Mula sa ikalawang palapag ng event hall ng hotel ay tanaw na tanaw ko ang masasayang tawanan ng mga taong nagagalak sa magaganap na kasal ng dalawang taong nagmamahalan. Ako naman ay nais din sanang maging masaya para sa kanilang dalawa. Masaya naman ako para sa kanila, totoo. Pero mas masaya sana kung nag-iba lang ang sitwasyon.
Bukal sa puso ko ang magpayara at hindi magdaramdam kung hindi nangyari ang lahat. Maayos lang naman kami ni Eloira, hanggang sa lumabas ang totoong ugali niya. Walang magandang salita na lumalabas sa bibig niya. Lahat ng paninirang puri na ipinagsasabi niya tungkol sa akin ay pinaniwalaan ng iba. Ngunit sa pangit niyang mga salita ay ito pa rin ang mabuti. Habang ako pa rin ang nananatiling masama.
Bakit naman kailangan pa niya akong siraan? Hindi naman ako katulad ng iba na gagawa ng eksena para lang manira ng relasyon ng iba. Kahit naman anong mangyari ay ayaw kong maging hadlang sa kanilang dalawa. Kahit masakit sa puso kong makita silang masaya.
Humugot ako ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Ininom ko ang alak na nasa aking baso. Sumayad sa aking lalamunan ang pait, init at tamis na hatid nito. Muli kong tinitigan ang bote ng alak na ibinigay sa akin ng waiter nang humingi ako sa kanya.
Kasama raw sa binayaran ng ikakasal ang lahat ng alak at pagkain sa hotel sa araw na iyon hanggang bukas. Kaya libre kong maiinom ang mamahaling alak na nais ko. Kahit papaano ay natuwa na rin ako. Ilang bote lang ng mamahaling alak ang kailangan ko. Para sa ilang oras na pagpapamanhid sa puso at isipan ko. Kahit papaano, makakapahinga sa sakit.
Muli ay nabaling ang aking tingin sa dalawa. Bakit ba ako nag-iisip ng kung anu-ano ay wala na naman akong magagawa sa mga nangyayari? Masakit man ay pinilit ko na lang silang panoorin na dalawa. Masayang ipinapakilala ni Matteo sa mga kakilala nito ang mapapangasawa. Malawak naman ang mga ngiti ni Eloira. Halata ang saya sa kanyang mga mata. Pero kung ang titingin doon ay katulad kong kilala si Eloira, mula ulo hanggang paa ay masasabi kong kaplastikan lang ang lahat.
Kung totoong mahal niya si Matteo ay hindi ako sigurado. Pero sigurado akong hindi niya iiwan ang lalaki dahil sa pera nito.
Ilang sandali pa at inakay ni Matteo si Eloira sa parteng elevated na siyang nagsisilbing pinaka stage sa event hall. Nilagyan ko rin muli ng alak ang basong hawak ko at muling uminom.
"Good evening everyone. Thank you for the time you spend to us this night. Alam naman natin na bukas pa ang aming kasal ng napakaganda kong mapapangasawa. Ngunit hindi ko kayang palampasin ang gabing ito na hindi ko siya naiipakilala sa inyong lahat. Here the lady beside me is Ms. Eloira Magsino, my love and the one and only my future Mrs. Matteo Barcelona."
Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa buong event hall. Maliban lang siguro sa akin na abala sa pagsimsim ng alak. Isa pa, bitter ako.
Nadako ang aking paningin sa bagong pasok sa pinto. Isang magandang ginang habang nakaalalay dito ang isang ginoo na sa tingin ko ay esposo ng una. Maganda ang bukas ng mukha ng dalawa ngunit hindi kababakasan ng ngiti habang nakatingin kay Eloira. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Hindi ko sakop ang isipan ng ibang tao, o baka nagkakamali lang ako ng tingin.
Nasundan ko pa ng tingin ng ngumiti ang ginang habang nasa iisang direksyon ang mga mata nito. Nakatitig ito kay Matteo.
Habang naging malawak naman ang ngiti ng binata nang makita ang dalawa. Hindi ako maaring magkamali ng mapansin ang pagkakahawig ni Matteo sa ginoo na may kaunting resemblance sa mukha ng ginang. Mga magulang iyon ng binata.
Kita ko kung paano ipakilala ni Matteo si Eloira sa mga magulang nito. At kung paano lang kamayan ng mga ito ang mapapangasawa ng anak.
"Hindi nila tinanggap ang pakikipagbeso? Weird. Ganoon ang mayayaman di ba? Yakapan at beso, pero ito manugang nila, pero nakipagkamay lang sila? Ano iyon business partners?" Nailing na lang ako.
Wala naman akong idea kung bakit parang hilaw ang pakikitungo ng mag-asawa kay Eloira. Sa taong hindi mapagmasid ay hindi basta mapapasin ang bagay na iyon. Pero ako, halatang-halata ko ang pagkaayaw ng mag-asawa kay Eloira na hindi napapansin ng anak, na labis kong ipinagtataka.
Hindi ko alam kung bakit bigla at sabay pang dumako ang paningin ng mag-asawa sa pwesto ko at parehong ngumiti. Ako man ay hindi mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Hindi ko man sila kilala ay magaan ang loob ko sa dalawa. Mukhang mababait eh.
Hanggang sa pinuntahan ng mag-asawa ang anak at nagpaalam ang mga ito. Dahil kitang-kita ko ang muling paglabas ng mag-asawa sa event hall. Habang habol tingin lang si Matteo sa mga magulang.
Nailing na lang ako. "Bakit kaya hindi man lang sila tumagal sa party? Anak nila ang ikakasal. Pero mukhang hindi sila excited." Hindi ko napigilang komento ko.
Muli ay nadako ang paningin ko kay Matteo. Pero nabura ang aking ngiti nang lumapit dito si Eloira at ngumiti sa mapapangasawa.
"Akala mo naman ay aagawan." Sabi ko na lang habang mahigpit na nakakuyom ang aking kamao habang kapit-tuko si Eloira sa braso ni Matteo.
Sa haba ng oras ng pagsunod ng aking paningin kay Matteo ay hindi ko rin namalayan na nakadami na pala ako ng alak na nainom. Nakailang hingi rin ako sa waiter ng alak. Wala eh. Masarap pa rin talaga ang libre.
Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya nagpasya na akong tumayo. Ngunit agad rin akong napaupo. Natawa na lang ako ng mapakla. Mukhang hindi ko na kakayaning makarating sa sarili kong silid. Nagpapasalamat na lang ako na hindi sobrang aga ng kasal. May panahon pa akong mahulasan at hindi magwala sa kasal nila. Napahagikhik na lang ako sa kaluwagan ng turnilyo ng utak ko sa aking mga iniisip.
Naramdaman ko na lang ng biglang may umalalay sa akin na tumayo. Hindi ko kilala, ngunit base sa body built nito ay isa itong babae. Mas napatunayan ko pa ng magsalita ito.
"It was okay hija. You're too drunk. And I want to help you to reach your hotel room." Hindi na ako nagreklamo pa at sumunod na lang ako. Hilong-hilo rin naman ako at gusto ko na rin talagang mahiga.
Mula sa gilid ng suot kong bra ay dinukot ko ang key card ng aking hotel room at ibinigay sa babae. Narinig ko pa ang mahinhin niyang pagtawa habang buong ingat akong inaalalayan. Alam ko naman kung bakit siya natawa. Wala akong bulsa eh, di sa gilid lang ng aking bra pwedeng ilagay, ang key card ko.
Hanggang sa marating namin ang aking silid, mabuksan iyon at madala ako sa aking kama. Naramdaman ko rin ang pag-alis niya sa aking suot sa paa at ang pagtabon niya ng kumot sa aking katawan. Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Hanggang sa wala na akong maalala kung nakalabas ba kaagad ng silid ko ang taong nagdala sa akin sa loob.
MATTEO
Nasundan ko na lang ng tingin sina mommy at daddy ng magpaalam sa akin sa event hall. Sila pa naman ang inaasahan kong mag-aasikaso sa iba ko pang mga bisita. Ngunit napahawak na lang ako sa aking sentido. Hindi ko alam kung mag-aalala ba ako sa kanilang dalawa o pagsasabihan ko na lang na para silang mga bata at ako ang kanilang magulang.
Sinabi nina mommy at daddy na maaga silang magtutungo sa hotel. Pero hapon na, nakabalik na ako at lahat galing sa opisina ay hindi pa rin sila dumarating.
Nag-abang lang ako sa lobby ng hotel. Gusto ko sanang personal na ako ang maghatid sa kanila sa hotel room na kanilang gagamitin. Hanggang sa dalawang masayang mukha ang bumungad sa akin. Magkahawak ang mga kamay na wari mo ay parang mga teenager na papasok sa hotel at may dala pang sariling pagkain.
"And what was that, Marino Leonardo Agustin Barcelona? Turo ko sa supot ng pagkaing dala niya. "And you Maria Teresita Leandra Barcelona?" Bigla naman nitong itinago ang dalang soft drinks sa likuran.
Napapatango na lang ako habang hilot ko ang aking noo. Matatanda na sila pero pinapasakit nila ang ulo ko.
"Who gave you two a permission to buy that food?" May inis kong tanong sa kanila. Hindi dahil sa mayaman silang dalawa ay hindi na pwede ang ganoong pagkain sa kanila. Naiinis ako dahil may diabetes sila pareho at pareho rin tumataas ang blood pressure. Kaya bawal na bawal sa kanila ang ganoong pagkain. Malalangis at matatamis. Iyon nga lang kung ano ang ipinagbabawal ay para pang mga batang pasaway at iyon ang gusto.
"Kung makapagsalita ka sa amin ng ama mo parang hindi mo kasal ang araw na ito ah."
"Bukas pa." Saad ko na ikinatawa lang nila pareho, at patuloy lang itong nagsalita.
"Hindi ba dapat pinagbibigyan mo kami sa nais namin para naman mas magkaroon kami ng good expression dyan sa mapapangasawa mo?" Inis na sabi sa akin ni mommy na ikinatango ko na lang.
"Pero bakit ba sinalubong mo pa kami. Kung naging busy ka na lang sana sa mapapangasawa mo hindi mo sana kami nakitang may dala nito." Singhal ni daddy.
"Oo nga naman. Tama naman ang daddy mo. Minsan lang ito. I think nga nasa five years na mula noong huli kaming nakatikim nito ng daddy mo. Tapos kung makapagbawal ka sa amin!"
"Let me correct you mommy. Three months noong huli tayong nagkita. At noong araw na iyon ay iyan ang palihim ninyong ipinabili sa mga katulong. Huwag kayong tatanggi kasi nahuli ko sila."
"Kahit na! Mula noon ay ngayon lang ulit. It feels like, ten years ago. Tapos galit ka pa! Ito lang ang kasiyahan namin. Wala namang ginagawang masama ang mga magulang mo." Naiiyak pang saad ni mommy. Kahit alam kong peke lang naman ang pag-iyak niya. Itinaas ko ang aking kamay bilang pagsuko sa kanilang dalawa. Hindi ako mananalo sa drama queen at drama king.
"You win, oldies. But, yan lang and only this time. Pagnaubos ninyo yan ay tama na ulit. And never again."
"Mabuti na lang madami tayong nakain nito kanina," bulong ni mommy kay daddy. Akala ba nila hindi ko iyon narinig.
"What did you say mom?"
"Wala ah. Sabi ko sa daddy mo. Last na ito. Hindi na ulit kami kaikain nito. Hanggang bukas."
"What?"
"Makikinig na kami sa iyo Matteo. Aba kung makapagsalita ka naman. Anak lang kita!" Aba't nakataas pa talaga ang kilay ng reyna.
"Really?" Tumatango-tango ko pang saad. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng dalawang pasaway na ito. Gusto talagang pasakitin ng dalawang ito ang ulo ko sa araw ng kasal ko.
"Really, Dad," nakangising saad ni daddy na ikinailing ko na lang. Wala na rin akong nagawa. Sabi nga ng reyna, anak lang nila ako. Pasaway.
Sinamahan ko na sila sa kanilang silid. Ako na ang nagdala ng maleta nilang dalawa na inihatid ng guwardiya ng hotel.
Napailing na lang ako ng muling maalala ang nangyari sa lobby ng hotel. Nagpaalam ang dalawa na magpapahinga dahil sumasakit ang ulo. Iyon na nga ba ang sinasabi ko. Halos ubusin nila ang tig dalawang fried chicken at soft drinks na wari mo ay hindi talaga nakakatikim noon, pagkarating nilang dalawa sa silid nila. Kaya ayon nagpakita lang talaga sa event at bumalik na sa kwarto nila.
Nawala ang pag-aalala ko sa dalawang pasaway na matanda nang maramdaman ko ang pagkapit ng kamay Eloira sa braso ko. Napangiti na lang ako sa ganda ng ngiti niya sa akin. Muli ay nilibot namin ang mga bisita, habang lahat ng kakilala ko sa business world ay binibigyan ako ng baso ng alak. Dahil hindi ko naman iyon matanggihan, lahat ay aking tinanggap at aking ininom.
Malalim na ang gabi ng mapansin kong pagod na rin si Eloira. Gusto kong maging maganda at fresh siya sa araw ng aming kasal. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang isa niyang kaibigan, at tinawag ito. Ang babaeng parang sa tingin ko ay naging kapalit ni Raselle sa buhay nito. Pero dahil maayos na ang line up para sa entourage, hindi na nagpalit si Eloira ng maid of honor at hinayaan na nitong kay Raselle ang spot na iyon. Sabi nga niya sa akin ay huling pagkakataon na naman daw iyon.
And speaking of Raselle, hindi ko nakita ang babae. Ngunit ayon naman sa front desk ay nasa sariling hotel room na nito ang dalaga. Dumating ito kaninang umaga.
Nang makaalis si Eloira at ang kaibigan nito ay nagpatuloy ako sa pag-aasikaso sa mga bisita. Hanggang sa isa-isa ng umalis ang mga ito sa event hall. Ang iba ay nagtungo sa hotel room na laan sa mga ito. Habang ang iba ay umuwi at babalik na lang kinabukasan.
Hindi naman nakaatend sa gabing ito ang nag-iisang lalaking pinakamalapit sa akin. Ngunit hahabol na lang daw siya bukas, para siyang maging best man ko.
Nahihilo akong naglalakad patungo sa silid na laan para sa akin. Sabi kasi nila ay bawal na magkasama ang ikakasal sa huling gabi bago ang kanilang kasal kaya nilampasan ko ang silid na sa pagkakaalam mo ay silid na inilaan ko kay Eloira. Hilong-hilo na ako sa aking kalasingan ng mapansing nakarating na ako sa dulo. Muli akong bumalik para tingnan sa key card ko ang numero ng hotel room ko. Hanggang sa matagpuan ko din iyon. Nagulat na lang ako ng awang iyon. Napailing na lang ako. Madilim sa loob, ngunit hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw.
Hanggang sa paghiga ko sa kama ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Napangiti na lang ako, dahil sinabi ko na sa kanyang bawal nga. Tapos heto at nasa silid ko pa rin.
"Pasaway," nasambit ko na lang at mahigpit ko na lang siyang niyakap. Narinig ko ang malambing niyang pag-unggol kaya mas lalo kong isiniksik ang aking sarili sa kanya. Hanggang sa maramdaman kong umayos siya ng pwesto at humarap sa akin.
Naramdaman ko ang pagtama ng aking mukha sa malusog niyang dibdib. Kakaiba ang amoy nito. Parang lalo akong nalalasing at nahuhumaling na mas isubsob pa ang aking mukha doon.
Lalo lang naman siyang napaungol. Parang may kakaibang init na dumaan sa aking lalamunan hanggang sa maramdaman ko ang pagkabuhay ng bagay na iyon sa pagitan ng aking mga hita.
Napalunok ako, mas lasing na ang aking pakiramdam ngayon. Lasing, hindi lang sa alak, kundi sa pagmamahal at pagnanasa para sa babaeng nasa aking tabi.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at marubdob kong dinampian ng halik ang kanyang dibdib pataas sa kanyang leeg hanggang sa maabot ko ang kanyang panga patungo sa nakaawang niyang labi.