It was Yiesha’s request to buy frozen foods and drinks. Hindi niya mawari kung bakit andaming request na pagkain ng kaibigan, silang dalawa lang naman ang kakain. Naglakad na siya papuntang main door at saktong nakasalubong niya ang matandang kasambahay na siyang namamahala sa mga gawin dito sa loob ng bahay. “Manang, where’s Yiesha po?” magalang niyang tanong dito. “Nandoon po Ma’am sa backyard,” sagot naman nito na may dala-dalang pamunas. “Ah, sige ho!” tugon ni Greige. Tinahak niya na ang daan papunta sa backyard. Masyadong maraming pasikot-sikot dito sa bahay ng mag-asawang Serra-Ty, kung kaya’t minsan ay nawawala si Greige at nalilito kung saan dapat siya pupunta. Nang makarating na siya sa b****a ay agad niyang nakita si Yiesha na prenteng nakaupo sa upuan habang nagbabasa.

