Nanatili lamang na sa loob ng kanilang kuwarto si Yiesha nang tuluyan ng umalis ng bahay si Axriel upang pumasok sa trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi ang humilata magdamag at kumain. Bukod sa panonood ng mga palabas ay wala na siyang ibang pinagkakaabalahan. Gusto niya sana na makita ang kaibigan pero alam niyang tambal ito ng trabaho. Tinignan niya ang kaniyang paa at marahang iginalaw ang mga daliri niya rito. Naigagalaw niya naman ito pero sa isang maingat na paraan lamang, dahil hindi pa tuluyan naghihilom ang ilang buto sa loob. Nakahilata lamang siya sa malambot na kama at nakasandal ang kaniyang likod sa headboard. Ipinaalam niya na sa kaniyang mga magulang kung ano ang kaniyang kalagayan. Dahil napag-isip-isip niya na hindi tama na itago niya ang hindi magandang nangyari

