KINABUKASAN, inihatid ni Axriel si Yiesha. He insisted kaya wala nang nagawa pa si Yiesha kundi sundin ang gusto nito. Habang nasa gitna sila ng biyahe, nanatiling tahimik lamang si Yiesha dahil sa dami ng kaniyang iniisip. Isa sa dahilan kung bakit ayaw niya nang magpahatid kay Axriel ay dahil natatakot siya na baka magtagpo ang landas nilang dalawa ni Niella. Buong biyahe ay iyon lamang ang laman ng isipan ni Yiesha. Napapansin iyon ni Axriel dahil sa minu-minutong pagbubuntong hininga nito pero pinili niya na lang na huwag umimik. Maging siya ay marami rin ang iniisip dahil sa hindi pa nasu-solusyonan ang problema ng kompanya. Axriel drove towards the parking lot na siyang ikinagulat naman ng lubusan ni Yiesha. Hindi siya mapakali habang tinatahak nila ang daan papunta sa parking lo

