Hindi ko namalayan na habang nakatingin pala ako sa kisame ay nakatulog din pala ako. Nagulat na lang ako ng makita ko ang oras sa orasang nakasabit sa dingding. Alas onse na ng umaga. Malapit na ring magtanghalian. Bigla na lang akong napabangon ng maramdaman kong wala na sa tabi ko si Martina. Kadalasan ay una akong nagigising, bago siya magising o kaya naman ay naiiwan ko pa siyang tulog. Pero ngayon ay nagising akong wala siya sa aking tabi. Hindi ko man lang naramdaman ang pagbangon ng anak ko. Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Martina. Hanggang sa makita ko siyang kasama si Matteo sa may living room. Parehong nakaupo sa carpeted floor ang dalawa. Habang hinahayaan ni Matteo si Martina sa kung anu-ano ang ginagawa ng bata sa kanya. "Toto, please give me pu the comb. I comb your

