....."Martina!" sigaw ni mommy. Pagkatapos noon ay ang matinis na tawa ng anak ko. Naiiling na lang akong ipinagpatuloy ang aking pagdadayag. Katatapos lang naming kumain ng umagahan at sa tingin ko ay nagpapasaway na naman ang aking tatlong taong gulang na anak. Sa loob ng apat na taon ay nagawa kong hindi ipaalam kay Matteo kung nasaan ako. Kahit sa totoo lang ay napakaimposibleng mangyari ay totoong nangyari. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang alam kung nasaan ako. Higit sa lahat, wala siyang kaalam-alam na mayroong isang Martina sa mundo. Tuwing pinapapunta si Matteo ng mga magulang niya ay palagi nitong dinadahilan ay hinahanap ako. Na alam kong totoo namam. Kaya naman hindi na nila pinipilit pa ang anak. Pag-umuuwi naman ng Pilipinas ang mga magulang ni Matteo para bisitahin ang

