Chapter 13

2155 Words
Ilang beses kong tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Kahit sabihin mang, inisip kong karma ni Eloira ang nangyari dito ay nag-aalala pa rin naman ako sa kanya. Iyong nakitang kong sakit sa mukha ni Eloira, ay talagang nasabi ko sa aking sarili na deserve niya ang bagay na iyon. Ngunit kahit ganoon ay nakaramdam ako ng awa kay Eloira kung totoong buntis ito. Mas gugustuhin ko pa ring maging ligtas ang mag-ina. Higit sa lahat kung totoong nagdadalangtao ito, at napahamak ang sanggol ay labis ko rin iyong ikakalungkot. Walang kasalanan at inosente ang batang iyon. Lumaki kaming magkasama at naging mabuti din naman talaga sa aking si Eloira noon. Kaya kahit gaano kalaki ang galit na nararamdaman ko para sa kanya, ay ganoon din naman ang pag-aalalang nararamdaman ko mga oras na ito. "Ano na kayang balita? Ano ba kasing nangyari sa babaeng iyon! Totoo bang nagdadalangtao siya? Totoo rin bang may nangyari na sa kanila ni Matteo?" bulalas ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang huli. Kaya lang, kung titingnan kahit si Eloira ang mahal, sa akin nagkamali. Pero mali naman talaga. Si Eloira iniingatan ako ginagamit ang katawan. Bigla na naman sumibol ang inis na akong nararamdaman. Kahit ako ay naguguluhan sa aking dapat maramdaman para kay Eloira. Tapos heto na naman naalala ko na naman ang sinabi ni Matteo. Nakakapag-alala kung mapapahamak si Eloira. Pero nakakatakot naman ang banta ni Matteo sa akin. Kahit alam kong wala akong ginagawang masama. Halos madaling araw na ay nakaupo pa rin ako sa sofa sa salas. Kanina ay nagagawa ko pang maglakad para mawala ang aking antok. Ngunit mukhang hindi ko na iyon mapaglalabanan. Gawa na rin ng gutom at pagod sa maghapon ay napaidlip ako. Halos mapaiktad ako ng pabalyang bumukas ang pintuan. Hindi ko nga narinig ang pagdating ng sasakyan ni Matteo. Ang narinig ko lang ay ang pagsagitsit ng gulong at ang mabilis noong paghinto. Ngunit hindi ko akalaing ganoong kabilis makakapasok ng bahay si Matteo. "Raselle!" Mula sa antok na antok at wala sa huwisyong diwa ay napatayo ako ng tuwid sa lakas ng sigaw niya. Napaatras ako ng mapansin ko ang panlilisik ng kanyang mata. Matang punung-puno ng galit at panghuhusga. "Check the food on the table. Gusto kong makasigurado. Lahat suriin ninyo at wala kayong palalampasin kahit isa!" Galit na utos ni Matteo. Nagulat ako sa sinabi niya. Mula sa may pinto ay pumasok ang tingin ko ay kasama ni Matteo galing sa ospital. Mga nakasuot ang mga ito ng puti. May suot ding facemask at gloves. Apat silang lalaki. Ang dalawa ay may bitbit na maliit na aparato na hindi ko alam kung para saan. Inilatag ng mga ito ang maliit na makina. Narinig ko na lang na iyon ang gagamitin ng mga ito sa pagsusuri daw na gagawin. Ang isa naman ay nakatayo lang sa may gilid. Habang ang isa ang kumukuha ng sample ng pagkain. May nilalagay ang mga itong kung anong kemikal sa sample ng pagkain na sinusuri ng mga ito. Nakasunod lang naman ako sa kanilang ginagawa at naguguluhan sa mga nangyayari. Habang si Matteo ay hindi pa rin humuhupa ang galit na titig sa akin. "Matteo," tawag ko sa kanya. "Don't talk!" Masungit nitong saad kaya naman natahimik na lang akong muli. Lumapit ang isang lalaki siyang pinakahead sa apat na magkakasama. Iniabot nito kay Matteo ang tablet kung saan nakasulat ang resulta ng kung anong nakuha nila sa pagkaing niluto ko. Alam kong wala silang makukuha na kahit na ano doon. Lalo pa at malinis ang pagkaing niluto ko. Ngunit bigla na lang akong nilukuban ng takot nang biglang nag-iba ang titig sa akin ni Matteo. Malamig at walang buhay. "Sir, positive. There was a substance in the food can cause miscarriage. Iyon ang nakain ni Ms. Magsino," paliwanag ng lalaking nasa tabi ni Matteo. Lalo lang akong naguluhan. Miscarriage? Pero paanong nangyari iyon. Noong niluto ko naman ang mga pagkaing ipinaluto ni Matteo ay hindi iyon para kay Eloira. Para kay Matteo iyon. Kaya kahit saan daanin ay ni wala akong balak na masama at wala akong intensyon na may masaktan. Ngunit, paanong nangyari ang bagay na iyon? Hindi iyon totoo. Gusto kong isigaw kay Matteo, ngunit hindi ako makapagsalita. "Nasaan ang gamot na ginamit mo para mapahamak si Eloira at ang anak ko?" Malamig niyang tanong. "Teka lang! Anong sinasabi mo? Anong hinahanap mo? Bakit sa akin mo hahanapin? Wala akong alam," pagtanggi ko dahil iyon ang katotohanan. Wala akong alam sa sinasabi niya. Nabigla ako ng mabilis akong nilapitan ni Matteo. Kinapkapan niya ako hanggang sa matagpuan nito sa bulsa ko ang isang maliit na plastic na naglalaman ng puting powder. Iyon ang nakita kong inilagay ni Eloira sa niluto ko. Kung hindi ko iyon nakuha sa kay Eloira. Malamang ay inilagay nito iyong lahat doon. "Check this!" Utos ni Matteo sa lalaking kausap lang nito kanina. Lalo lang akong naguguluhan sa mga nangyayari. Ilang minuto lang ang lumipas at may nakuha na ring agad ang mga ito na resulta kung ano ang powder na iyon. Ipinakita nila iyon kay Matteo. "This is what the exactly substance we found on the food, Sir," wika ng lalaki. Lalo lang akong tinubuan ng takot kay Matteo. Parang gusto na niya akong saktan sa mga oras na iyon. Ngunit hindi lang nito magawa dahil sa ilang taong nasa loob pa rin ng bahay. "Sir kung may kailangan pa kayo, or kung kailangan po niyo ng printed copy ng result ay maaari po ninyong puntahan sa opisina ko sa ospital bukas." Humugot siya ng hangin para siguro kalmahin ang sarili. "Thank you doc," ani Matteo. Nagpasalamat din ang dumating at nagpaalam ang mga ito sa kanya. Pagkasara pa lang ng pintuan ay lumapat na kaagad ng palad ni Matteo sa aking pisngi. Dalawang beses iyon magkasunod. Masakit. Kaya hindi ko napigilang umiyak. "Anong kasalanan ko? Ano iyong mga pinagsasasabi nila? Wala akong ginawang masama." "Anong kasalanan mo?" Ngumisi ito ng mapakla. "Wala kang puso. Anong kasalanan ng isang batang walang muwang para alisan mo ng karapatang mabuhay! Hindi ko akalaing ganyan ka nang kalala! Mas masahol ka pa sa mga kriminal!" Bulyaw niya sa akin. Hawak ni Matteo ang aking kamay. Parang kung magagawa lang niyang durugin ang bawat himaymay ng aking buto doon ay dudurugin niya iyon. Dahil sa sakit ng pagkakahawak niya ay hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Lalo lang akong nagpatuloy sa pag-iyak. "Anong sinasabi mo? Wala akong alam. Wala naman akong ginagawang masama. Bakit hindi mo tanungin ang girlfriend mo?" Sigaw ko sa kanya. Alam kong hindi niya ako paniniwalaan dahil sa galit siya ngayon. Pero alam kong, lalabas rin ang katotohanan. Hindi man ngayon. "Bakit? Itatanggi mo? Kitang-kita ang ebidensya. Hawak mo! Galing sa iyo. Nakuha sa bulsa mo! Paano mo nagawa ang bagay na iyon? Napakasama mo! Huling-huli ka na, tumatanggi ka pa?" "Oo itatanggi at itatanggi ko ang bagay na hindi ko ginawa. Malinis ang konsensya ko na wala aking ginawang masama. Ngayon mas lalo kong naisip na sayang ang pag-aalalang inilaan ko kanina para kay Eloira. Hindi niya deserve na alalahanin. Napakasama niya!" Muli ay lumapat sa aking pisngi ang kamay ni Matteo. Naramdaman ko ang magmamanhid doon. Parang wala ng pakiramdam. "Kailangan mong makulong? Hindi ako papayag na hindi mo pagbayaran ang kasalanang ginawa mo. You killed my baby! You killed our child!" Duro pa niya habang binibigkas ang mga salitang iyon. "Paanong kasalanan ko? Wala nga akong ginagawang masama. Maniwala ka naman sa akin Matteo. Kahit may sama ako ng loob kay Eloira, hindi ko kailanman naisip na manakit ng iba." "Pero ginawa mo sa walang kamuwang-muwang na sanggol. Hindi pa niya nasisilayan ang mundo, inalisan mo na kaagad siya ng karapatang mabuhay. Eloira has miscarriage. At dahil iyon sa pampalaglag na inilagay mo sa pagkaing niluto mo para sa amin. Napakasama mong tao." "Teka lang! Wala akong ginawang mali at wala akong ibang inilagay sa pagkaing niluto ko. Lalo na at sa pagkakaalam ko para iyon sa ating dalawa. Wala naman akong idea na kasama mo si Eloira. Hindi ko rin alam na buntis siya. Kaya bakit sa akin mo isisisi ang isang bagay na hindi ko naman ginawa. Isa pa iyong nakuha mo sa akin ay hindi iyon sa akin. Iyon ang kinuha ko kay Eloira. Nakita kong inilagay niya iyon sa pagkain niya. Wala akong kasalanan." Paulit-ulit lang ako sa pagpapaliwanag kay Matteo. Pero bingi pa rin siya sa lahat ng mga sinasabi ko. Wala siyang pinapaniwalaan kundi ang isang panig lang ng kwento. "Anong gusto mong iparating? Na sinadya ni Eloira na ipalaglag ang anak namin?" "Bakit? Hindi nga ba? Nagawa nga niyang lagyan ng pampalaglag ang kinakain niya. O baka naman hindi talaga ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya! Kaya gumawa siya ng paraan para malaglag ang anak niya, at para ibunton ang lahat ng sisi sa akin! Napakasama niya!" Sigaw ko sa kanya. Lalo lang nanlisik sa galit si Matteo. Total naman ay parang wala na rin namang patutunguhan ang lahat ng ito lubus-lubusin ko na. Alam ko namang baka ito na ang huling makakasama ko siya. "Ilang buwan na kayong magkasama, halos isang taon na rin kayong magkakilala ni Eloira, pero hindi mo pa rin talaga siya kilala. Hindi na birhen si Eloira ng makilala mo. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, alam kong may mga naging kasintahan siya. Hindi ko siya pinapakialaman dahil buhay niya iyon at alam kong alam na niya ang tama at mali. Hanggang sa nakilala ka niya. Inagaw niya sa akin ang dapat naman talaga sa akin. Siniraan niya ako sa iyo. Hanggang sa wala ka ng pinapaniwalaan kundi ang mga sinasabi ni Eloira. Kasal ka nga sa akin at nararamdaman ko ang init mo tuwing tayo ay nag-iisa. Pero alam kong hindi ka na magiging akin. Pero tandaan mo Matteo, hindi ako makikipaghiwalay sa iyo. Gusto mo ng sakitan! Pagbibigyan kita. Hindi kayo magiging masaya hanggat nasa akin ang apelyedo mo. Habang buhay na magiging kabit lang ang papel ni Eloira sa iyo!" Galit kung bulalas. Kung literal na nakikita ang apoy ng galit malamang ay nabugahan ko na si Matteo ng apoy. Sagad na sagad na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto ko lang naman ng maayos at masayang buhay. Kasama ng lalaking mahal ko at mga anak kung bibiyayaan kami. Pero bakit ganito? Noong masilayan ko ang mukha ni Matteo, pakiramdam ko ay nasa langit ako. Pero nang makasama ko na siya, doon ko naramdaman ang impyerno. Muli ay naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Matteo. Nang hawakan niya ang buhok ko at iniharap ako sa kanya. Masakit ang pagkakasabunot niya, pero tiniis ko. Hanggang sa sinalo ng isa niyang kamay ang leeg ko. Gigil niya akong hinawakan doon. May diin, may galit. Nauubusan na ako ng hangin. "M-Matteo, h-hindi a-ako m-makahinga!" nauutal kong saad habang hinahampas ko ang braso niya. "Baliwala lang ang lahat ng nararamdaman mo, kumpara sa nararamdaman kong sakit sa mga oras na ito. Nawalan ako ng anak na hindi man lang nasilayan ang mundo." "M-Matteo, maniwala ka. W-wala akong ginawang m-masama k-kay Eloira." Pakiusap ko. Gusto kong maramdaman niyang totoo ako sa mga sinasabi ko sa kanya. Na kahit minsan ay hindi ko magagawang manakit ng iba. Lalo na kung iyon ay isang sanggol na walang muwang. "K-kung galit ka sa akin ay tatanngapin ko ang lahat ng p-parusang ipapataw mo. P-pakiusap, h-huwag mong dungisan ang mga kamay mo. M-mabuhay kang m-masaya k-kasama ng t-totoong m-mahal mo." Habol hiningang pinilit kong sinabi ang bagay na iyon. Kung mamamatay ako, sa mga kamay ni Matteo ay alam kong makukulong siya. Mas gusto ko pang ipabuya siya kay Eloira ng buo. Kaysa magdusa siya ng dahil lang sa isang pagkakamali. Unti-unting inalis ni Matteo ang pagkakahawak sa akin leeg. Alam kong galit pa rin siya nang pabalya niya akong bitawan. Pero mas mabuti na rin iyon. Dahil hindi nadungisan ng kahit na anong kasalanan ang kanyang kamay. Buhay ako kahit naghahabol ako ng paghinga. Lupaypay at hindi ako makakilos ng lumapat ang aking katawan sa malamig na sahig, habang naghahabol pa rin ng paghinga. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Matteo, ngunit pagod na pagod na ang katawan ko. Hindi ko na kinaya pang magmulat ng mga mata para tingnan siya. Naramdaman ko na lang ang pag-alis ni Matteo sa aking tabi. Doon muling bumuhos ang aking mga luha, kasabay ng aking paghikbi. Hindi ko na alam? Kaya ko pa ba? Tanong ko sa aking sarili. Hindi ko na alam kung ano ang magiging desisyon ko. Ngunit ayaw kong magdesisyon ng galit ako. Magdedesisyon ako, paghupa na ang unos at wala na ang galit sa puso ko. Narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pintuan. Lumabas na ng bahay si Matteo. Kasunod noon ang tunog ng papalayong sasakyan. Alam ko naman. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapapalitan si Eloira sa puso ni Matteo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD