NAGSILBING pamukaw ang mga munting halik ni Axriel kay Yiesha. Dahan-dahan niyang ibinuka ang kaniyang mga mata upang tignan ang taong nangahas na siya’y halikan nang walang permiso. Subalit, imbes na magalit siya ay agad naman itong napangiti lalo na’t nakita niya ang food tray sa kaniyang gilid. “Good morning,” malambing na pagbati ni Axriel sa asawa. Tinakpan ni Yiesha ng kaniyang kamay ang bibig niya, “Good morning too.” Napanguso si Axriel sa ginawa nito, “Don’t.” Hindi makapaniwala si Yiesha sa naging wika ni Axriel kaya napatawa siya ng mahina, “I have morning breath. Hindi pa nakakapaghilamos at mumog.” “I don’t care,” agad na wika ni Axriel na siyang ikinangiti ng wagas ni Yiesha. Tinulungan ni Axriel si Yiesha na bumangon at ipinasandal ito sa headboard ng kama. Kukunin

