Chapter 1
“Oh! Ba’t sobrang lukot ng pagmumukha mo? Hiniwalayan ka ba ng jowa mo?” aniya ni Greige na kakapasok lang na siyang katrabaho at kaibigan ni Yiesha.
Nanliit naman ang mga mata ni Yiesha nang tignan niya ang kaibigan, “Wala ngang nanliligaw, jowa pa kaya?” matabang na tugon ni Yiesha.
Nasa loob ng office silang dalawa at parang pinagbagsakan naman ng langit at lupa si Yiesha dahil sa problemado nitong aura. Nasa ulo niya ang isa niyang kamay habang nakatukod naman ang kanyang siko sa kanyang desk dahilan para magulo ng kaunti ang kanyang buhok.
YESHA FUENTA, the only daughter of Mr. and Mrs. Fuenta. A fresh graduate and currently working at a Fashion and Design Company. She has a V-line face, has an almond light brown eyes, along with her thick straight brows and thick lashes. She has bow red shaped-lips and has a height of 5’6 with a nice curved body. She has a long wavy light brown with subtle blonde highlights hair and has a habit of flicking her nails when she is nervous and uncomfortable.
Ipinatong ni Greige ang dala niyang coffee para sa kaibigan at umupo sa harapn nito, “Eh, kung ganon. Anong problema mo?” may bahid na pag-alala na usal nito.
Nanatili pa rin na nasa desk ang tingin ni Yiesha nang sagutin niya ang kaibigan,“I got a call from Mama...”
Nahimigan naman ni Greige na parang may mali sa tono ng pananalita ng kaibigan niya, “And?” aniya at mas inilapit niya ang kanyang mukha rito.
Itinaas ni Yiesha ang kanyang tingin na siyang ikinabigla naman ni Greige nang makita ang maluha-luhang mga mata ni Yiesha.
Agad namang ibinaba ni Greige ang hawak niyang iced coffee at dinaluhan ang kaibigan, “Hey, are you okay? Tell me, anong problema.” pagsusumamo niya rito.
Pinunasan ni Yiesha ang luhang nakatakas sa kanyang mata, “May renal cancer si Papa.”
Hindi naman alam ni Greige kung anong dapat niyang sabihin dahil pati siya ay nabigla sa sinabi ni Yiesha.
Umayos ng upo si Yiesha na para bang tapos na ang oras ng pagdradrama niya pero halata pa rin sa kanyang mga mata ang totoo niyang nararamdaman.
Nangangapa naman ng salita si Greige at bumaling sa kaibigan “What stage?” tanong niya rito.
“Stage 2,” may bahid na lungkot na tugon ni Yiesha habang pinagpatuloy ang pagdedesign niya sa sketchbook.
“Oh, God! Bakit naman humantong sa gano’n?” nag-aalalang usal ni Greige na parang pati siya ay damay na rin sa pinoproblema ng kaibigan.
“I-I don’t know Greige. We thought after his heart attack, magiging okay na ang lahat but it turns out to this,” pabagsak na binitawan ni Yiesha ang lapis na hawak niya at ininom ang dalang iced coffee ni Greige sa kanya.
“Bakit stage 2 agad? What did the doctor said?”
Humugot ng malaking hininga si Yiesha at sinagot ang kaibigan. “Due to his high blood pressure it increases the risk of renal cancer,” nanlulumong saad niya.
“Naku, problema nga ‘yan. Paano iyong mga gastusin niyo? Diba sabi mo naubos niyo na ‘yong savings ng mama at papa mo? Anong ipanggagastos niyo? Ngayon pa, na kakasimula mo palang no’ng isang araw.”
Napasubsob na lang sa kanyang desk si Yiesha dahil sa labis na frustration at problema na dumating sa kanilang pamilya.
‘Naubos na namin iyong savings ng pamilya namin no’ng nagkaheart attack si Papa, tapos iyong mga maintenance niya pang gamot. Tapos ngayon, malalaman ko na lang na may renal cancer pala siya at stage 2 na.’
‘Lord, bakit ba nangyari sa ‘min to? Wala na kaming pera para sa mga gastusin. Kakatanggap lang sa ‘kin no’ng isang araw at malabong e grant nila iyong gusto ko na mag-advance ng sweldo ko.’
“Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ulit kami kukuha ng pera. The doctor said na kailangan na operahan si Papa sa lalong madaling panahon—“ inangat niya ang kanyang ulo, “—Balak ko sanang magfile para kunin ang advance kong sweldo pero malabo pa sa malabo na e-grant nila iyong gusto ko.” aniya at napahilamos nalang gamit ang kanyang kamay dahil sa frustration.
Hinawakan ni Greige ang kamay ni Yiesha at tinignan ito sa mata, “You know, I can lend you money kahit gaano pa ‘yan kalaki.” aniya dahil naaawa siya sa sitwasyon ng kanyang kaibigan kahit na ilang araw pa lang ang nakalipas magmula no’ng sila ay magkakilala.
