Chapter 6

1980 Words
Mula nang gabing nagkausap kami ni Matteo ay hindi na ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya. Paano ba naman, bantay sarado ni Eloira. As if, aagawin ko siya. Hindi ako tulad niya. Pero dahil palaging nasa apartment namin ni Eloira si Matteo ay palagi ko siyang nakikita. Napapagmasdan pag hindi siya nakatingin. Sabi nga kung mahal mo, maging masaya ka na lang para sa kanya kung saan siya sasaya. Kaya ito na lang ang ginagawa ko. Nakaw tingin. Kahit masakit na. Hindi ko naman akalaing ganoon pala ang ibig sabihin ng labis na pagmamahal. Pagpapalaya. Ang saklap lang talaga. Marami namang iba pero bakit si Eloira pa? Kaya lang sa sitwasyon ko, ang tanga lang talaga ng puso kong, magmahal ng lalaking hindi ako ang mahal. Pero mula nang gabing makausap ko si Matteo at nasabi ko ang side ko. Hindi man siya maniwala, ngunit nakaramdam ako ng pagbabago. Iyong tipong magaan na ang pakikitungo niya sa akin. Wala na ang kasungitan nito noon. At kahit papaano, ngumingiti na rin. Madalas na rin niya akong alukin ng pagkain kung kumakain sila. Aayain akong sumabay patungo sa trabaho pag ihahatid nito si Eloira. Ako na lang ang tumatanggi. Ayaw ko na ng gulo pa. Hinihintay ko na lang na ikasal sila. Gusto ko na ring matahimik. Gusto ko na ring masolo ang bahay. Gusto kong mapag-isa. Nasa ilang buwan na rin mula ng maging magkasintahan ang dalawa. Immune na nga yata ang puso ko. Nasasaktan pa rin, pero wala eh. Ganoon talaga. "Raselle." Nabaling ang tingin ko sa lalaking lumapit sa aking tabi. Inilinga ko pa ang aking paningin para hanapin si Eloira, pero wala ito. Hindi ko man lang naramdaman ang kanyang pagpasok sa loob ng bahay. Wala man lang akong narinig. "Wala si Eloira, nasa mall. Hindi na ako isinama. Gusto raw niyang abalahin ang sarili niya sa pamimili ng mga pwede naming pang giveaways sa kasal," anito kaya napatango na lang ako. Alam ko namang ikakasal na sila. Ilang araw na lang. Kaya nga mas lalo lang akong nasaktan. Hindi ko lang mailabas ang sarili kong nararamdaman. Kanino ko ilalabas? "Bakit narito ka? Dapat sumama ka na lang sa kanya. Mas mabuting dalawa kayo sa pag-aasikaso para sa kasal ninyo. Lumayo ka nga sa akin. Baka mamaya biglang dumating at magalit na naman iyang girlfriend mo sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama," reklamo ko. Pero kahit ganoon, iyon naman ang totoo. "Hindi ko rin alam kung paano nangyari na nagkaroon kayo ng alitan. Base naman sa kwento niya ay maayos naman talaga kayo. Ikaw lang daw talaga ang nagbago." "Luh, pang FAMAS talaga ang aktingan ng babaeng iyon. Ako pa talaga." Pabulong kong saad ngunit narinig yata ni Matteo. "Anong sinabi mo?" "Wala. Sabi ko, baka ganoon talaga. Walang permanente sa mundo. Eh bakit ka pala narito? Kung hindi ka niya kasama. Dapat wala ka dito. Alam niyang dito rin ako nakatira. Kaya malamang sa alamang ay pwedeng makita mo ako dito. Tulad ngayon." "Medyo napagod ako sa trabaho. Kaya dito na ako tumuloy. Ang alam kasi ni Eloira ay wala ka. Gumigimik ka raw sa araw ng walang trabaho. Kaya sinabihan niya akonb dito na lang magpahinga." "Gumigimik? Ngayon ko naintindihan na hindi nga pala niya ako kilala. Pag walang trabaho suma-sideline ako ng trabaho. Minsan may nahahanap minsan wala. Pero ngayon wala akong balak maghanap ng ibang trabaho. Gusto kong magpahinga. Gusto ko sanang mapag-isa. Kaya lang bakit ka ba narito?" yamot kong tanong sa kanya na ikinatawa niya. Hay bakit ba kasi ganitong kagwapo ang lalaking ito? Lalo lang akong nalulubong. Napailing na lang ako at nag-iwas sa kanya ng tingin, bago tinungga ang iniinom kong alak. "Bakit ka umiinom?" Tanong pa ni Matteo ng mapatingin ako sa bote ng alak na hawak ko. Medyo nahihilo na rin ako pero kaya ko pa. "Wala lang. Ang hirap lang kasing isipin na iyong lalaking mahal ko, hindi ako mahal. Higit