Chapter 3

2053 Words
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ngunit pakiramdam ko ay may nagbago. Hindi ko alam kung bakit mas nais pa ng lalaking aking iniligtas na makasama si Eloira, gayong ako naman ang nagligtas sa kanya. Siguro dahil ito ang una niyang nasilayan? Pero kahit naman ganoon ako pa rin naman ang nagligtas sa kanya di ba? O baka naman talagang dahil maganda si Eloira ay nagustuhan kaagad nito ang kaibigan ko. Nagkakaroon ako ng inggit sa katawan. Bagay na hindi ko inaasahang aking mararamdaman para kay Eloira. At isang bagay na hindi ko inaasahang mararamdaman ko rin pala. Masayang nakikipag-usap ang lalaki kay Eloira. Habang hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. "Hi," agaw atensyon ko sa kanilang dalawa. "Alam na ba ng pamilya mo ang nangyari sa iyo? Baka nag-aalala na sila sa iyo? Lalo na at hindi ka pa nakakauwi, ay gabi na." Tiningnan lang ako ng lalaki at tipid na nginitian. "Hindi na nila kailangan pang malaman. Isa pa hindi naman ganoong kalala ang natamo ko." "Pero iyong sasakyan mo?" Nag-aalala ko pang saad. Ngunit parang baliwala lang iyon sa lalaking ito. Tinitigan lang ako nito na wari mo ay sinusuri ang buo kong pagkatao. Pero bakit? Wala naman akong ginagawang masama. Nag-alala lang naman ako sa kanya. Sa kalagayan niya kanina. Ganoon din sa sasakyan niyang kayaman ko na presyo, kung magkakaroon man ako ng isa. Mahirap lang ako kaya ganoon na lang din talaga ang panghihinayang ko sa sasakyan nito. "Madaling mapalitan ang sasakyan. Kaya nagpapasalamat akong nailigtas ninyo ako." Bigla ay bumaling ang aking paningin kay Eloira. Bakit parang dalawa na kaming nagligtas sa lalaking ito? "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko na rin napigilang itanong. Lumabas lang ako para bumili ng pagkain. Pero bakit iba na pagbalik ko? May na nakaligtaan ba ako sa loob ng ilang minuto? "Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paanong magpapasalamat sa inyo sa pagkakaligtas sa buhay ko. Wala dito sa bansa ang pamilya ko kaya hindi na rin nila kailangan malaman ang nangyari sa akin. Wala rin naman akong kasintahan kaya walang ibang mag-aalala," wika pa ng lalaki, at nakangiting tumitig pa kay Eloira. Ang kaibigan ko naman sumimple ng ngiti, na wari mo ay nagpapakipot. Bago muling tumingin sa akin si Matteo. "Ang sasakyan ko naman ay madaling palitan. Hindi mo na kailangang mag-alala. Pero kung may nais kang pabuya sa pagkakaligtas sa aking buhay ay huwag kang magdalawang isip na magsabi at kaagad kong ibibigay," anito na ikinabuntong-hininga ko na lang. Nang tumingin itong muli kay Eloira at matamis na ngumiti. "Eloira," tawag ko sa aking kaibigan na ipinagkibit-balikat lang nito. "Wala naman akong nais. Masaya na akong maayos ang kalagayan ni Matteo. Syempre natakot ako ng makita siyang walang malay. Kaya ngayon sapat na sa aking maayos ang lagay niya. Ikaw ba Raselle? Sa tingin ko naman ay maaari kang humiling kay Matteo ng kahit na anong gusto mo, dahil sa pagkakaligtas natin sa kanya. Mukha naman siyang mayaman. Siguro ay hindi na mabigat ang pabuyang pera para sa iyo." "Anong sinasabi mo?" Naningkit ang tingin ko kay Eloira. Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon? Gusto ko pa sana siyang kausapin ngunit nawala na sa akin ang kanyang atensyon. Muli siyang bumaling kay Matteo na masayang nakatingin din sa kanya. Napahugot na lang ako ng hangin at napailing. Nagpatuloy na rin sa pagkain ang dalawa. Wala na talagang balak na pansinin pa ako. Ako naman ay nawalan na ng ganang kumain. Ang gutom na kanina lang ay aking nararamdaman ay parang napayid ng hangin. Hindi ko na magawang isubo ang pagkain ko. Hindi ko na rin malunok. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Pareho na silang tapos kumain. Kaya naman muli kong tinawag si Eloira. "Bakit?" "Alam kong pagod ka Eloira kaya pwede na tayong um---." Natigil ako sa pagsasalita ng magsalita si Matteo. "Pwede bang dito muna ang kaibigan mo. Ipinayo ng doktor na kailangan ko rin ng aalalay sa akin, sakaling nais kong tumayo." "Ganoon ba? Pwede ko rin naman kayong samahan. Wala namang problema sa akin kung hindi muna rin ako umuwi ng bahay." "Hindi maaari Raselle. Pagod ka na sa trabaho di ba? Ako na ang bahala kay Matteo. Pasabi na lang ulit kay Mr. Go na hindi na rin muna ako makakapasok bukas." "Ha?" Naguguluhan ko na lang sagot. Parang wala ako sa sarili sa mga oras na iyon. Daig ko pang lutang at wala sa ayos ang mga salitang dapat kong isagot. Nahihiwagaan akong tumingin sa kaibigan ko. Pakiramdam ko ay gusto rin niya ang nangyayari. Bakit sa halip na ako ang makilala ni Matteo ay parang mas gusto pa talaga niyang makilala ang kaibigan ko? May mali ba akong nagawa? Sino ba si Eloira sa palagay niya? Pinuntahan lang naman ako ni Eloira pagkalabas nito sa trabaho. At ngayon kung umasta. Akala niya ay boyfriend na niya ang lalaking nagnagngalang Matteo. At ito namang Matteo na ito, akala mo naman na love at first sight sa kaibigan ko. Love at first sight? Naibulong ko na lang sa aking sarili. Dahil iyon talaga ang una kong naramdaman ng matitigan kong mabuti ang mukha ni Matteo. Hindi ako mabilis humanga sa isang gwapo. Ngunit kakaiba ang karismang dala ni Matteo. "Na love at first sight ka ba sa kaibigan ko?" May inis kong tanong kay Matteo. Hanggang sa mapagtanto ko ang aking sinabi. Napatakip na lang ako ng bibig. Hindi ko rin naman inaasahan na manulas ang mga salitang iyon mula sa akin. Alam kong nasa isipan ko lang dapat ang mga katagang iyon ngunit huli na. Nasabi ko na. Ewan ko ba kung para saan ang mumunting multo ng ngiti na mababakas ko sa mukha ni Matteo habang nakatingin sa mukha ni Eloira na namumula. Parang bigla akong nareject ng walang kalaban-laban. Alam kong maganda si Eloira pero maganda rin naman ako. Palaayos si Eloira habang ako ay makapagsuklay at mapuyod lang ang buhok ay okay na. Mahilig din siyang maglagay ng kolorete sa mukha. Habang ako, polbo lang at petroleum jelly ay pwede na. "Huwag mo ng sagutin," baling ko kay Matteo. Ayaw ko pa lang marinig ang rejectiom sa mga oras na iyon. Wala pang bente kwatro oras mula ng masilayan ko siya, pero iba na ang dating niya para sa akin. Hindi pa rin naman nagtatagal mula ng nakausap ko siya. Pero ang puso ko, parang ang tagal na siyang kakilala. "Pagaling ka na lang. Mauna na ako Eloira." Tipid ko silang nginitian bago ko hinayon ang pintuan ng kwartong iyon. "Love at first sight to broken at first speak." Mapait akong napangiti, bago ko hinayon ang daan palabas ng ospital. Pagkauwi ko ng bahay ay daig ko pang sinampal ng ilang beses. Paulit-ulit hanggang sa mapagod ang taong gumagawa noon. Nasasaktan ako sa isang bagay na wala namang katuturan. Daig ko pa ang pinagtaksilan. "Ay ano naman kung si Eloira ang kasama niya ngayon. Wala namang kami at hindi naman kami. Isa pa iniligtas ko lang naman siya. Kaya walang masama kung magkagusto siya sa kaibigan ko!" sigaw ko pa habang nakahiga sa kama. "Pero bakit ang sakit? Agad-agad? Kaninang umaga lang eh. Pero masakit talaga." Hindi ko rin alam ang sagot sa aking tanong, at sa nararamdaman ko. Hanggang sa ako ay makatulog. Maaga akong nagising kinabukasan. Walang bakas ni Eloira na umuwi ito ng bahay. Napailing na lang ako at nagtungo sa kusina. Para makapagtimpla ng kape bilang aking almusal. Gusto ko sanang magtungo sa ospital para kumustahin ang kalagayan ni Matteo ngunit para saan pa? Naligo na lang ako matapos kung magkape para makapaghanda na, papasok sa trabaho. Pagkarating ko sa tindahan ni Mr. Go ay hindi ko inaasahang naroon na rin si Eloira. "Akala ko hindi ka papasok?" tanong ko dito na hindi naman ako gaanong pinansin. Ngunit nakaagaw ng pansin sa akin ang mamahalin niyang damit. Hindi bagay para sa suot ng isang tindera. Mas mahal pa yata ang presyo ng damit na suot ni Eloira, kaysa presyo ng paninda sa tindahan ni Mr. Go. "Bago ang damit mo?" Doon lang ako binigyan ng pansin ni Eloira. "Yes, bigay ni Matteo. Ipinadeliver niya kaninang madaling araw sa sekretarya niya para sa akin." "Eloira, anong nangyari na hindi ko alam. Alam natin na ako ang nagligtas sa kanya. Pero bakit parang suyang-suya siyang makausap ako. Hindi man lang siya nagpasalamat sa akin ng diretso at pinadaan pa talaga sa iyo. Isa pa paano nangyaring sa ating dalawa siya nagpapasalamat. Ako lang ang nandoon ng mga oras na iyon." Tinitigan lang ako ni Eloira. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. "Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Alam ni Matteo na ikaw ang nagligtas sa kanya. Kaya nga inaalok ka niya ng kahit na ano. Kahit pa pera. Alam kong mahirap lang tayo at pareho pa tayong galing sa ampunan. Kaya naman tinanggap ko ang isang milyong pabuya niya para sa iyo. Kaya ito na iyon." Iniabot niya sa akin ang tseke na nagkakahalaga ng isang milyon. "Hindi ito ang kailangan ko Eloira. Hindi ko man nasabi pero, unang kita ko pa lang kay Matteo nagkagusto na ako sa kanya. Gusto ko lang namang maging kaibigan siya, makilala. Pero bakit parang naiinis siya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya." "Hindi ko naman sakop ang iniisip noong tao. Mahalaga ibinigay ko sa iyo ang isang milyon na ipinapaabot niya." "Ibalik mo na lang yan sa kanya. Hindi ko iyan matatanggap. Wala naman akong pakialam sa pera niya. Isa pa anong nangyari sa iyo. Sa isang iglap bigla ka na lang nagbago." "Hindi ako nagbago Raselle. Tulad mo ay siguro nga nagkagusto rin ako sa kanya. Hindi ko naman siguro kasalanan kung sa unang pagkikita naming dalawa ay pareho pala kami ng nararamdaman. Wala pa naman siyang sinasabi kaya huwag kang mag-alala." Kinalma ko na lang ang aking sarili. "Pero hahayaan mo bang masira ang pinagsamahan natin ng dahil lang sa isang lalaki? Ako aminado akong nagustuhan ko kaagad siya unang kita ko pa lang sa kanya. Pero ikaw, naiwan ka lang kahapon sa silid ng ospital na kinalalagyan niya nagkaganyan ka na." "Hindi ko na kasalanan iyon Raselle. Lalo ng hindi ko kasalanan na mas maganda ako sa iyo." "Eloira!" Nanggigigil na ako sa kanya. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Eloira. Pero ng dahil lang sa isang lalaking hindi pa naman namin lubusang kilala. Ipagpapalit niya ang halos buong buhay namin na magkasama. "Hindi naman natin lubusang kilala iyong tao. Halos magdamag lang mula ng makausap ko siya. At ako, dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya, kaya ko siya nakita. Kahit hindi niya ako pinasalamatan ng diretsa man lang sa ginawa kong pagliligtas sa kanya," halos pabulong na ang huli kong sinabi. Mali naman talaga itong nararamdaman ko para sa bagong kakilala. Pero anong magagawa ko kung na love at first sight ako sa kanya. Kahit hindi ko naman talaga siya kilala. "Raselle makinig ka. Hindi biro ang makakilala ng isang Matteo Barcelona. Nakikita mo naman ang pangalan niya sa internet di ba?" Nagulat ako sa nalaman. Matteo lang naman ang alam kong pangalan niya kagabi. Ngayon may idea na ako kung sino talaga siya. Siya ang may-ari ng Barcelona Corp. Maliit na negosyo sa simula hanggang sa lumaki nang lumaki at naging korporasyon. Paano pa ako magkakaroon ng pag-asa. Hindi nga ako nababagay sa kanya. Sino lang ba ako? Tindera sa grocery ni Mr. Go. Hindi pala ayos, at daig pang nakikipag-away kahit normal lang naman ang pagsasalita ko. "Kung liligawan ako ni Matteo hindi na ako magpapatumpik-tumpik." Napatingin ako kay Eloira sa sinabi niyang iyon. "Baka si Matteo na ang sagot para makaahon na ako sa kahirapan. Hindi sa ipagpapalit kita. Kaya lang anong magagawa ko kung ako ang nagustuhan. Kahit ikaw ang unang nakakita sa kanya." Parang batingaw na paulit-ulit kong naririnig ang sinabing iyon sa akin ni Eloira. Totoo naman ang sinabi nito. Wala namang magagawa ang kahit na sino kung ligawan ni Matteo si Eloira. Maganda si Eloira at hindi tulad ko. Mahinhin ito at pinong kumilos hindi katulad ko. Malakas ang boses na parang naghahamon ng away. Habang ang boses ni Eloira ay galit na, pero parang nilalambing ka pa. "Mukhang wala na talaga akong pag-asa. Mukhang first love ko na first heartbreak ko na kaagad si Matteo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD