“ATE Greige! May naghahanap po sa ‘yo!” Rinig na sigaw ni Greige galing sa baba. Kahit nakasuot siya ng earphones ay masyado talagang malakas ang boses ng kapatis niya para marinig niya ito sa kabila ng pakikinig ng music. “Sino raw?!” pabalik niyang sigaw habang inaayos ang sarili. Kakauwi niya lamang galing sa trabaho at dahil tadtad sila ng mga gawin, sobrang sakit ng buong katawan niya dahil sa kakapunta sa kung saan-saan. Kung kaya’t hawak-hawak niya ang kaniyang balakang habang pababa siya ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa ay rinig na rinig niya ang hagikhikan ng mga ito. Pinilig niha ang kaniyang ulo dahil sa labis na pagtataka. Dahil sa labis na kuryusidad ay binilisan niya ang pagbaba. “Sino raw po ‘yong naghahanap—“ Hindi niya naituloy ang kaniyang tanong

