Hindi ko mapigilan ang aking mga luha habang parang wala sa sariling pumapara ako ng taxi. Nasa harapan ako ng hotel kung saan nakita ako ni Matteo, kasama ang lalaking ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naman nakilala. Na noong magkamalay lang ako, saka ko nakita ang mukha. Mabuti na lang at kahit namamaga na ang aking mata sa pag-iyak ay may isang taxi na huminto at pinasakay ako. Gusto ko mang isigaw ang sakit na aking nararamdaman ay parang wala na akong lakas na ibukas ang aking bibig. Kung pwede nga lang mawalan ulit ako ng malay at hindi na magising, ay maiintindihan ko. Pero hindi nangyari. Heto pa rin ako. Malinaw na malinaw sa isipan ko ang galit ni Matteo. Napatingin ako sa driver na nakatingin din pala sa akin. Nagtama ang aming mga mata na nakatingin sa rear view mirror. "P

