Diretso lamang ang lakad ni Axriel habang paalis ng kompanya. Agad namang nagsialisan ang mga empleyado na nakaabang sa labas ng elevator nang makita nila si Axriel na mabilis ang ginawang paglalakad. Bumukas na ang elevator at wala ni isa sa mga ito ang nagtangka na sumakay. Dahil dito ay pumasok na si Axriel sa loob at agad na pinindot ang numero papuntang ground floor. Hindi makatingin ang kaniyang mga empleyado sa kaniya dahil sa takot. Seryosong tao si Axriel at bihira lamang ito kung ngumiti, kung kaya't walang nangahas sa mga ito na kausapin ito dahil masyadong mabigat ang ekspresyon nito sa kaniyang mga mata. Tuluyan nang sumara ang pinto ng elevator at nakahinga naman ng maluwang ang ilang empleyado na nanatiling nasa labas lamang ng elevator at naghintay muli. "Ang seryoso nam

