HABANG nasa puder ng kaniyang mga magulang si Yiesha ay hindi na nito naiwasan na sabihin sa mga ito ang sitwasyon nilang mag-asawa. Nang malaman ito ng kaniyang magulang ay labis na galit ang kanilang naramdaman para kay Axriel pero pinakiusapan ni Yiesha ang mga ito na huwag nang makisali sa kanilang problema. Kahit na ganoon na ang ginawa ni Axriel sa kaniya ay nanaig pa rin ang kaniyang pagmamahal dito. Ngayong araw ang skedyul ni Yiesha na pumunta sa obstetrician upang magpakonsulta sa kondisyon ng kaniyang anak na nasa loob pa ng tiyan. Ang kaibigan niyang si Greige ang pinakausapan ni Yiesha na samahan siya. Gustuhin man ng mga magulang niya sila na lang ang sumama sa anak, subalit ayaw ni Yiesha na mapagod ang mga ito—gayong may mini-maintain pa na gamot ang kaniyang ama. Alam

