Hindi ko alam kung ilang beses ba akong humugot ng hininga bago nagpasyang lumabas ng aming apartment. Mapait na lang akong napangiti habang naglalakad patungong labasan para makasakay ng tricycle at makapagpahatid sa hotel kung saan magaganap ang kasal nina Matteo at Eloira.
Pagkarating ko sa harap ng hotel ay hindi na ako nabigla sa pagkamangha sa nasilayan kong ganda nito. Ano pa bang aasahan ko sa kasal ng isang lalaking mayaman. Hindi lang ng pamilya nito kundi ito pa mismo. Nailing na lang ako dahil naiinggit na naman ako kay Eloira. Ang inggit na aking nararamdaman ay hindi dahil mayaman ang napangasawa nito. Kundi dahil sa mahal ko ang lalaking pakakasalan nito.
Humugot lang ako ng hangin bago pumasok sa entrada ng hotel. May kanya-kanyang hotel room ang bawat kasama sa entourage. Kaya kahit ayaw nila sa akin ay mayroon rin akong sariling silid.
Matapos maibigay nang nasa front desk ang hotel room ko ay tinahak ko na iyon. Parang pakiramdam ko ay gusto ko na lang mahiga at magkulong sa kwartong iyon mula sa mga oras na iyon at lumabas na lang pag oras na ng kasal.
Papasok na sana ako sa loob ng hotel room ko ng may marinig akong pag-uusap sa kaharap na pintuan ng aking silid. Sa tingin ko ay mas malaki at malawak ang silid na iyon. Dahil ang silid ko ay may katabi pa ring pintuan. Pero ang pintuan ng silid na kaharap ng aking silid, ay nasa ikaapat pang pinto. Sa madaling salita ay tatlong hotel room ang katumbas ng hotel room na nasa katapat ng hotel room ko. Nakakalula sa laki.
Napasilip ako sa nakaawang na pintuan kaya naririnig ko ang pag-uusap.
"Hon, kinakabahan talaga ako. Dahil sa ilang beses na hindi natuloy na ipakilala mo ako sa mga magulang mo. Tapos ngayon ko pa lang sila makikilala kung kailan sa mismong araw na ng kasal natin." Malambing na saad ni Eloira sa kausap.
"No need to worry Hon. Alam kong magugustuhan ka nina mommy at daddy. Alam nilang hindi ako basta-basta pipili ng mapapangasawa. Kaya sigurado akong magugustuhan ka nila. Isa pa sinong hindi maiinlove sa pinakamabait, pinakamaunawain at pinakamapagmahal na babae. Siguro ay bulag lang sila kung hindi nila makikita ang nakikita ko sa iyo," sagot ni Matteo na nagpakuyom sa mga kamao ko.
"Tang*na! Ang hirap talaga pag tsismosa. Di ba Raselle? Nadudurog ang puso!" Hindi ko na napigilang bulalas at padabog na pumasok sa silid na para sa akin. Parang magigiba ang pintuan ng kwarto sa lakas ng pagsara noon. Wala akong pakialam kung marinig nila.
"Ang plastic talaga ng babaeng iyon. Tapos!" Napasabunot na lang ako sa sariling buhok. "Nakakainis!"
Sa halip na mahiga na lang sa malambot na kama ay napagpasyahan ko na lang lumabas at sulitin ang pagstay ko sa hotel na iyon. Once in a blue moon lang kasi ako makarating at makatungtong sa ganoong lugar. Sa halip na magmukmok ay sulitin ko na lang.
Lalabas ma sana ako ng aking silid ng pag-awang ko ng pintuan ay nasilayan ko si Matteo na parang aligaga at natigilan pa sa harap ng pinto habang may kausap sa cellphone nito.
"Papunta na ako." Iyon lang ang aking narinig bago ibinaba nito ang tawag. Muli nitong binuksan ang pintuan at tinawag si Eloira.
"Babalik ako kaagad. Sa ngayon enjoy mo muna ang pagstay mo dito sa hotel. Baka mamaya narito na rin ang mga magulang ko. Alam kong makakasundo mo sila. Isa pa, nasa katapat lang na silid ang kwarto ni Raselle. Kung ano man ang alitan ninyo, kalimutan mo na lang muna Hon. Mas mahalaga sa kung ano mang away ninyo ang kasal natin. So kung hindi siya behave. Ikaw ang magbehave okay," anito na ikinatango ni Eloira.