sa lahat may mahal itong iba," pag-amin ko. Iyon naman kasi ang katotohanan. "Sinabi mo ba sa lalaking gusto mo na mahal mo siya?" "Bakit parang bumait ka na sa akin ngayon? Di ba inis ka rin sa akin dati? Nagtataka nga ako kasi ngumingiti ka sa akin noong nakaraan. Higit sa lahat may pag-aalok ka na rin. Pagkain man o sumabay sa inyo ni Eloira. Kahit alam mo namang ayaw noong girlfriend mong madidikit ako sa inyong dalawa. Lalo na sa iyo." Halata namang natigilan si Matteo. Huling-huli siya sa part na iyon. Dahil kay Eloira, kahit wala naman akong ginagawang masama, nagiging masama rin ang tingin sa akin ng iba. "Hindi ako galit sa iyo. Ayaw ko lang makita si Eloira na malungkot dahil sa mga ginagawa mong hindi maganda sa kanya. Napakabait ni Eloira para masaktan dahil sa pagiging spoiled brat mo." Nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi ni Matteo. Alam ko namang masamang babae ang tingin niya sa akin. Pero bakit umaasa pa rin akong hindi siya maniniwala kay Eloira. Na mabait lang siya sa akin dahil sa pakitang-taong palabas ni Eloira. Sinamaan ko siya ng tingin at bigla akong tumayo. Tapos ay dinuro ko siya. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya bigla na lang akong natumba sa sahig. Akmang hahawakan ako ni Matteo ng tabigin ko ang kanyang mga kamay. "Raselle." "Huwag mong banggitin ang pangalan ko." "May mali ba akong nasabi? Gusto lang kitang pagsabihan. Gusto kong mapunta ka sa matuwid. Alang-alang sa pagkakaibigan ninyo ni Eloira. "Eloira! Eloira! Eloira," ilang ulit kong sigaw sa kanya. "Magsama kayo ni Eloira! Bakit ba mula ng makilala ka ni Eloira nagbago na siya? Ako ang unang nakakita sa iyo. Ako ang nagligtas sa iyo! Pero bakit ayaw mong maniwala!" Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko. Halata ang gulat sa mga mata ni Matteo. Ako man ay nagulat din sa aking sarili. Pero hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak. Siguro dahil na rin sa tama ng alak. "Alam mo bang nasasaktan ako tuwing makikita kitang masaya na kasama ni Eloira. Dapat ako iyon eh. Ako dapat ang nasa kalagayan niya. Kung minahal mo si Eloira dahil sa utang na loob. Bakit hindi na lang ako? Ako naman ang totoong nagligtas sa iyo! Ako ang humingi ng tulong. Ako ang labis na nag-alala. Ako ang nataranta. Pero bakit si Eloira pa rin? Nang una kitang masilayan nagkagusto na ako sa iyo. Love at first sight? Siguro iyon nga ang tawag sa nararamdaman ko para sa iyo. Sa iyo lang ako nagkagusto. Hindi ako maaaring magkamali. Alam ko iyong nararamdaman ko. Mahal kita Matteo. Mahal na mahal, kaya nasasaktan ako. Pero bakit ganoon? Ako ang naging masama sa paningin mo. Kahit wala akong ginagawang masama?" Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay lalo na lang akong napahagulhol. Naisubsob ko na lang ang aking mukha sa aking mga palad. Ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko doon. Hanggang sa kahit papaano ay humupa ang paninikip ng aking dibdib, dahil sa pag-iyak. "Kung ayaw mo sa akin, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kaya lang, kahit sana maging kaibigan mo lang sana. Makokontento na ako. Kung hanggang doon lang talaga. Pero hindi nangyari at alam kong hindi na talaga mangyayari. Nararamdaman kong ayaw mo talaga sa akin, ang dahilan, hindi ko pa rin matanggap. Dahil si Eloira na nag-iisang pamilya ko. Siniraan ako sa iyo! At ikaw naniwala ka naman." Mula sa mahinahon at may kaunting awang nasasalamin sa mga mata ni Matteo ay kitang-kita ko ang pag-ahon ng init at galit sa kanyang mukha. Bakit? Dahil sinabi kong mahal ko siya? O dahil sinabi kong sinisira lang ni Eloira ang pagkatao ko sa kanya. "Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Eloira. Hindi tulad ng sinasabi mo ang pagkakakilala ko sa kanya. Isa pa huwag mong akuin ang bagay na hindi mo naman ginawa. Kung ikaw talaga ang