ANG pagdating ni Licht sa buhay ng mag-asawa ay mas lalong nagpatibay sa kanilang samahan. Naging full-time mommy si Yiesha habang si Axriel naman ay ipinabauya muna kay Mikael ang pagpapalakad ng kompanya pansamantala. Dahil kung pagsasabayin niya ito ay mahihirapan lamang siya, lalo na't hindi niya puwedeng iwanan si Yiesha dahil minsan ay sumusumpong ang postpartum nito. Halos araw-araw naman kung bumisita ang kanilang mga magulang upang masilayan ang kanilang apo. Karga-karga ng ina ni Axriel ang kaniyang apo habang naghahanda naman ng makakakain nila ang ina ni Yiesha bilang meryenda. Ang bahay nila Yiesha ay mas lalong nabigyan ng buhay dahil bukod sa mga kasama niya rito sa bahay, bumibisita naman ang kapatid at mga magulang ni Greige maging sina Kharl at Vieran. Kasalukuyang na