"I love you Matteo."
"I love you too Hon," sagot ni Matteo.
Ngunit hindi pa doon natatapos ang heartbreak. Nakita ko pa ang paglapat ng labi ni Matteo sa pisngi ni Eloira, na nagbigay hiwa sa aking puso hanggang sa tuluyan ng magdugo.
Hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko. Hindi rin naman nila napansin na awang ang pintuan ng aking kwarto. Hinintay ko na lang na makaalis sila. Naunang umalis si Matteo. May tinawagan si Eloira. Sa tingin ko ay mga bago na nitong mga kaibigan, bago ito tuluyang umalis.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala na sila sa aking paningin. Maingat kong binuksan ang pintuan ng hotel room ko. Hindi katulad kanina na halos masira na iyon sa lakas ng pagkakasara.
Nakarating ako sa likurang bahagi ng hotel. Kung maganda ang harapan nito ay mas may igaganda pa pala ang likurang bahagi. May malawak iyong garden at may dalawang swimming pool. Para sa mga bata at sa mga matatanda. Ayon na rin sa signage na nasa gilid ng mga pool.
Bumalik ang tingin ko sa may garden. Doon gaganapin ang garden wedding nina Eloira at Matteo. Naroon na naman ang paninikip ng aking dibdib. Sakit na hindi ko alam kong may lunas pa at pagkirot na walang humpay na parang palaging may sumasaksak doon ng ilang libong beses.
Nakatanaw lang ako sa mga taong masayang naghahanay ng mga silya at mga nag-aayos ng hardin. Kahit masakit at nakakainggit ay masaya pa rin akong pinagmamasdan ang mga taong abala sa kanilang mga ginagawa. Hanggang mapadako ang tingin ko kay Eloira sa labas ng gate ng hotel na may dalawang matandang sinisigawan.
Base sa suot na damit ng mga ito ay mga pulubi ang mga ito. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ang mga ito. Malayo pa lang ay dinig na dinig ko na ang panggigigil ni Eloira.
"Alam ba ninyo kung gaanong kamahal ng damit na suot ko tapos dudumihan n'yo lang!" Dinig kong sigaw ni Eloira sa dalawang matanda na sa tingin ko ay mag-asawa dahil magkahawak pa ang mga ito ng kamay.
"Hindi naman namin sinasadya kaya himihingi kami ng paumanhin Miss." Ramdam kong totoo ang paghingi ng tawad ng matandang lalaki.
"Hindi ka naman namin napansin ng asawa ko. Dahil sobrang saya naming dalawa. Ngayon lang kami nakabili ng soft drinks at ngayon lang kami sana makakatikim noon. Nagpapasalamat nga kami at may nagtitingi. Pero hindi ka talaga namin napansin nang bigla kang dumaan," paliwanag ng matandang babae kaya nakaramdam ako ng habag.
Siguro ay sobrang hirap nila at mas mahirap pa sa akin, base na rin sa kasuotan nila. May bakas ng putik na natuyo sa kanilang damit. Ang suot naman nilang sapin sa paa ay sobrang nipis na. Pero napangiti rin naman ako na kabaliktaran ng kasuotan nila ang kanilang mga paa. Malinis iyon at napakaputi. Napakunot pa ang aking noo dahil mukhang mas makinis pa ang paa ng mag-asawa sa paa ko. Hanggang sa madako sa kamay nila ang paningin ko. Puno ng uling iyon dahil sa itim. Pati ang mukha ng dalawa. Isa ay ang mga kulobot ng mga ito sa mukha. Nawala na rin sa aking isipan ang nakita kong itsura ng paa ng mga ito.
Malapit na ako sa kanilang tabi ng mapansin ko ang pastic cup na nakakalat sa semento na dahan-dahang dinampot ng matandang lalaki. Nanginginig pa ang kamay nito ng iabot sa asawa ang gagapatak nitong laman.
"Pasensya na mahal, ito na lang ang natira."
Parang gusto kong umiyak sa aking nasaksihan. Ilalapit na sana ng matandang babae sa labi nito ang plastic cup ng tabigin iyon ni Eloira. Natigilan naman ang dalawang matanda.
"Wala ba kayong narinig? Sabi ko, ay kailangan ninyo akong bayaran para patawarin ko kayo. Hindi sapat ang salitang paumanhin lang!" Sigaw nito.
Doon nagpanting ang aking tainga. Kaya mabilis akong lumapit sa kanila para sampalin si Eloira. Alam kong malakas ang pagkakasampal ko sa kanya. Dahil kahit ang kamay na ginamit ko sa mukha niya ay nag-init at nasaktan.
"What the hell are you doing!?" Madiimg sigaw ni Eloira sa akin. Habang ako ay naghahabol ng hininga.
"Wala kang awa. Wala ka na rin bang puso! Alam mo kung saan tayo nagmula. Pero mula ng makilala mo si Matteo ay nagbago ka na. Pasalamat ka pa nga at minahal ka noong tao kahit isang huwad lang ang ugali mong nakikita niya sa iyo. Ipinaubaya ko siya sa iyo, kahit ako naman dapat talaga. Dahil nakikita kong masaya siya pag kasama ka niya. Pero bakit ka nagkaganyan Eloira? Mas masahol ka pa sa mga halang ang kaluluwa kung umasta. Nakikita mo ba ang kalagayan ng dalawang matandang pinagbabayad mo niyang damit mo? Hindi mo na sila kinapa sa kalagayan nila. Gayong pareho lang tayong galing din sa lusak. Nakaahon ka lang dahil sa pera ni Matteo at hindi dahil sa pagsisikap mo!" Singhal ko sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
"At least gumawa ako ng paraan para makaahon sa hirap. Hindi katulad mong," pinutol niya ang sinasabi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kung pareho lang tayo ng pagkatao at ugali ay pareho lang tayong mamatay ng mahirap. At least ako mahal ko si Matteo habang mahal din niya ako. Why I don't grab that chance? Ikaw naman ay hindi niya mahal kaya anong pinuproblema mo?"
Natigilan ako. Tama naman siya na hindi ako ang mahal. "Oo wala naman nga akong problema doon. Kaya nga hindi naman ako naghahabol di ba? Ang punto ko ay ngayon. Hindi ka na naawa sa mag-asawa."
"Awa ba? Okay dahil, knight in shining armour ka, di sige hindi ko na sila pagbabayarin pa. Para gaano na lang ang presyo ng damit na ito. Mas magiging mayaman na ako pag kasal na kami ni Matteo at kahit sampung ganito, makakabili ako!" Singhal ni Eloira. Bago ito umalis sa aking harapan ay tiningnan muna niya ng masamang tingin ang mag-asawa kaya napahalukipkip ang mga ito.
Mabilis ko namang hinawakan ang kamay nilang dalawa. Awang-awa ako sa kanilang kalagayan. Hindi ko pa rin mapigilan ang aking mga luha ng mapansin ang itsura nila. May maliit na sugat ang mukha ng matandang lalaki. Habang ang matandang babae naman ay sunog ang mukha dahil sa init ng araw.
"Salamat sa pagtatanggol mo sa amin hija. Hindi naman namin iyon sinasadya." Malungkot ngunit nakangiting wika ng matandang lalaki. Kahit ang matandang babae ay nakangiti din sa akin. Kitang-kita ko ang magaganda at mapuputi nilang mga ngipin na ikinakunot ng aking noo. First time kong makakita ng mga pulubing, makinis at maputi ang mga paa. At mayroong magaganda at mapuputing mga ngipin. Ngunit agad ko ring inalis sa aking isipan ang aking pagtataka. Walang masamang maging malinis sa katawan. Kahit ikaw ay isang mahirap lang. Mas mabuti nga ang ganoon may good hygiene sa katawan.
"Wala po iyon. Kahit naman po siguro sino gagawin ang ginawa ko, kung may iba pang nakakita sa sitwasyon niyo na naabutan ko kanina. Isa pa, iyong babae pong iyon ay matagal ko ng kaibigan. Kaya lang nang makilala niya ang lalaking mapapangasawa niya, ayon nag-iba na po ang ugali. Lalo na nang malaman niyang napakayaman nito. Pero alam po ba ninyong ako ang unang nakakita sa lalaking iyon. Sa totoo lang po dahil napakagwapo ng lalaking iyon ay na love at first sight po yata ako sa kanya. Kahit hindi ko alam kong saan siya nagmula o kung ano ang pagkatao niya. Nakita ko siya noong maaksidente siya. Kahit hindi po ako doktor, at hindi ako ang nagmaneho ng sasakyan, pero masasabi ko pa rin pong ako ang nagligtas sa kanya."
