahat. Bago ko nga pala nakalimutan I'm Gavin, best friend ng gagong si Matteo." Bulong nito.
"I'm Raselle. Sorry na naabutan niyo. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari ito."
"It's okay. Huwag ka ng mag-alala. Magiging maayos rin ang lahat." Sagot ni Gavin na kahit papaano ay nakalma ako.
"Buntis ba si Eloira?" Wala sa anu-ano ay tanong ng mommy ni Matteo. Kaya naman nawala ang atensyon ko kay Gavin. Napakunot noo ako dahil sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung bakit at para saan?
"Eloira is pure and innocent until now. Hindi katulad ng babaeng 'yan!" Duro pa sa akin ni Matteo.
"Good. We cancel your wedding with Eloira. I will compensate her, for the damage were done to her. Including emotional distress. We reschedule your wedding. But not with Eloira. But to the lady you stained."
"What!? No!"
"Hindi ako nagpalaki ng anak na walang paninindigan. Ginawa mo ang bagay na ito sa sarili mo. Hindi kami makakapayag na may isang inosenteng babae na basta mo na lang iiwan, matapos mong pagsawaan. Hindi isang basura si---," Saglit na natigil sa pagsasalita ang mommy ni Matteo at tumingin sa akin.
"R-Raselle po."
"Okay. Hindi basura si Raselle na basta mo na lang iiwan. Pakakasalan mo siya at iiwan si Eloira. Ang utos ko sa pamilyang ito ang masusunod. Kung ayaw mo sa batas ko, Matteo. Kalimutan mo ng naging ina mo ako." Mariing utos ng mommy ni Matteo na lalong ikinagalit nito.
"Wala akong kasalanan pero bakit ako ang apektado? Pagkakamali ang namagitan sa aming dalawa."
"Feel free to forget us. Ako at ang daddy mo!"
"Hindi naman po sa ganoon." Napasabunot si Matteo sa buhok nito.
"Kaya nga ang pagkakamali ay hindi dapat, inaayos sa pamamagitan ng isa pang pagkakamali. Follow your mom," mariing saad ng daddy ni Matteo.
"Pero mahal ko po si Matteo. Huwag po ninyong gawin sa akin ito. Wala po siyang kasalanan. Isang pagkakamali lang po ang mga nangyari. Hindi pa rin naman po tayo sigurado kung si Matteo nga ang nakauna kay Raselle. Marami po siyang lalaki na dinadala sa apartment namin. Natigil lang iyon noong panahon na dinadalaw na ako ni Matteo doon. Naramdaman kong nawala na ang interest ni Raselle sa ibang lalaki. Dahil si Matteo na ang gusto niya." Paninira na naman ni Eloira. Ngunit hindi na ako makakapayag na sabihan na naman niya ako ng mga paratang na wala namang katotohanan.
"Sinungaling ka! Huwag mong ibato sa akin ang mga bagay na ikaw ang gumagawa Eloira." Hindi ko napigilang sigaw sa kanya. Pero ang maldita, nagpaawa at umiyak lang, habang nakasubsob sa dibdib ni Matteo.
"Hindi kami kung sino lang na magdedesisyon dito. Hindi kami bulag para isiping may iba pang lalaki dito sa silid na ito sa magdamag. We review the cctv footage sa hallway kaya nalaman naming maliban kay Matteo ay wala ng ibang pumasok sa silid na ito. We covered all the damage. And we compensate you Eloira, fair and square. But our decision is final. We cancel your wedding. Hindi na iyon matutuloy!" May pinalidad na saad ng mommy ni Matteo na sinang-ayunan na lang ng asawa nito.
Ilang araw mula ng maganap ang pangyayaring iyon sa hotel ay idinaos ang kasal namin ni Matteo. Simpleng kasal, walang nakakaalam. Maliban sa judge, mga magulang ni Matteo at si Gavin na kaibigan nito.
Wala itong nagawa kahit pa gaano nito kaayaw sa akin. Lalo na at totoo namang ito ang nakauna sa akin. Dahil sa paninindigan ng isang matandang Barcelona, walang nagawa ang anak sa mga magulang niya kundi ang sumunod lang sa mga ito.
Ngunit sa unang gabi namin ni Matteo bilang mag-asawa ay napuno ng lungkot. Sa halip na kasama ko siya ngayon. Ayon at lumipad patungong ibang bansa na hindi nalalaman ng mga magulang niya.
Kung gusto ko raw ng kasal sa papel ay ibibigay niya. Ngunit dadalhin niya sa ibang bansa. Para kung magkakaroon siya ng butas para makawala sa bisa ng kasal ay mabilis niyang maiihain sa aking ang divorce paper. Nailing na lang ako ng ipamukha niya ang labis niyang pagkamuhi sa akin.
"Katatapos pa lang ng aming kasal, pero pakikipaghiwalay na kaagad ang nasa isip niya." Naibulong ko na lang sa hangin, habang nakatingin sa kadiliman ng gabi.