MATTEO Sa ilang araw kong nakasama si Raselle sa bahay ng mga magulang ko ay mas lalo kong napatunayan na tama nga sina mommy at daddy sa pagpili nila kay Raselle para sa akin. Noon akala ko ay gusto lang nila akong manipulahin para mapasunod nila. Pero ngayon masasabi kong gusto lang talaga nila ay ang mapabuti ako. Na mapunta ako sa babaeng karapat-dapat para sa pagmamahal ko. Sa babaeng totoong mamahalin ko at nagmamahal sa akin ng totoo. Kahit masungit at hindi ako pinapansin ni Raselle ay mas lalo ko naman siyang minamahal. Ang laki ko lang talagang gago noon. Dahil noon mahal na mahal niya ako pero ipinagtatabuyan ko siya. Ngayong parang nagka-allergy na sa akin, ako naman ang ayaw umalis sa tabi niya. Dalawang linggo na ako rito, at dalawang linggo ko na ring sinusuyo ang mahal

