Chapter 11

2452 Words
"Maayos ka lang ba dito Raselle? Maganda naman ba ang pakikitungo sa iyo ng asawa mo? Naku sabihin mo kung hindi at malalagot sa akin ang Matteo na iyon." Gigil na saad ni mommy na ikinatawa ko na lang. Tumayo ako mula sa sofa at sinalubong siya. Niyakap naman ako kaagad ni mommy kaya gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Hindi man ako pinakikitunguhan ng maayos ni Matteo ay masaya na akong maganda ang pakikitungo ng mga magulang niya sa akin "Mommy, hindi man lang po kayo nagpasabi na dadalaw kayo, sana po ay nakapagluto man lang po ako." Nahihiya kong sambit. "Ang daddy po?" tanong ko pa habang tinatanaw ang kanyang likuran. "Nagpapark lang ng sasakyan. May dala akong mga grocery at pasalubong para sa iyo," excited na saad ni mommy. Muli niya akong hinila sa sofa na kinauupuan ko kanina. "Mommy hindi na po dapat kayo nag-abala. Nakakahiya na po na palagi po kayong may dalang pagkain at kung anu-ano. Baka po masanay ako at hindi ko na magawang mamalengke nito." "Mas mabuting masanay ka. Ewan ko ba dyan sa anak ko, kung bakit lahat ng pinadala kong katulong ay tinatanggihan. Naiinis na nga ako dahil pinagsabihan ko siyang kung ayaw niya sa katulong ay hindi naman iyon para sa kanya. Ngunit matigas ang ulo, ang gusto raw niya ay masolo kang palagi. Isa pa, oo nga at gusto kong narito ka lang sa bahay. Pero kung hindi mo kagustuhan ang umalis sa dati mong trabaho ay igagalang ko iyon bilang in-laws mo. Pero kung pinilit ka ni Matteo na tumigil sa trabaho, dahil pinaghihigpitan ka ay malalagot talaga sa akin ang lalaking iyon." Napangiti ako kay mommy sabay iling. Mula nang ikasal kami ni Matteo ay hindi na niya ako pinapasok sa trabaho. Hindi dahil nag-aalala siya. Kundi dahil naniniwala siya kay Eloira na marami raw akong lalaki. Wala nga. Kahit siya, hindi akin. "Hindi naman po niya ako pinigilan. Kagustuhan ko na rin pong magstay dito sa bahay. Gusto ko pong maging butihin niyang may bahay at alagaan siya." "Napakasweet mo talaga Raselle. Napakaswerte ng anak ko sa iyo. May laman na ba?" tanong, na ikinailing ko naman. "Ang hina naman ng anak ko? May problema ba? Isang buwan na rin naman kayong narito sa iisang bubong. Higit sa lahat, alam kong malusog si Matteo. Pero bakit ganoon?" Mapait akong napangiti. Hinawakan ko ang kamay ni mommy. Ayaw ko siyang mag-alala. Kahit ang totoo ay alam ko ang dahilan. Alam namin ni Matteo ang dahilan. "Baka po kasi hindi pa ukol. Sabi nga po kung hindi ukol ay hindi bubukol." Sabay pa kaming natawa ni mommy. Sakto namang pumasok sa loob ng bahay ang daddy. "Mukhang nagkakasiyahan ang pinakamagagandang babae sa pamilya ko ah." "Asus, binola mo pa kami." "Hindi iyon bola Mrs. Barcelona. Dahil mula iyon sa puso ng iyong pinakamamahal na asawa." Hirit ni daddy na hindi ko mapigilang kiligin, at the same time, mainggit. Ganoon ang gusto kong buhay may asawa. Alam ko namang walang perpektong pagsasama. Kaakibat pa rin ng saya ang kalungkutan. Pero iba pa rin iyong nagmamahalan kayong dalawa. Kahit anong unos ang dumating alam ninyong dalawa na kakayanin ninyo ang lahat basta palagi kayong magkasama. Bagay na wala kami ni Matteo. Mag-asawa lang kami sa sarap. Pero lahat ng hirap ng kalooban ay solo ko na. Napahugot na lang ako ng hangin at muling napangiti ng mapansing hanggang sa mga oras na iyon ay naghaharutan pa sina mommy at daddy. Hapon na nang umalis sina mommy at daddy. Dinalaw lang nila ako para magpaalam. Kailangan na nilang bumalik sa ibang bansa. Magtatagal daw sila doon kaya labis ang lungkot at pag-aalala ni mommy sa