PAGKATAPOS ng magarbong handaan sa mismong lugar kung saan idinaraos ang kanilang kasal ay bumalik sa kaniyang kuwarto si Yiesha na kulang na lang matumba ito habang naglalakad dahil sumasakit na ang kaniyang mga paa. Pabagsak siyang umupo ng kama at humilata habang niyu-yugyog niya naman ang kaniyang mga paa upang matanggal ang suot niyang heels. Iginalaw-galaw niya ang kaniyang baba dahil namamanhid na ito kanina pa. Hindi naman puwedeng hindi siya ngumiti sa bawat taong kumakausap sa kanila at sa mga camera na bawat anggulo ay kinukuhanan sila. Dahil baka magdulot ito ng hindi magandang imahe para kay Axriel. “Ang sakit ng paa ko!” daing niya at piniga-piga ito. Ngunit hindi niya ito tuluyang maabot dahil nanatiling suot niya pa rin ang kaniyang wedding dress. Kung kaya’t hindi niya

