PRENTENG nakaupo si Niella sa kaniyang swivel chair habang nakatingin ito sa tanawing nakikita niya mula sa kaniyang opisina. Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa headrest at marahan itong hinihilot. Hindi niya magawang makapagpokus habang ginagawa niya ang kaniyang trabaho dahil tanging si Axriel lamang ang laman ng kaniyang isipan. “Argh…” daig niya habang pabilog na hinilot ang sentido. “How can I focus kung tanging ikaw lang ang laman ng isipan ko?” She turned around and faced her desk. Kinuha niya ang envelope na nakalagay dito at binuksan ito. Biglang sumeryoso naman ang kaniyang pagmumukha habang binabasa niya ang hawak niyang papel. “Yiesha Fuenta…” she said na parang pinapatay niya na ito nang titigan niya ang litratong nakapaskil sa dokumentong hawak niya. “Head of designing te