akin, ganoon din si daddy. Kahit ako ang manungang ay daig pang ako ang anak sa pagmamahal na ipinaparamdam nila sa akin. Ngunit nangako ako sa kanilang dalawa, na gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay mag-asawa namin ni Matteo. Napuno na naman ng katahimikan ang bahay. Gabing-gabi na naman siguro uuwi si Matteo. Dahil alam kong dadalawin na naman nito si Eloira sa bahay na binili nito para sa babae. Malungkot kung inilibot ang paningin sa buong kabahayan. "Kailan kaya mapupuno ng masayang ngiti ang buong kabahayan na ito. Na sana, kahit hindi man ito kasing laki ng bahay ni Eloira ay mapuno man lang sana ito ng masayang ala-ala at hindi mapait na daing na nagmumula sa aking mga hinaing." Napabuntonghininga ako. Isang buwan na pala kaagad ang mabilis na lumipas mula ng ikasal kami ni Matteo. Ang masakit asawa lang talaga niya ako sa papel at sa kama. Sa isang buwan na iyon ay hindi ko man lang naramdaman na asawa niya ako sa tunay na kahulugan noon. Hindi rin dahil sa akin ang lahat ng gawing bahay. Kundi dahil sa hindi niya magandang pagtrato sa akin na hindi ko masabi sa mga magulang niya. Ayaw kong magsimula na naman iyon ng alitan nila. Kaya naman sa halip na magsumbong ay pinagtatakpan ko siya. Ang plano ng mga magulang ni Matteo sana ay doon kami titira sa bahay ng mga ito. Ngunit hindi pumayag si Matteo. Alam ko naman kung bakit. Gusto pa rin niyang iparanas na akin ang banta niya noon kung hindi matutuloy ang kasal nila ni Eloira. Kaya ayon heto ako. Inaani ko na ngang lahat, may tubo pa. Nailing na lang ako ng maalala kong muli ang pagbili ni Matteo ng bahay kung saan ako nakatira ngayon. Ayaw pa nga sanang pumayag ng mommy at daddy niya. Ngunit napapayag rin ang mga ito ng ako ang nagsabi na ako ang may gusto sa maliit at simpleng bahay. Hindi lang sila pumayag sa maliit na ref. Kaya mismong si mommy at daddy ang nagpadeliver nang ref na ginagamit ko ngayon. Lalo at sila naman daw ang magpapadala ng mga grocery na ilalaman sa ref. Wala namang problema, sa akin kung malaki o maliit ang bahay. Sanay akong tumira kahit saan. Ang mahalaga lang ay may bubong akong masisilungan. Ngunit hindi lang pala ako ang ibinili niya ng bahay para may matirahan. Ibinili niya si Eloira ng ilang beses na malaki, maayos at komportable na bahay. Bagay na hindi alam ng mga magulang ni Matteo. Kahit alam ko hindi ako nagsalita. Para saan pa at magsusumbong ako. Sigurado naman akong pagmumulan lang ulit iyon ng gulo. Pinahinto na rin niya sa pagtatrabaho si Eloira. Hindi dahil sa may pinagseselosan ito. Kundi dahil sa gusto ni Matteo, prinsesa niya si Eloira. Habang parang katulong ang turing niya sa akin. Muli ay itinuon ko na lang ang aking isipan sa panggagantsilyo. Hapon na, pero maaga pa sa pag-uwi ni Matteo. Kahit naman sabihing sa akin siya umuuwi, ay hindi naman siya sa akin naglalagi. Maaaring umuwi siya ngayon, pero aalis din kaagad. O kaya naman ay gabing-gabi na siya uuwi. Inuna kasi niyang puntahan si Eloira, kaysa sarili niyang asawa. Nabaling ang aking paningin sa pintuan ng bumukas iyon at iniluwa ang galit na galit na si Matteo. Napasinghap ako sa kanyang pagsigaw. "What did you do to Eloira? Hindi ka pa rin ba titigil sa mga pananakit mo sa kanya!" Sigaw ni Matteo habang hawak-hawak ang leeg ko. "A-anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong. Wala naman akong alam tungkol kay Eloira. Ang bahay ang katulong at maayos na buhay ni Eloira ay nakita ko lang sa mga dokumento niya na nakapatong sa lamesa niya sa aming silid. Ganoon din sa mga mensahe ng babae sa kanyang