Gabi na nang makauwi ako ng bahay. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay sumalubong kaagad sa akin ang nag-aalalang mukha ni mommy. "Raselle, saan ka ba galing? Nag-alala kami sa iyo. Kung hindi ka pa talaga dumating ay magrereport na kami sa pulis. Pinuntahan na rin namin ang shop mo, hindi ka naman daw pumunta doon at nagpaalam ka lang na hindi papasok," bungad ni mommy. Hinila naman niya ako papasok ng bahay at pinaupo sa sofa, sa tabi niya. Si daddy naman ay nakaupo rin sa pang-isahang sofa at nakatingin sa amin. "I'm sorry mommy," iyon lang ang naitugon ko sa kanya. "I'm sorry din po daddy, kung pinag-alala ko po kayo." "Nauunawaan kita anak. Kami na ang mga magulang mo ngayon. Kaya naman sa lahat ng desisyon mo sa buhay, narito lang kami ng mommy mo. Ang hiling lang namin sana ay pal

