Chapter 12

2155 Words
"May gagawin ka ba mamaya? I know I am rude, at mas madalas pa ngang ganoon ako sa iyo. And I'm sorry about that." Mula sa pagkakayuko ko sa aking pinggan ay unti-unti kong iniangat ang aking ulo at humarap kay Matteo. Sa bawat araw, linggo at mga buwan na lumilipas ay palagi kong hinihiling na maging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Bigla naman ay parang tumalon ang puso ko sa bawat salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ito na ba iyong araw na magkakaroon ng katugon ang pagmamahal ko sa kanya. Sa loob ng anim na buwan naming pagsasama ay ngayon lang nangyari ang bagay na ito. Masigla akong umiling sa kanya. "Wala naman akong gagawin. Bakit may gusto ka bang ipag-utos?" Hindi ko mapigalan ang pagngiti habang hinihintay ang kanyang sagot. "Yeah. I want you to cook menudo, and puchero. Maaga akong uuwi mamaya. Thank you," ani Matteo, at binigyan ako ng tipid na ngiti. Matapos iyon ay tumayo na ito at tuluyang lumabas ng bahay. Noon ko lang napansin na tapos na pala siyang kumain. Pagkaalis ng sasakyan ni Matteo ay naramdaman ko na lang na naghahabol ako ng hangin. Hindi ko akalaing hindi pala ako humihinga. Isang malakas na tili ang aking pinakawalan. Kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Umiiyak ako sa sobrang saya. Sa unang pagkakataon ay kinausap ako ng maayos ni Matteo at nginitian. Isama pa ang kilig na aking nararamdaman. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain. Nag-ayos para makapamalengke na kaagad at para na rin masimulan kong magluto ng para sa hapunan. Habang naghihiwa ako ng karne ay muli kong naalala ang putaheng ipinapaluto ni Matteo. Hindi ko talaga mapigilan na kiligin. Wala naman akong sinabi sa kanya, lalo na at hindi naman siya nagtatanong pero ang dalawang putahe na iyon ay paborito ko. Patuloy lang ako sa paghahanda ng aking mga lulutuin. Kumakanta pa ako sa mga oras na iyon. Hanggang sa simulan ko ng magluto. Pagsinabi ni Matteo na maagap siyang uuwi, ang ibig sabihin noon ay pagkalabas sa opisina uuwi na siya. At alas singko ng hapon ang labas niya. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas sais y media na ngunit wala pa rin si Matteo. Pero pinilit kung ngumiti, at mag-isip ng mga posibleng dahilan kung bakit wala pa siya. Hanggang sa makalipas ang ilan pang mga minuto ay narinig ko na ang tunog ng kanyang sasakyan. Hindi ko na siya sinalubong sa may pinto. Alam kong ayaw niya sa bagay na iyon. Kaya naman sa halip ay nagtungo na lang ako sa kusina para makapaghayin na. Mula sa bungad ng kusina ay nakangiti akong nakaabang sa pagbukas ng front door. Excited akong masilayan ang gwapong mukha ni Matteo. "Magandang gabi Matt. Nakaluto na rin ako ng putaheng req---," nahinto ako sa pagsasalita ng hindi lang si Matteo ang pumasok sa pinto. Ang malawak kong ngiti ay napalitan ng lungkot. Ang magaan at masarap na pakiramdam ko kanina ay napalitan ng bigat at pait. "Good. The food I requested to you is for Eloira. She crave for it. At gusto niya na luto mo. The good thing is, napakinabangan naman kita hindi lang sa kama," ani Matteo. Halos bulong na ang huli niyang sinabi at ako lang ang nakarinig. Ipinagdiinan pa ang salitang kama. Ipinamumukha talaga na iyon lang ang silbi ko sa kanya. "Come here Hon," usal ni Matteo habang parang babasaging kristal naman si Eloira kung alalayan nito. Ipinaghila pa ni Matteo ng upuan si Eloira, at doon pinaupo sa tabi nito. Sa pagkakaalam ko kaming dalawa lang ang kakain kaya naman, dalawang plato lang ang inihanda ko. Hindi pala para sa akin ang isa. Kundi sa babaeng totoong mahal niya. Natawa na lang din naman ako sa aking sarili. Bakit ba hindi ko naisip na pareho lang naman kami ni Eloira na paborito ang menudo at puchero. Higit sa lahat hindi kumakain noon si Eloira kung hindi rin lang ang luto ko. Kahit si Eloira ang abala noon para sa breakfast namin ay totoong pagdating ng gabi ay ako naman ang nagluluto. Higit sa lahat, iyon ang palaging request nito. Na paborito ko namang lutuin, lalo na pareho naming gusto ang ulam na iyon. Nakatayo lang ako sa may bungad ng pintuan ng magbaling ng tingin sa akin si Eloira. Hindi ito napansin ni Matteo. Pero kitang-kita ko ang pagkasuklam sa mukha ng babae. "Hon, gusto ko sana ng orange juice. Kaya lang gusto kong ikaw ang magtitimpla," ani Eloira na pinalambing pa ang boses. At ito namang si Matteo akala mo naman ay nautusan ng prinsesa aba'y mabilis pa sa alas kwatro kung sumunod. Nasundan ko na lang ng tingin si Matteo habang ginagawa ang ipinag-uutos ni Eloira. Hanggang sa madako ang aking tingin sa babae na may kung anong inilagay ito sa niluto kong pagkain. Kaya naman mabilis ko itong nilapitan at hinablot ang kung anong inilagay nito doon. "Ano ito ha!?" Singhal ko kay Eloira. Habang hawak ko ng mahigpit ang braso niya. Ipinasok ko muna sa bulsa ng suot kong pantalon ang lalagyan ng hawak niya. "Bakit ka ba nagagalit Raselle? Gusto ko lang namang matikman ang luto mo." Nahihintakutang saad nito. Sa tingin ko ay para iparating kay Matteo na sinasaktan ko siya, kahit hindi naman. Nagulat na lang ako ng itaas ng malayang kamay ni Eloira ang malayang kamay ko. Tumama iyon sa pisngi nito na ikinagulat ko kaya nabitawan ko si Eloira. Napaupo ito sa silya. Pero ako natagpuan ko na lang ang sarili ko isang sulok, gawa ng malakas na pagtulak sa akin ni Matteo. "M-Matteo," nauutal kong tawag sa kanya. "Don't call my name!" May diing saad nito habang inaalo si Eloira. "Uuwi na lang ako, mukhang ayaw talaga sa akin ni Raselle." Humihikbing saad nito na ikinaismid ko na lang. Hindi ko naman siya sinampal at hindi ko rin naman siya gaanong nasaktan sa pagkakahawak ko. Ako ang nasaktan sa pagkakatulak ni Matteo para siya pa rin ang inaalala at hindi ako. Humugot na lang ako ng hangin para pigilan ang aking paghikbi kasabay ng pagtingin ko sa kisame para hindi tumulo ang aking mga luha. "Kumain ka muna Hon. Di ba sinabi mong, you crave for this food. Hindi naman ako makakapayag na hindi mo makakain ang mga iyan," alo naman ni Matteo. Nakatingin lang ako sa kanila na wari mo ay sila lang dalawa na narito sa kusina. Parang naging hangin lang ako sa kanilang dalawa at hindi man lang napapansin na may ibang tao pa pala doon at nakasalampak lang sa sulok. "Okay hon. But I prefer the puchero. I need more vegetables. Sa iyo na lang iyang menudo okay." "Oo naman." Masaya silang kumakain. Nakalimutan na talaga nila ako. Dahan-dahan akong tumayo. Wala man lang ni isa sa kanila ang sumulyap sa akin. Napagpasyahan ko na lang na magtungo sa salas. Mula naman sa sofa na kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang kanilang pagkain at naririnig ko ang masaya nilang pag-uusap. "Hon, I want to tell you something." Bigla ay saad ni Eloira matapos itong kumain. Uminom muna ito ng orange juice, bago may kung anong kinuha sa bulsa nito. "What is it hon? Hindi mo naman siguro binabalak na iwan ako di ba?" Parang gusto kong masuka sa nakikita kong eksena sa kusina. Ako ang asawa pero sa iba nagmamakaawang huwag siyang iiwan. Nailing na lang ako. Napakaswerte ni Eloira. At ako, ito lang. Nagulat na lang ako ng may iabot si Eloira kay Matteo. Biglang nanginig ang kamay ko. Alam ko ang bagay na iyon. Pregnancy test. "Wait! What does it means?" saad ni Matteo, habang tumatango si Eloira. "We're expecting our first baby hon. I am pregnant. We are pregnant!" usal ni Eloira na nagpaguho ng mundo ko. Iyon ang gusto ni Matteo di ba? Gamitin lang ang katawan ko, pero sa iba gustong magkaroon ng anak. At iyon na nga ang nangyari. Natupad na rin ang gusto niya. Ngunit sa halip na masayang mukha ang makita ko kay Matteo. Bakit para itong namutla at parang natuklaw ng ahas na hindi makapaniwala. "How?" may halong pagtataka sa boses ni Matteo. Ako man ay naguguluhan sa nangyayari sa kanila. "We do it right?" Pagpapaalala ni Eloira. "One time, last month. When you're to drunk. Tapos umuwi ka sa bahay. Galit na galit ka noon kay Raselle kaya pinakalma kita. Hanggang sa maganap ang lahat sa atin. May nangyari sa atin ng gabing iyon hon. Nakita mo at alam mong sabay tayong nagising na walang saplot at magkatabi sa iisang kama. Naalala mo pa ang mga pulang marka na iniwan mo sa katawan ko?" Paliwanag ni Eloira. "Naalala ko ang tagpong