cellphone. Hindi naman naglalagay ng password si Matteo sa cellphone niya. Wala naman siyang maiilihim dahil lantaran naman ang pakikipagkita niya sa babae niya. Ngunit lihim sa mga magulang niya. Gawa na rin siguro ng labis na galit ay inis ay itinulak ako ni Matteo at tumama ang aking ulo sa may semento. Masakit iyon at sa paghawak ko ay naramdam kong bukol iyon. Muli ko siyang hinarap. "Ano ba 'yong mga pinagsasasabi mo? Kung ang sinasabi mo ay sa nangyari sa araw na ito ay kausapin mo iyang kabit mo na maghinay-hinay sana siya sa pagsisinungaling niya. Muli akong nilapitan ni Matteo. Naramdaman ko na lang ang pamamanhid ng aking mukha ng saktan na naman niya ako. "Hindi sinungaling si Eloira. At kahit kailan hindi siya naging kabit. Hindi siya tulad mong ginawa ang lahat para ikaw ang kaawan ng mga magulang ko, para makasal ako sa iyo!" Napangisi ako kahit ang sakit ng mga binitiwan niyang mga salita ganoon din ang pisikal niyang pagbubuhat ng kamay. "Kung totoong hindi siya nagsisingungaling ay paano ko siya nagawang saktan? May ebidensya ba siya? Ano lang ang sinabi sa iyo? Tapos naniwala ka na. Maghapon ako dito sa bahay. Dumating kanina ang mommy at daddy, may dala pa silang grocery. Higit sa lahat ay nasa kalahating oras pa lang mula nang umalis sila. Kung totoong sinaktan ko iyang kabit mo ay paano ko iyon magagawa? Kung gusto mo ng patunay, tawagan mo sina mommy at daddy, para malaman mo ang totoo!" Singhal ko sa kanya. Sa halip na lumaban sa akin ng salita ay basta na lang niya ako tinalikuran at iniwan sa salas. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad patungo sa aming silid. Humugot ako ng hangin at kinalma ang sarili. Gusto ko mang umiyak ngunit ayaw kong makita niyang mahina ako. Nais ko pa ring patunayan sa kanyang hindi siya nagkamali na pinakasalan ako. Tanga nga di ba. Masasabi kong sa ngayon iyon talaga ang batayan ko. Stupid love. Matapos kung kalmahin ang aking sarili ay nagsimula na akong magluto. Dumidilim na rin naman, at hindi ko lang talaga inasahan na maagap siyang darating. Tinawag ko si Matteo nang nakahayin na ang pagkain. Kahit galit naman ito ay hindi naman ito mahirap tawagin lalo na pag-oras ng pagkain. Tahimik lang kami sa hapag at walang may nais bumasag sa katahimikan. Tunog lang ng tumatamang kutsara at tinidor sa pinggan ang marinig. Akala ko ay aalis na si Matteo sa kusina nang makatapos siyang kumain. Ngunit nagulat na lang ako ng lapitan niya ako at mariing hinalikan. Hindi ako pumalag at nagpaubaya lang ako. Kahit sa parteng ito ay magampanan ko kay Matteo ang pagiging asawa ko sa kanya. Ganoong kabilis na lang na napag-init ni Matteo ang aking katawan. Mula sa isang agipo na nababalutan ng yelo ay biglang parang naging munting apoy na sinabuyan ng gasolina. Biglang sumiklab at mabilis na lumaki. "M-Matteo," nauutal kong sambit sa pangalan niya. Katulad noong una na inakala kong panaginip ay palaging maingat si Matteo sa pakikipagniig sa akin. Sa ilang beses niya akong inangkin kahit galit siya ay hindi ko naramdamang nasaktan niya ako. Iyong ang bagay na pinanghahawakan ko na baka dumating ang panahon suklian din niya ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Binuhat niya ako at iniupo sa parte ng aming lamesa na walang nakapatong. Binaklas niya ang butones ng suot kong damit hanggang sa tumambad sa kanya ang malulusog kong dibdib. Hindi naglipat ang segundo at pinagsasawa na niya roon ang kanyang bibig salitan ng kanyang mga palad. Hindi pa nakontento si Matteo at itinaas niya ang aking mga binti para ipatong sa kanyang balikat. Napakagat labi na lang ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa ibabaw ng aking pagkabab*e. Daig ko pang dinarangan ng apoy ng maramdaman ang makasalanan niyang dila doon. Hindi ko man lang naramdaman na naalis na rin pala niya ang aking panloob. Halos mapuno na ng aking mga ungol ang buong kabahayan. Hanggang sa marating ko ang aking rurok sa pamamagitan ng kanyang dila. Alam ko namang nagsisimula pa lang si Matteo. Binaklas na rin niya ang butones at ibinaba ang zipper ng suot niyang pantalon. Naramdaman ko na lang ang ulo ng kanyang kaselanan. Nanunudyo, nananakam. Hanggang sa tuluyan na kaming mapag-isa. Bawat hugot niya ay sumasabay ako. Ganoon din sa bawat baon na nagpapawala ng kontrol ko sa aking isipan. Nakakabaliw. Kahit puro ako sigaw sa pangalan niya ay hindi man lang niya nasasambit ang pangalan ko. Pero mabuti na rin iyon kaysa naman tawagin niya ako sa ibang pangalan. Sa huli niyang baon ay nanginig bigla ang aking katawan. Kasabay noon ang pagpuno niya sa aking sinapupunan. Ilang minuto rin kami sa ganoong pwesto bago inalis ni Matteo ang pagkakabaon niya sa akin. Mabilis niyang isinuot ang nahubad niyang damit at inayos ang suot na pantalon. Naglakad ito patungo sa isang cabinet. Alam ko naman kung ano ang kukunin niya. Sa lahat yata ng parte ng bahay ay may nakatagong ganoon. "Take this!" Pabulyaw nitong saad, kahit hindi pa ako nakakapagbihis. Mas inuna ko na lang inumin iyon kaysa magalit siya. "Nalunok mo na?" Paninigurado nito na ikinatango ko na lang. "Good girl," anito at tinapik pa ang aking pisngi. "Huwag mong kalilimutan na katawan mo lang ang gusto ko sa iyo. Ngunit hindi ko nanaising magkaanak sa isang tulad mo. Hihiwalayan pa kita. Itanim mo yan sa isipan mo Raselle. Matapos kong pagsawaan ang katawan mo, hanggang sa wala ng matira para sa iyo," nakangisi nitong saad, bago ako nito tuluyang iniwan sa kusina. Natulala na lang ako. Doon tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha. Ang sakit, pero heto pa rin ako, walang kapagurang umaasa. Alam kong mahirap. Ngunit wala namang masamang subukan di ba? Kahit saan tingnan, ako ang asawa. Sa akin kasal. Ako ang legal. Pagkarating sa labas ng bahay ay narinig ko na lang ang pag-andar ng paalis niyang sasakyan. Alam ko naman kung saan siya pupunta. Pupuntahan niya si Eloira. Pag wala na ang init, wala na rin ang pag-iingat na kanyang ipinadarama tuwing nagtatalik kami. Mainit at maingat lang siya sa kama, o kahit saang parte ng bahay, basta abutan siya nang pagkahilig niya. Pero pagkatapos noon at nainom ko na ang birth control pills na inihanda niya para sa akin ay parang hindi na niya ako kilala. Parang nakalimutan niya kaagad na kanina lang, ako ang kasalo niya sa mainit na pagnanasa. Humugot na lang ako ng hangin at isa-isang isinuot ang mga damit na hinubad niya sa akin. Muli kong tinitigan ang pintuang kanyang nilabasan. "Kailan kaya darating ang araw na magkakapalit kami ni Eloira ng sitwasyon. Iyong ako lang ang mamahalin ni Matteo. Walang iba, ako lang." Mapait akong napangiti at ipinagpatuloy na lang ang dapat kong gawin. Alam ko namang sa baka kahit sa panaginip ay hindi iyon mangyari. Napabuntonghininga na lang ako matapos kung gawin ang dapat kong gawin sa kusina. Nagtungo na ako sa aming silid. Nais ko na ring maligo at makapagpahinga. Hindi lang katawan ko ang pagod. Pati na rin ang aking puso at isipan ay pagod na. Pero dahil tanga ako sa pagmamahal kay Matteo, laban pa. Wala pa sa isipan ko ang salitang pagsuko, kahit nahihirapan na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD