MATTEO Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. For all those four fvcking years. Kasama ng mga magulang ko si Raselle. At ang isang munting bata na naging bunga ng pagmamahal naming dalawa. Pagmamahalan? Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Totoong mahal ko si Raselle. Kaya lang paano niya iyon paniniwalaan kung wala naman akong ipinakita at ipinaramdam na mahal ko siya. Habang si Raselle ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Pero ako itong tanga, binabaliwala siya. Tapos ngayon, hindi lang pala si Raselle ang kulang. Kasalanan ko itong lahat. Kung sumunod lang ako sa mga magulang ko. Hindi lalakì ang anak kong wala ako sa tabi niya. Tama si mommy. Hindi ko dapat isinisisi sa kanila ang katigasan ng ulo