iyon nang magising tayong magkasama hon. But I can't remember the things happened to us that night. I'm sorry. But don't worry hon. I'm here for you and for our baby. I'm sorry kasi dinungisan kita nang gabing iyon kahit hindi pa tayo kasal. Alam kong darating din ang panahon na makakalaya ako sa kasal na kinakukulungan ko. Magsasama rin tayo ng walang hahadlang." Mas masakit pa pala na marinig ang assurance ni Matteo kay Eloira kaysa malamang buntis ang babae sa anak nito. Pag si Eloira, halos gusto niyang igalang at hindi galawin dahil hindi sila kasal. Pero may nangyari sa dalawa nang hindi inaasahan. Tapos ako, ako ang ginagawang parausan. Bakit? Dahil wala akong halaga? Hindi ba pwedeng dahil mahal na lang niya ako? Hindi ko na naman mapigilan ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak ng mismong sa harapan ko, halikan ni Eloira sa labi si Matteo. Hindi man tumugon ang lalaki, pero hindi rin naman umiwas. "Hitad talaga. Hindi pa nakahintay na siya ang halikan. Siya pa talaga ang humalik," hindi ko mapigilang usal. Lahat iyon ay pinanood ko lang. Gusto kong dagdagan pa ang labis na sakit. Gusto kong mas madurog pa ako. Iyong walang-wala na talagang matira sa akin. Hanggang sa hindi ko na kayanin ang sakit at maging manhid na lang. Siguro sa pagkakataong iyon ay makakalimutan ko na rin ang pagmamahal ko sa kanya. Mawawala na ang pagiging tanga ng puso kong umasa nang umasa na isang araw mamahalin niya. Ngunit ang matamis nilang ngiti sa isa't isa ay napalitan ng malakas na sigaw ni Eloira. Kitang-kita ko ang pamimilipit nito sa sakit. Sakit na hindi ko alam kung saan nagmumula. Sa gulat ko ay mabilis akong lumapit sa kanila. Galit ako kay Eloira. Ngunit nag-aalala ako sa mga oras na iyon. "Hon, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Matteo, habang si Eloira naman ay walang tigil sa pagsigaw dahil sa labis na sakit. Hanggang sa mahindik ako sa aking nakita. "D-dugo," nauutal kong saad ng ituro ko kay Matteo ang parte ng hita ni Eloira na inaagusan ng dugo. "Fvck!" Mura nito at mabilis na binuhat si Eloira. "Relax hon. Dadalhin na kita sa ospital." Pag-aalo nito sa umiiyak at namimilipit na si Eloira. Basta lang ako binangga ni Matteo sa aking balikat. Hindi man lang niya ako hinayaang makatabi. Wala talaga siyang pakialam kung masaktan man ako. Itinuon ko na lang ang pansin na mga pinggan sa lamesa. Total para sa kanila, baliwala lang ang pag-aalalang naramdaman ko kanina. Aayusin ko na lang sana ang lamesa ng marinig ko ang dagundong ng boses ni Matteo. "Don't you there try to touch any of that things on the table. Iyan lang ang kinain ni Eloira. Ang luto mo lang tapos ay ganito na ang nangyari sa kanya! Malaman ko lang na may ginawa kang kalokohan Raselle, pagbabayaran mo ito ng malaki!" Banta ni Matteo bago tuluyang lumabas ng bahay. Narinig ko na lang ang mabilis na pagkabuhay at pag-alis ng sasakyan. Napaluhod na lang ako sa aking kinalalagyan. "Ano naman bang kalokohan ang gagawin ko? Luto ko iyon at alam kong wala naman akong ginawang masama. Ako at si Matteo ang dapat kakain noon, dumating lang si Eloira. Kung totoong alam kong para kay Eloira ang niluto ko. Sana ay nilagyan ko na lang talaga ng lason para mawala na siya sa buhay ko. Kaya lang hindi pala ako mamamatay tao. Kaya hindi ko talaga gagawin ang ano mang bagay na makakasakit sa iba." Napahilamos na lang ako ng palad. Muli ay nagtungo ako sa salas. Doon ko na lang hihintayin si Matteo. Gusto kong patunayan sa kanya na wala akong ginawang masama. Kahit kailan ay hindi ko hiniling na makapanakit. Hindi ko na naman mapigilan ang aking mga luha. Nasasaktan ako, masakit na masakit na. Naalala ko na naman ang mukha ni Eloira, habang namimilipit sa sakit. Napailing ako. Hindi dapat ako makonsensya. Wala akong ginawang masama. Hindi ko siya sinaktan. Ang nangyari kay Eloira ay maaaring karma niya. Ngunit hindi ko pa rin kayang isiping may masamang mangyari sa anak ni Eloira, kung totoong nagdadalangtao ito. Kahit sabihing ang bata ay mula sa pagtataksil nilang dalawa. Pagtataksil para pasakitan at pasukuin na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD