YIESHA was piling up all the designs that she was about to pass when her co-worker approached her desk. Napalingon siya kaagad dito nang may marinig siyang may isang pares ng paa na naglalakad patungo sa kaniya. Nagtatanong niya itong tinignan at pamilyar naman ito sa kaniya. Hindi niya lang matukoy kung saang departamento ito nabibilang. “May I help you?” tanong niya sa babae. “Good morning, Miss Yiesha. I was here to collect your designs as per instructed by Ma’am Analia,” magalang nitong wika kay Yiesha na may isang ngiti. Subalit ang ngiting iyon ay hindi man lamang umabot sa kaniyang mga mata. Tila gumagalaw pa ang isa nitong kilay na parang kanina niya pa gustong tarayan si Yiesha. She was disgusted by her dahil sa balitang kumakalat tungkol dito. Ngumiti si Yiesha sabay ta