nagligtas sa buhay ko, bakit si Eloira ang nadatnan ko sa silid ko noon sa halip na ikaw?" Balik sumbat nito. Ngunit akma akong sasagot ng pigilan ako ni Matteo. "I don't need your explanation. Hindi ko kailangan. Mahal ko si Eloira, dahil mabait siya at hindi katulad mo. Maingay, at hindi marunong magpahalaga sa kaibigan. Siguro nga tama si Eloira. Dapat hindi ka na lang niya kinuhang maid of honor sa kasal namin. Kaya lang ako ang namilit sa kanya dahil kaibigan ka niya at ikaw lang ang pamilya niya. You know what, kung hindi lang kami maghahabol sa oras, pinalitan na kita." "Na sana ginawa mo na lang. Hindi ko rin naman ginustong pumunta sa kasal ninyo!" Buong lakas-loob kong saad. "Pero hindi ko na nga magagawa dahil nariyan na. Sa isang araw na iyon at maayos na ang lahat. Sana lang, kahit sa araw na iyon magtino ka. Kahit para man lang kay Eloira." "Eloira. Eloira. Eloira. Nakakasawa ng marinig ang pangalan niya. Parang nais kong masuka!" "Raselle!" Sigaw ni Matteo sa pangalan ko. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kusina. Hinabol ako ni Matteo at ilang beses pa niyang tinawag ang pangalan ko. Pero bingi na ako sa mga sasabihin niya. Ayaw ko ng makinig. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko. "What!?" singhal ko. Naiinis na talaga ako sa kanya kahit mahal ko siya. Kalmutin ko na lang kaya ang mukha niya. Magasgasan man lang ng konte ang kagwapuhan niya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko," anito. Saglit akong natigilan. Pero hindi. Pinagpag ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin at muling naglakad. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang paghila niya sa akin. Muntik na akong matumba. Ngunit naramdaman ko na lang pagsalo niya sa akin. Hanggang sa tumama ang aking noo sa dibdib niya at maramdaman ko ang yakap ni Matteo. Ang init, ang sarap. Naramdaman ko ang pagkalma ng katawan ko. Nang puso at isipan. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko. Hindi ko gustong masaktan ka. Kahit sa araw lang ng kasal naroon ka. Kahit para sa akin kung ayaw mo ng dahil kay Eloira. Please Raselle. Ibalato mo na lang sa akin ang kasal ko. Ayaw kong masira ang araw na iyon," pakiusap ni Matteo. Sa pagkakataong iyon. Hindi ko siya matanggihan. Humaharot pa rin talaga ang puso kong nasasaktan. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Siguro naman ay huling pagkakataon ko na rin naman na makita silang dalawa. Pagkatapos ng kasal nila, simula na para magmove-on kahit walang kami. Ilang minuto ko pang sinulit ang pagkakataong nakakulong ako sa yakap niya. Alam kong hindi ko na iyon mararanasan pang muli. Hindi naman niya ako nagawang itulak. Siguro ay dahil sa alam niyang uminom ako. Lasing ako kaya hinayaan niya ako sa mga bisig niya ng ilang minuto. Nang sa tingin ko ay kaya ko na, kahit gusto kong manatili sa mga bisig niya ay ako na rin ang kusang umalis. Lumayo ako ng ilang hakbang bago ko tinitigan si Matteo ng mata sa mata. "Pupunta ako. Pupunta ako dahil sa iyo at hindi dahil kay Eloira. Hindi mo man ako gusto ay wala ka namang magagawa dahil gusto kita. Mahal kita. Kahit sa huling pagkakataon, masilayan ka sa huling minutong hindi ka pa nakatali sa kanya. Dahil alam kong hindi ko na iyon magagawa, pagkasal ka na kay Eloira." Tipid ko siyang nginitian bago ko muling tinalikuran. Hindi ko alam ang saloobin niya sa mga sinabi ko. Pero wala na akong pakialam sa bagay na iyon. Mahalaga lang sa akin ay ang nasabi ko sa kanya ang saloobin ko. Kahit walang katugon. Pagkalabas ko ng bahay, ay sinimulan ko na lang maglakad. Nais ko ring mawala ang epekto ng alak na nainom ko. Gusto kong umiyak pero sa anong dahilan? Hindi ko na alam. Mali naman kasi ako. Nagagalit kahit walang karapatan. Nasasaktan kahit hindi katanggap-tanggap ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD