Noong nasa ampunan pa lang ako at nagsisimulang magkaisip, pangarap ko lang na ampunin ako. Na magkaroon ako ng isang tatay at nanay na aalalay sa akin. Pero habang umuusad ang panahon, wala man lang naglakas loob na ialis ako sa ampunan. Hindi ko man lang naranasan na magkaroon ng isang buong pamilya. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon naging malapit kami ni Eloira. Siya iyong tipo ng tao na tahimik at hindi makabasag pinggan sa harap ng iba. Samantalang ako, sabi nga minsan ng mga madre na nag-aalaga sa amin, balahura raw akong kumilos. Pero may pambawi naman sila. Mabait naman raw ako, lalo na pagtulog. Pero sa pinong kilos at pananalita ni Eloira ay nagtatago ang totoong ugali niya. Masyado itong magaslaw at ang gusto nito, dapat nakukuha nito. Kaya nga nagtataka ako kung paano
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


