Sa kawalang pag-asa sa gitna ng dilim ay nagkamalay ako. Kasabay noon ay nakakita ako ng liwanag. May nakita akong tatlong tao na naglalakad papalapit sa pwesto ko. Hindi ko na kayang kumilos pero nagawa kong magsalita. "T-tulong," iyon lang ang nasabi ko. Alam kong narinig nila iyon kahit napakahina ng boses ko. Kaya naman mabilis silang lumapit sa akin. Napansin ko na isang may edad na babae at lalaki ang lumapit sa akin, kasama nila ang isang payat na binata. "Tay, may saksak siya o. Marami ng dugo ang nawawala sa kanya. Ano pong gagawin natin?" tanong ng payat na binata. Kahit nanlalabo ang aking paningin ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata ng mag-asawa. Ngunit saglit na saglit lang iyon. Dahil iba sa inaasahan ko ang sunod kong narinig. "Wala tayong ginagawang masama. Tutulo

