Ang buhay may asawa ay unti-unti nang nararamdaman ni Yiesha kung gaano ito kahirap. Sanay siyang magdesisyon para sa lahat ng mga gusto niyang gawin pero ngayon, kailangan niya munang isipin ng mabuti kung maganda ba ang maidudulot nito sa tahimik nilang relasyon ni Axriel. Being tied to someone who will spend your whole life, needs to know what decisions you’ll plan to make at iisipin mo rin kung papayag ba ang asawa mo o hindi. MABILIS na lumipas ang oras at ngayon ay naglalakad na si Yiesha patungo sa conference room. Kinakabahan siya dahil hindi niya mawari kung bakit kailangan pa na kasama siya. Isa lamang siyang head ng designing office at kumpara sa mga nasa upper ups, walang-wala siya. Kung kaya’t labis siyang nagtataka kung bakit siya nasama sa meeting. Nang matanaw niya ang p

