bc

Love and Promises

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
second chance
arrogant
heir/heiress
drama
campus
like
intro-logo
Blurb

Lumaki sa isang broken family si Cassandra. Isa iyon sa mga naging insecurities niya noong lumalaki siya. Hindi maaaring magsama sa iisang lugar ang kanyang mga magulang dahil tiyak na magkakaroon ng gulo kapag nagtagpo ang mga ito. Kaya naman sa tuwing darating ang mga mahahalagang okasyon tulad ng pasko ay may lungkot siyang nararamdaman. Sa bawat Family Day, siya lamang ang walang maisama na magulang.

Mabuti na lamang at inaruga siya ng kanyang Tiya, ito na ang nagpalaki at nagpaaral sa kanya mula High School hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. May kanya-kanya na kasing pamilya ang kanyang ama at ina, nag-iisang anak lamang siya ng mga ito at nagawa pang talikuran.

Pangarap ni Cassandra ang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya, kayan naman nang ayain siya ng kanyang nobyo na si Alejandro na magpakasal ay agad siyang pumayag. Hindi na niya pinakinggan ang payo ng kanyang Tiya na ipagpaliban muna ang kanyang pag-aasawa.

Sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ipinangako ni Cassandra sa kanyang sarili na hindi niya hahayaan na matulad ang kanilang pagsasama ni Alejandro sa kinahinatnan ng kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hanggang pangarap na lamang iyon?

Dalawang taon makalipas niyang maikasal ay biglang nagbago si Alejandro sa pakikitungo sa kanya, ang dating sweet at makalinga niyang asawa ay naging mainitin ang ulo, ilang beses na rin siyang napagbuhatan nito ng kamay. Tuluyan na nga bang guguho ang pangarap niya?

Matutulad pa ang kanilang pagsasama sa kinahinatnan ng kanyang mga magulang?

chap-preview
Free preview
1
Kanina pa pabaling baling si Cassandra sa kanyang kama. Hindi siya makatulog! Paano ay hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang ginawang pagpo-propose sa kanya ni Alejandro. Kinikilig pa rin siya sa tuwing maaalala ang mapupungay nitong mata habang naghihintay ng kanyang tugon sa tanong nito. Itinaas niya ang kamay kung saan isinuot ng binata ang singsing, pinakatitigan niya iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na siya! Mukhang unti-unti nang matutupad ang kanyang matagal nang pinapangarap, ang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Natitiyak niyang magiging mabuting asawa si Alejandro sa kanya, kitang-kita naman niya iyon at nararamdaman kung paano siya nito alagaan sa loob ng ilang taon nila bilang magnobyo. Hindi na siya makapaghintay na bumuo ng pamilya kasama ito. "Hindi ba para kayong nagmamadali?" may pag-aalinlangan sa boses ng kanyang Tiya Merced, ipinaalam na kasi nila ni Alejandro ang plano nilang pagpapakasal. Hapon nang dumating ang kanyang nobyo, may dala itong bulaklak at pagkain para sa kanyang tiya na siyang tumayong kanyang magulang mula noong high school pa lamang siya. "Aalis ho kasi ako Tita, ilang taon din ako mamalagi sa Amerika para asikasuhin ang negosyo ni Papa doon. Gusto ko po sana, bago ako umalis ay maikasal kami ni Cassandra." "Paano si Cassandra, hijo? Kapag naikasal kayo iiwan mo din siya dito? Hindi ba't mas maganda kung tapusin mo muna ang dapat mong tapusin sa Amerika bago kayo magpakasal?" "Ayoko na hong patagalin pa Tita. Bago man lang ako umalis, dala na sana ni Cassandra ang apelyido ko." anito saka inabot ang kanyang kamay, siya naman ay lihim na kinikilig sa tinuran ng nobyo. Yumuko pa siya para ikubli ang kanyang mga ngiti. "Nakasisgurado ka ba Alejandro, na hindi mo paiiyakin ang pamangkin ko? Alam mo naman kung ano ang pinagdaanan niyan--" "Opo Tita, makakaasa po kayo na hindi ko paiiyakin o sasaktan kahit kailan si Cassandra" "Oh siya sige, ibinibigay ko na ang basbas ko sa inyo, ang tanging hiling ko lang Alejandro, ay ang mabigyan mo ng masayang pamilya ang pamangkin ko. Saksi ako sa lahat ng luha at sakit na dinanas niyang batang iyan nang maghiwalay ang mga magulang, kaya sana naman, pagdating sa iyo, bilang asawa ay sumaya nang tunay ang ang batang iyan" saad ng kanyang Tiya habang lumuluha, siya rin naman ay hindi naipigilang maiyak sa tinuran ng kanyang Tiya, alam niya na mahirap para dito ang pakawalan siya, simula nang kupkupin siya nito ay talaga namang hindi siya iniwan mag-isa. Naging abala si Cassandra noong mga sumunod na linggo, halos wala silang pahinga ni Alejandro sa pag-aasikaso ng mga papeles na kakailanganin nila para sa kanilang pag-iisang dibdib. May kinuha rin naman silang wedding coordinator,ngunit mas gusto niyang maging hands-on sa bawat detalye ng kanilang kasal. Para sa kanya, magiging buo ang kanyang pagkatao kapag naroon sa pinaka importanteng araw sa buhay niya ang mga magulang. Ipinaalam niya muna sa kanyang Tiya ang balak niya na kumbidahin ang ama at ina sa nalalapit niyang kasal, hindi naman ito tumutol bagkus ay sinuportahan pa siya sa kanyang plano. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang ina sa tulong ng mga kaibigan nito ngunit bigo siya. Halos lahat ng social media ay ginamit niya na sa pag-asang makakakuha siya ng lead kung nasaan ito ngunit bigo siya.Sa huli ay sumuko na siya sa paghahanap sa ina, marahil ay sinadya nitong putulin ang lahat ng komunikasyon sa mga taong malalapit dito upang makapamuhay ng tahimik at iginagalang niya iyon. Ang kanyang ama naman ay tumanggi na dumalo dahil ikagagalit daw ng kasalukuyan nitong kinakasama isa pa ay hindi alam ng mga anak nito na may iba pa silang kapatid. Ilang araw niya ring lihim na pinupuntahan ito sa pinagtatrabahuhan pero sa huli ay hindi na siya nito hinarap pa. Iginalang ni Casssandra ang naging desisyon ng kanyang ama, nasaktan siya ngunit hindi nya hahayaang masira niyon ang saya na bumabalot sa kanyang puso lalo na at ilang araw na lamang ay ikakasal na siya. Ang Tiya Merced niya ang kasama niyang lumakad sa gitna ng altar, panay ang singhot nito habang siya ay tunay namang napakaganda ng mga ngiti, para siyang nanaginip. Napakaganda ng pagkakadisenyo ng mga bulaklak. Nagbigay buhay ang mga makukulay hydrangea sa aisle, habang ang mga puting rosas at tulips ay sadyang maaliwalas tignan lalo na sa altar. Nang magtama ang mga mata nila ni Alejandro ay unti-unting nag sink in sa kanya na tunay ngang magiging Mrs. Cassandra Iglesias na siya! Ilang segundo lang ay nasa harap niya na ang nobyo, magalang itong nagmano sa kanyang Tiya Merced, ganoon din naman ang ginawa niya sa Ina ni Alejandro, pagkatapos ay mahigpit siyang yumakap sa kanyang tiyahin bago siya tuluyang sumama sa nobyo. **** Ang mga sumunod na lingo ay sadyang napakasaya para kay Cassandra, matapos ang kanilang honeymoon ni Alejandro sa Cebu ay lumipat na sila sa ng bahay sa isang eksklusibong subdibisyon. Isang single detached na may apat na silid at malawak na bakuran ang iniregalo sa kanila ng kanyang biyenan. Hindi matawaran ang tuwa ni Cassandra nang iabot sa kanila ang susi ng kanilang magiging bahay. Excited siya na pagandahin pa lalo iyon, kaya naman sa natitira niyang leave ay iginugol niya oras sa pamimili ng mga gamit at pag-aayos ng disenyo mula sa sala hanggang sa mga silid. Niloloko nga siya ng asawa, masyado na raw siyang naging abala sa pag-aayos sa bahay at tila nakalimutan na niya ito. "Ang sarap matulog!" tatawa-tawang sambit ni Alejandro, nakahiga na ito sa kama habang siya ay nag-papatuyo pa ng buhok, tinignan niya ang repleksyon nito sa salamin, tila ito batang ikinakaskas ang binti sa bed sheet, saka nagpaikot-ikot sa buong kama, may nalalaman pa itong pataa-taas ng kamay. Alam naman niyang inaasar lang siya nito, dahil kanina ay nanakit ang braso niya sa paglalaba ng bedsheet, napilitan siyang palitan iyon dahil natapunan ng iniinom niyang tsokolate nang dambahin siya ng asawa kaninang umaga. Hindi pa naman dumarating pa ang washing machine na binili nila, ayaw naman nyang hintayin pa ang padating niyon bago niya labhan dahil baka manuot sa tela ang mantsa, kaya naman tsinaga na lang niyang kusutin iyon. Wala naman silang kasambahay para gawin iyon. "Matulog ka na, huwag ka nang masyadong maligalig, pwede ba?" natatawa niyang sabi sa asawa saka ipinagpatuloy ang gingawa, tinawanan lamang siya nito at mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga, saka lumapit sa kanya para yakapin. "Ang bango!" nakangising sambit ni Alejandro. siya naman ay natawa na lamang. Naglalambing nanaman ito, yun nga lamang ay hindi niya mapagbigyan dahil mayroon siyang buwanang dalaw. "Ewan ko sayo! Matulog ka na at maaga ka pa bukas." pasimple siyang umiwas dito. "Huwag na kaya akong tumuloy sa Amerika? Nandoon naman ang tunay niyang anak" may pait sa boses nito ng sambitin ang mga katagang iyon. Alam naman niya na hindi magkasundo sa ang biyenan niyang lalaki at ang kanyang asawa, naikuwento sa kanya ni Alejandro noon, na hindi naman naging ama ang nakatatandang Iglesias sa kanyang asawa, abala raw ito sa pambababe at pagpapalaki ng mga negosyo. Hindi lamang mahiwalayan ng kanyang biyenang babae dahil nasanay na itong nakadepende sa asawa, naghihintay lamang pagdating nito at sa mga ibibigay na allowance. "Bakit naman? Sayang din yung matutunan mo doon." "Iniisip lang kita, kahit na ba sabihin na magpapabalik-balik ako dito at sa Amerika, mas mainam siguro na manatili na lamang ako dito no? Lalo na, nagsisimula pa lang tayo bumuo ng pamilya" "Sus, kung maka-gusto ko po sana na bago ako umalis, dala na ni Cassandra ang apelyido ko ka pa kay Tiya noon, akala ko naman desididong desidido ka na" natatawa niyang sabi dito "Eh syempre, di ko naman alam na ganito pala kasaya ang makasal sayo. Aba! kung alam ko lang pinakasalan na kita kahit nag-aaral ka pa!" saad nito saka mabilis siyang kinintalan ng halik sa labi. Sinagot naman niya iyon ng mahigpit na yakap. Sana ganito lang sila palagi ni Alejandro, magaan lang ang buhay at palaging masaya, wala na siyang ibang mahihiling pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.6K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.9K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook