Krisanta's POV
Tahimik ang paligid dahil maaga pa, kaya iilang estudyante lang ang nasa cafeteria. Ang ilan ay abala sa laptops, ang iba’y may hawak na kape at libro. Ako, naka-upo sa pinakadulong mesa, piniling malayo sa gulo, malapit sa bintana kung saan mas maliwanag ang natural na ilaw. Mahirap makuha ang peace and quiet sa ganitong campus, kaya ini-enjoy ko ang pagkakataon.
Nag-type ako sa laptop ko habang hinihigop ang kape—email kay prof, progress report, at konting thesis update. Medyo umokey na ang pakiramdam ko. Akala ko makakabawi na ako sa normal kong buhay. Akala ko, tapos na ang istorbo.
But I should’ve known better.
May dumaan sa peripheral vision ko—isang anino na may tiyak, tahimik na hakbang. Wala pang isang segundo, may tray na ang marahang inilapag sa harapan ko. Hindi ko pa man siya tinitingnan, alam ko na. That presence is too precise, too calculated and too cold.
Liam.
Hindi ako agad nagsalita at hindi ako tumingin pero nanigas ang batok ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Parang bigla akong napasok sa isang lugar na kontrolado niya, kahit nasa public space kami. Ganoon siya—walang effort pero laging may control.
Maya-maya, narinig ko ang boses niyang walang emosyon. Napatingin ako sa kanya, dahan-dahan. Nakaupo na siya ngayon sa tapat ko. Straight posture. Naka-dark gray long sleeves at black jeans, neat as usual. Ang tingin niya sa akin ay parang hindi ako tao—parang case file. Parang algorithm, hindi ko mawari kung may pakiramdam ang lalaking ito, masiyadong cold ang aura niya simula palang noong una kaming magkaroon ng hidwaan.
“Excuse me?” malamig kong sagot, pero hindi ko mapigilang humigpit ang hawak ko sa mug ng kape. Kunot na kunot and noo ko dahil nakatitig lang siya sa akin, na wari binabasa ang nasa isipan ko.
“The box.” Walang pag-aalinlangan ang tono niya. Mababanaag sa boss nito ang kawalan ng pakialam kung tama ba ang sinasabi o hindi. . “Sky passed it to you. Where is it?”
Mas lalong kumunot ang noo ko. Itiniklop ko ang acing laptop at napabuntong-hininga ako. Bakit ba hindi ang kanyang kapatid ang tanungin niya ng tanungin, bakit ako dinadamay sa away nilang magkapatid kung nag aaway nga sila.
“I'll say it again, Liam. I don't know anything about the box you're talking about. I'm not part of your frat. I have nothing to do with your issues." matigas kong saad. Hinigop ko ang last na sip sa baso ko, at inayos ang mga gamit ko. Tahimik lang niya akong pinanuod at hindi man lang na-offend sa attitude kong nag aayos na ng gamit ko samantalang kauupo pa lang niya.
“You’re either lying or unaware. Both are inefficient states.”
Inefficient?! Ano ako—computer na kailangang i-optimize?
“You’re seriously calling people inefficient now? Wow, you’re not just emotionally unavailable—you’re basically a computer.”
Hindi pa rin siya nag-react. Umayos lang siya ng upo, inilagay ang isang siko sa mesa, saka muling nagsalita.
“Then be a better processor. Recall the incident. Sky was injured. You intervened. He had the box. Now he doesn’t. Either you have it or you know who does.” his voice is as cold as ice na matatagpuan lamang sa Antartica. Tangina, kahit siguro sunugin mo ito, hindi matatanggal ang kalamigan niya. Tumingin ako sa kanya nang diretso, mas matalim.
“Listen, ice boy. I was trying to help someone getting beat up in a parking lot. I didn’t see any box. I didn’t touch anything. If Sky lost it, then that’s on him. Hindi ako kasali sa gulo niyo.”
Ngunit parang hindi niya narinig ang damdamin sa boses ko. Parang filtered lang niya lahat. Hindi siya bumaling, hindi rin siya lumambot.Tumayo ako at tinalikuran na siya para lumabas sa cafeteria, kahit maaga pa ako sa first period ko, kailangan ko ng umalis doon dahil sa lalaking ito--baka kung ano naman ang magawa ko sa kanya dahil sa kakulitan nito at dahil sa pilit niyang pagdadawit sa pangalan ko sa hindi ko alam na box box na iyan.
“You interfered. That already makes you part of it.” Tumayo din siya at sumabay sa akin. Iniwan na niya ang tray ng pagkain nito sa lamesa. Bigla niyang hinawakan ang braso ko ng makalabas kami sa cafeteria. Iyong blood pressure ko, unti unti na namang tumataas.
“You have three days.” Seryoso ang boses niya. Walang threat sa tono—pero may bigat, parang final notice ng isang system shutdown. Mariin akong napapikit ko siya hinarap na nakapamaywang. Ang hirap makaintindi ang lalaking ito--
"Excuse me, Mr. Morales, are threatening me?!" galit kong saad. Tinitigan niya lang ako, kumibot kibot ang mapupula nitong labi. Inalis niya ang pagkakahawak sa braso ko.
"I am not threatening you Kitten. Ang gusto ko lang ay ilabas niyo ni Sky ang box"
"Tangina, ilang beses ko bang sabihin sayo, I don't have that box! I don't even know Sky, pwede ba, huwag kayong pakalat kalat sa paligid ko--I don't know you all period!" sigaw ko dito dahil umabot na sa ulo ko ang dugo ko. Kung sino hindi ako healthy na tao, baka kanina pa ako nakahandusay sa harap niya dahil sa alta presyon. This man is really something, ang hirap magtiwala. Nagmartsa na akong umalis sa harapan niya, tinungo ko ulit kong saan ko pinarada ang sasakyan ko, kailangan kong umalis muna at magpalamig. Pero halos maloka ako ng nakasunod parin siya sa akin. Nang nasa harapan na ako ng aking sasakyan, hinarap ko na naman siya.
"Utang na loob Mr. Morales, tigilan mo ako! Kapag hindi ka tumigil, I will report you to the Admin" galit kong sabi. Namaywang ito, na parang marami siyang gustong sabihin pero hindi niya magawa. Nang mag angat siya sa akin ng tingin, nagtama ang paningin namin.
"I'm not doing anything to you Krisanta---
"Not doing anything?" kumunot noo ako. Tumawa ako ng pagak. "Eh anong tawag mo itong ginagawa mo sa akin ngayon ha? You are threatening me, you are harrassing me--ipinagpipilitan mo sa akin, na kinuha ko ang walang kwentang box na iyan---
"That box is worth more than your life woman!" matigas nitong sabi, buong buo ang boses nito. Tsk, parang nasagi ko yata ang kanyang sensitive part, nagkaroon ng biglang emosyon ang boses niya. Hinawakan niya ulit ang braso ko, this time, mahigpit na ito. Nang tumingin ako sa kanya, nanliliksik ang kanyang mga mata na halos mamatay na ako sa buga ng apoy mula dito.
"s**t you, let go of me!" nagpanic na ako dahil nahintatakutan na ako, Sa laki niyang tao, mahirapan akong patumbahin ito. Pilit kong iwinawaksi ang kanyang kamay ngunit mas lalo lang humigpit ito, parang bumabaon na ito sa aking braso. Napangiwi ako dahil sa sakit.
“If the box isn’t turned over by then, I’ll assume you’re keeping it intentionally, at kapag nalaman kong magkasabwat kayo ni Sky sa pagtatago sa box, I don't know kung ano magagawa ko sayo!” iyong galit sa boses niya nandoon parin. Mas lalo akong uminit dahil sa mga sinabi nito.
"Don't threaten me weirdo! Hindi ako natatakot sayo, I don't give a damn diyan sa sinasabi mong box!" galit kong sabi at walang anu ano kong tinadyakan ang kanyang paa. Nabitiwan niya ako kaya agad na akong sumakay sa aking sasakyan. Binuhay ko ang makina at nagmaniobra bago ko patakbuhin. Nang tignan ko sa side mirror, napatda ako ng makta ko siyang hirap na hirap maglakad--serves him right. Pero napakunot noo ako, naka sneakers lang ako, at hindi malakas ang pagka padyak ko sa paa niya, sa laki niyang tao, baka parang kutson lang itong tumama sa paa niya. Bakit parang mamamatay na siya sa sakit? Itinigil ko ang sasakyan,hindi pa ako nakakalayo sa kanya. Nang lingunin ko ulit ang side mirror, I saw him unti unting napaupo sa isang bench, base sa ngiwi ng mukha niya, he's really in pain! Ilang minuto ko pa siyang inobserbahan. He's trying to loosen up--parang nag chichill na siya dahil gumagalaw ang kanyang mga kamay, it's shaking while trying to console himself. Nakapikit parin siya. Hindi ko malaman ang gagawin ko kung bababa ako ng sasakyan at mag so sorry sa kanya and eventually help him o manaatili ako sa loob and go on my way. Nang tignan ko ulit siya--may isang matandang lalaki ang lumapit dito at inalalayan na maglakad papunta sa isang black na SUV. Damn! Was my blow really hard?!