17 years later ANG lahat ng tao sa mansyon ng pamilyang Serra-Ty ay abala upang salubungin ang kanilang mga panauhin. Napapalibutan ng samu't-saring palamuti ang buong mansyon dahil sa napaka-engrandeng kasiyahan na magaganap ngayong gabi. Sa loob ng labing pitong taon ay marami na ang nagbago. Ang dating Licht na hindi magawang iwanan dahil baka ito ay mapano ay isang ganap na binata na ngayon. Karamihan ng mga bisita ay mga kaklase at kakilaa ni Licht. Ang iba naman sa mga ito ay mga kilalang tao sa larangan ng negosyo kasama ang kanilang anak na kaibigan din ni Licht. Taon-tao sa parehong buwan ay petsa ay dito palagi ipinagdiriwang ang kaarawan ni Licht dahil na rin sa kaniyang kagustuhan. Isang kaswal na polo at trouser ang suot ni Licht dahil hindi naman pormal ang kaniyang sele

