NAPATUNGO si Yiesha sa kaniyang desk habang magkadikit ang kaniyang mga kamay. Hindi siya mapakali dahil nasa iisang kompanya lang pala silang dalawa ng babaeng mahal ni Axriel. Alam niyang wala siyang dapat na ikatakot dahil wala naman siyang ginawang masama. Pero hindi talaga siya mapakali. Tinignan niya ang kaniyang cellphone kung ipapaalam niya ba kay Axriel na narito si Niella. Ngunit kapag ginawa niya naman iyon, parang binibigyan niya lang ng pagkakataon ang dalawa na magkita. Hindi manhid si Yiesha upang hindi mahalata na mahal pa ni Axriel ang dating nobya. Bago pa man magbago ang kaniyang desisyon ay inilayo niya na ang tingin dito at inilipat sa kaniyang monitor. Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon wala pa siyang nakukuhang feedback ga