Hindi ko namalayang patuloy pa rin pala ako sa pagluha. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng paghawak ng mag-asawa sa aking mga kamay. Doon ko lang napagtanto na nagkukwento na pala ako sa kanila.
"Naku sorry po. Hindi ko po intensyon na maging madaldal. Kaya lang po, itong bibig ko. Pasensya na po talaga."
"Naku walang problema hija. Sa totoo lang wala kaming anak na babae. Nakakatuwa lang sana kung ikaw ay naging anak naming mag-asawa. Kaya lang sa kalagayan namin ay hindi ka namin kayang ampunin." Natatawang saad pa ng matandang babae, kaya naman kahit ako ay natawa na rin. Ganoon rin ang kanyang asawa.
"Pero pwera biro hija. Napakaswerte ng lalaking mamahalin mo," wika ng matandang lalaki na ikinailing ko.
"May mahal po siyang iba. At iyon nga po ang babaeng nakaharap ninyo kanina."
"Don't worry hija. If lies can't speak, loud and clear. The truth is always hear in silence."
Napatanga ako habang nakatingin sa matandang babaeng nagsasalita. Alam kong hindi ako bingi. Dahil buong-buo kong narinig ang matatas na Ingles na kanyang sinabi. Hanggang sa madako ang tingin ko sa matandang lalaki.
"Even the deaf can hear a sound, the mute can speak loud and the blind can see. Know why? Because, even if they are remain in silence and in the dark. They can hear, speak and see tru the heart and soul."
Hindi ko maisara ang aking bibig dahil sa narinig kong sinabi nila. Buong Ingles iyon at hindi ako maaaring magkamali ng narinig. Nauunawaan ko ang sinasabi nila kahit para iyong talinhaga o palaisipan. Pero ang paraan kung paano nila iyon sabihin ang talagang nakapagpatulala sa akin. Wala pa akong nakitang pulubing inglesero. Ngayon pa lang.
Ngunit bago pa ako nakabawi sa pagkabigla ay muli kong naramdaman ang paghigpit ng hawak nila sa mga kamay ko.
"Hija, baka naman may kaunti kang barya. Kahit tubig na lang sana. Naubos na kasi ang natitira naming limang piso. Tapos ay natapon pa ang aming binili." Malungkot na saad ng matandang babae. Bigla ay biglang nakalimutan ko na ang aking mga narinig.
"Naku hindi lang po tubig ang bibilhin ko sa inyo. Hindi po ako mayaman, pero tara po ililibre ko po kayo ng pagkain. Kakain po tayong tatlo. Okay po ba sa inyo sa fastfood." Masayang saad ko at nakita ko rin ang tuwa sa kanilang mga mata. Ngunit agad ding napalitan ng lungkot ang nakita kong tuwa sa kanilang mga mata. "Bakit po?"
"H-hindi kami papapasukin doon?"
Muli kong pinasadahan ng tingin ang kanilang mga ayos. Napaisip din ako. Maaring tama sila at pagdating namin doon ay kutyain lang sila at ipagtabuyan.
"Ganito na lang po. Doon po tayo sa parke. Ako na lang po bibili ng pagkain nating tatlo," saad ko sa kanila ng maalala kong may malapit na fastfood doon sa hotel na iyon, habang sa tapat noon ay may maliit na parke.
"Hindi ba nakakahiya?" parang bigla ay nahiya ang matandang babae. Humawak din sa kamay nito ang asawa.
"Mas nakakahiya po ang inasal ng dati kong kaibigan. Kaya po ako na ang humihingi ng paumanhin. Isa pa po, masasabi ko pong first time kong magkakaroon ng mga magulang na kasabay sa pagkain. At ang araw pong ito ay palagi kong babaunin sa aking puso at isipan. Na sa ilang minuto ng buhay ko, pinahiram ako ng Panginoon na magkaroon ng isang buong pamilya." Totoo sa puso ko ang sinabi ko sa kanila.
Hindi na rin naman ako nahirapan pang kombinsihin ang mag-asawa at mabilis na pumayag ang mga ito. Dinamihan ko rin ang aking order para may makain pa ulit sila mamayang gabi.
Sa ilang oras na nakasama ko ang mag-asawa ay totoong naging masaya ako at nakalimot sa sakit na dulot ng pagkabigo sa lalaking aking unang minahal. Hanggang sa kinailangan ko ng magpaalam sa kanilang dalawa para bumalik sa hotel dahil hapon na.