GREIGE YNA SANTOS, she has a slim body and her hair is short, perfect combination for her intimidating look. She has a sharp eyes and sharp mouth that makes people intimidate just by looking at them. She’s the same height with Yiesha. She has a habit of crossing her arms and legs and rolling her eyes when is annoyed.
Kamakailan lang silang nagkakilala at agad din naging magkaibigan. Greige knows the current situation of Yiesha, simula no’ng inatake sa puso ang ama nito. Gusto niyang tulungan ang kanyang kaibigan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng pera dahil alam niyang kailangan ito ni Yiesha. Pero naiintindihan niya naman ito nang hindi tinanggap ng kanyang kaibigan ang alok niya.
“No, Greige. It’s okay. Hahanap ako ng paraan para masolusyonan ang problema kong ito.” mahinang saad ni Yiesha sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito sabay ngiti.
“Okay, just remember na andito lang ako palagi. I am very much willing to help you, Yiesha.” they both smiled at kahit papaano ay napagaan ni Greige ang bigat na nararamdaman ni Yiesha.
Itinuon na muna ni Yiesha ang kanyang buong atensyon sa kanyang trabaho. Kailangan niyang magsikap at kumayod para patunayan sa kanilang head na hindi ito nagkamali na ipasok siya sa trabaho niya ngayon. Isa siyang fashion designer at si Greige naman ay isang Purchasing Agent.
Nagdedesign din siya ng mga gowns pero usually na dine-design niya ay kung ano ang posibleng maging trend na mga outfit na patok sa mga tao. Hindi lang siya sa sketchbook nagde-design, kundi pati rin sa computer para sa graphics editing software.
Madalas ay sumasakit na ang kanyang mga mata dahil sa ilang oras na pagbabad niya sa monitor habang nagde-desinyo. Tinignan niya ang maliit na orasan na nasa gilid niya at saktong pagpatak ng ala-singko ng hapon, tumayo na agad siya at kinuha ang bag niya.
Dumiretso siya agad sa parking lot at nagmaneho patungong Hospital kung saan doon nakaconfine ang kanyang ama. Malakas ang pintig ng puso ni Yiesha sa bawat hakbang niya patungo sa kwarto ng Papa niya.
Nasa tapat na siya ng kwarto nito ay huminga muna siya ng malalim bago binuksa ang sliding door. Agad siyang naglakad papalapit sa kama nito at dinaluhan ang ina na kasalukuyang binabantayan ang natutulog niyang ama.
“How’s Papa?” mahina niyang usal ang hinahod ang kamay ng kanyang ama na may nakakabit na dextrose.
“As of now, his heart came back to normal,” mahinahon na saad ng mama niya na ikinahinga niya naman ng maluwag.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan at pumasok ang lalakeng may suot na puting coat na sa hula niya ay ito ang doktor ng kanyang ama.
“Hello, Doc.” bungad na bati ng kanyang ina dito at bahagya naman siya yumuko upang ipakita ang respeto niya rito.
“As of now, his heart beat came back to normal. After several tests that we do to him, we found out that you husband, has a renal cancer and it is on stage 2. It is a complex disease.” napakagat labi naman si Yiesha nang marinig niya iyon.
“It is curable right?” saad na tanong ni Yiesha kaya napunta sa kanya ang tingin ng doktor.
Tumango naman ito, “Yes, it’s still contained in the kidney. During the stage 2, the cancer has grown but hasn’t spread. So, it can be cured by surgery.”
Parang nabunutan naman ng tinik si Yiesha nang marinig iyon pero hindi niya pa rin maiwasan na hindi mangamba.
Pagkatapos tinignan ng doktor ang kalagayan ng kanyang ama ay nagpaalam na ito na umalis dahil may aasikasuhin pa itong pasyente.
Umupo sila ng kanyang ina sa sofa dito sa gilid ng kwarto kung saam mahimbing na natutulog ang kanyang ama.
“Ma, paano na ‘yan? We don’t have enough money to cover Papa’s surgery,” nakayukong saad ni Yiesha habang hindi niya naman napigilan na bumagsak ang mga kuhang kanina niya pa pinipigilan.
Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang ulo at niyakap ito, “Don’t worry, we will find a way. Your Papa is gonna be okay. Just focus on your work, okay? It’s your dream job.” pagpapagan ng loob ng mama niya sa kanya.
Kahit na walang tigil siya sa pag-iyal nagawa niya pa rin na tumango at sagutin ang ina, “I will. I will do my best to improve my skills and para mapromote ako kaagad.”
Kahit na baguhan pa lamang si Yiesha sa kanyang trabaho, hindi maipagkakaila na masyado siyang magaling bilang isang starter pa lamang. Kung kaya’t ibinigay na agad sa kanya ng kanilang head ang posisyon niyang fashion designer.